"Hi..." nakangiting bati ni Camille. In fairness, maganda ang ngiti nito na may dimple pa pala. "Hi. I'm Bennett. Dominico's handsome brother." "Camille." Tinanggap nito ang pakikipagkamay niya. "It's nice to meet you." "Same here. Is it okay if I invite you for a dinner?" "My pleasure." Napangiti siya nang makitang game naman itong makipag-date sa kanya. Ang sabi ni Rachelle ay naka-reserve na ang table nila sa fine-dining restaurant doon. Ibinilin na daw sila ni Denisse sa mga staff. "Salad ka lang?" tanong niya kay Camille nang makitang gulay na may prutas lang ang in-order nito. "No carbs ako kapag gabi." "Hmm... Kaya pala ang liit ng baywang mo." "Maaga ako bukas sa gym. You want to join me?" "Hindi pa ako puwede sa strenuous activities dahil naaksidente ak

