Chapter 34 Hindi ako mapakali, bat ganito ang nararamdaman ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang may di magandang mangyayari. "Hoy babae ka, tumigil ka nga sa kalalakad mo, kanina pa ako nahihilo saiyo" saway sa akin ni Joy. "Joy, ano na kaya nagyari sa mga bata kamusta na kaya sila" "Oh eto inumin mo muna tong tubig para kumalma ka huh, wag kang mag aalala magiging ligtas sila" "Pero" bigla kong nabitawan ang basong may lamang tubig na inabot sa akin ni Joy. Mas lalo akong nataranta. "Ayos ka lang April, oh may god sige na umupo ka muna ako na bahala dito magpahinga kana muna" "Joy!" tawag ko sa kanya. "Bakit?" natigilan siya ng makita na niya akong umiiyak. "April bat ka umiiyak anong ngyari saiyo" "Di ko alam bigla na lang tumulo ang luha ko ng di ko alam"akmang pupulutin

