Malapit nang mag-alas dos ng madaling-araw. Ihahatid lang siya ng kaibigan niya na nasa kabilang silid lang kasama din ng isang babaeng naggaling sa bar na kasama ni Marinella. Sandali niyang tinitigan ang babae na mahimbing pa ring natutulog. Hulas na ang makeup sa maganda nitong mukha. Lalo lang lumitaw ang angkin nitong ganda na may mamula-mulang kutis. Talaga bang sa isang bar niya ito nakilala? Bukod sa mumurahin nitong damit hindi mapaghahalataan na mahirap ito. Maganda ang kutis at pilikmata, idagdag pa na hindi rin pango ang ilong nito. A Half-American girl. Hindi niya alam kung saan ito nanggaling at kung bakit kailangan nito ng pera para desperadong pumasok pa sa club. Pero naroon ang kagustuhan niyang tulungan ito sa kung ano man ang problemang kinakaharap. This w

