Masaya si Marinella dahil tapos na ang trabaho niya sa club. Alas dos na ng madaling araw sila natapos maglinis ng mga kasam niyang waiter at waitress. Iyon na lang ang trabaho niya ngayon dahil tumigil na siya sa pagiging GRO. Napagtanto niyang hindi rin siya puwedeng basta na lang huminto sa pagtatrabaho sa club dahil magtataka ang tatay niya kung saan siya kumukuha ng panggastos nila sa araw-araw. Isa pa, sa club lang din ang pagkakataon nila na magkita ni Bennett. Pumayag naman ang manager niya dahil na rin sa pakiusap ng binata. At malaki rin naman ang ibiniyad ni Bennett sa club para lang hindi na siya mag-entertain ng mga customer. "Nariyan na ba ang sundo mo?" tanong ng kasamahan nilang waiter na si Dando. "Wala pa. Baka nahirapan na namang manghiram ng sasakyan." Sinasabi nam

