Umuwi ka kaagad, John. Nang mabasa ko ang text ni Uncle, agad kong binulsa ang phone ko at muling nag-rounds. Nakangiti akong inaasikaso ang mga pasyente ko. Pasko na pala. Sa dami ng nangyari, hindi ko na namalayan ang mga lumipas na okasyon. Sa dami ng iniisip ko, parang nawalan na ako ng time sa sarili ko. Ni hindi ko na nga namalayan na birthday ko na pala noong isang buwan. Kung hindi pa ako nilabas nila Uncle at Luigi. Pero masaya ako dahil kahit paano'y wala ng nanggugulo sa amin. Wala ng pananakot na naganap. All is well. Maayos na ang lahat sa nakalipas na ang limang buwan. Kaya sana'y magtuloy-tuloy na ito. Katulad ngayon, pasko na pala. Ito ang unang pasko namin na magkasama kami ni Uncle. Bilang magkasintahan. Ito 'yung mga panahon o okasyon na hinding hindi ko makakalimut

