Magulo ang utak ko habang pauwi ako ng bahay. Ang daming pumapasok sa isip ko. Ang pagbabalik ni Caesar, ang nangyari noong nakaraan sa bahay, ang kakaibang kilos ni Uncle. Lahat iyon ay pumapasok sa isip ko. Hindi ko alam kung paano ko pagtatagpi-tagpiin ang mga nangyayari. Parang ayaw talaga ng tadhana na maging masaya kami ni Uncle. Kanina lang ay ang saya ko pa habang magkasama kami. Kilig na kilig ako sa mga ginagawa ni Uncle. Magkahawak pa ang mga kamay namin kahit maraming nakatinging mata sa amin. Sinusubuan ako nito ng manok. Ang mga ngiti niyang nagpapangiti rin sa akin. Nang dahil lang sa nalaman ko kay Migs, lahat iyon ay naglaho at muling napalitan ng pangamba. Pangamba na baka may gawing masama si Caesar sa akin, at lalo na kay Uncle. Alam kong hindi iyon titigil hangga

