Chapter 35 ***Alex-Clayton-king-Aldrin*** Walang tigil ang paghahanap kay Leon, isang buwan na ang nakalipas. Ginawa na ang lahat nina Alex ang kanilang makakaya pero wala talaga di nila na ito makita pa. Pero di pa rin sila nawawalan ng pag asa. Di pa rin sila tumigil ito. "Nasaan ka na ba Leonardo, kahit katawan mo na lang, basta makita ka lang namin, maawa ka naman sa mag iina mo ang hirap, masakit sa dibdib makitang nahihirapan ang mga minamahal mo. Hanggang sa huling hininga mo pinapahirapan mo pa rin sila, wala ka ng binigay na maganda sa kanila kundi puro pasakit" mga katagang sinisigaw ni Alex habang hinahanap nila si Leon. Determinado talaga siyang mahanap ito. "Siguro nga di na natin siya makita pa, mabuti pa itigil natin ito" sabi ni king kay Alex. Kaya nagalit ng husto ang

