"This is so beautiful. No wonder Papa is so eager to make you my wife. Paanong wala kang boyfriend ngayon?" Hinawi niya ang kurtina saka binuksan ang pinto palabas sa balkonahe. Mula roon ay matatanaw ni Bennett ang magandang tanawin na mga isla at mga villa na nakakalat sa gitna ng dagat. "I just ditched him. Isama ba naman ako sa kaso niyang illegal drugs kung 'di ba naman sira-ulo." "G*go naman pala eh." Ipinatong ni Bennett ang kamay sa barandilya at tinanaw din ang ibaba. Ang silid ni Dylan ang ipinagamit niya na katabi lang ng silid niya. "I'll go change my outfit. Magkita na lang tayo sa ibaba. May roba d'yan sa cabinet gamitin mo na lang. You can use everything here including Dylan's collection of wines." "Nasaan nga pala ang kapatid mo? Hindi ko pa siya napapasala

