"Ano ba, ses?! Tulala ka na naman. Ano naman bang iniisip mo? Kanina pa ako salita ng salita rito, wala rin naman palang nakikinig sa akin. 'Yung kape mo lumamig nalang sa kahihintay sa'yo. Naka-drugs ka ba?" Inis na pansin sa akin ni Migs kaya agad akong napatingin rito. "H-ha? Sorry, Migs. May iniisip lang kasi ako." Dahilan ko. Umirap ito. "Mukha nga, e. Ano na ba kasi 'yon? 'Yung panaginip mo na naman ba?" Umiling ako rito. "Hindi 'yon. 'Yung kaninang lalaking dumaan sa harap natin. Parang pamilyar sa akin 'yung mukha niya. Parang may kahawig siya. Actually, hindi lang kahawig, e. Kamukhang kamukha talaga." Nagsalubong ang dalawang kilay ni Migs dahil sa pagtataka. "Ha? Sinong lalaki? Ano ba 'yang mga pinagsasabi mo. Kinikilabutan ako sa'yo." "Promise, Migs. May kamukha talaga siy
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


