Gamit ang naipong pera ni Ella sa ibinayad sa kanya ni Bennett ay umalis na sila sa Botolan. Bumalik ang pamilya niya sa Nueva Ecija na siyang probinsya ng nanay niya. Akala niya'y matatahimik na ang buhay nila doon pero sinundan pa pala sila ng panggugulo ng Papa ni Bennett. Galit na galit ito dahil sinira daw niya ang buhay ng kasintahan. Bukod sa hindi natuloy ang pagpapakasal ni Bennett kay Denisse Silvestre na siyang naging boss niya sa Luma Hotel, naaksidente pa ito dahil patungo dapat sa bago nilang apartment sa Botolan. Siya ang sinisisi sa lahat. Lumayo na nga sila sa Botolan kagustuhan ni Carlitos Guererro, hindi pa rin sila pinatahimik hanggang sa Nueva Ecija. Ang masama pa ay kasabwat ng Papa ni Bennett ang tatay niya. "Wala kang mahihita sa pagtitinda sa palengke, El

