SIMULA
KEN
Tahimik ang buong dining hall. Isang napakagarbong hapag, puno ng mamahaling putahe... wala namang selebrasyon ngunit araw-araw ay ganito ang aming dining hall — sa gitna ng karangyaan na nararanasan may isang malaking yelo ang nakabara sa aking dibdib na kahit na anong gawin ko ay hindi ko ito kayang tibagin.
Mula sa dulo ng mesa, nakaupo si Papa isa siyang kilalang abogado sa bansa. Disiplinado, tahimik, at preskong presko sa kanyang barong habang seryosong nagbabasa ng balita sa kaniyang newspaper. Katabi niya si Mama—isang socialite, dating beauty queen, at ngayo’y chairman ng ilang foundations at elite women’s clubs.
Isang linggo mula nang ipagdiwang ko ang pagtatapos ko sa kursong medisina. Isang tagumpay na pinagpaguran, pinagpuyatan, at isinugal ang lahat—pati emosyon. Subalit sa harap ng aking pamilya, isa lang itong ordinaryong balita. Walang selebrasyon, ni hindi nga nila ako binati at ni hindi man lang sila dumalo.
"Ang ate mo nga, naging Chief Resident sa ospital ng walang sabit," bulong ni Mama habang naglalagay ito ng wine sa baso. "Hindi tulad mo, Kenzie. Matataas nga ang grado mo, pero wala ka pa ring napatunayan."
Hindi ako sumagot. Sa mga ganitong sitwasyon, alam kong walang panalong salita. Itinuro na ng karanasan sa akin na sa bawat tagumpay, may kasunod na pangungutya. Sa bawat effort, may kapalit na pagkukumpara.
Bata pa lang ako, alam ko na—hindi ako ang paboritong anak. Minsan nga iniisip ko na ampon ako, pero kamukha ko naman si Papa.
Si Veronica. Si Ate Vera. Ang panganay. Ang maganda, matalino, at perpektong anak. Laging una, laging pinupuri. Ako?Isang anino lang. Aninong pilit umaalpas, pero lagi’t laging kinukulong ng rehas ng expectations.
Kaya hindi na rin ako umaasa na makita rin nila ang halaga ko. Sa mga mata ng sarili kong pamilya—lalo na kay mama—isa pa rin akong malaking pagkukulang. Para pa ngang isa akong pagkakamali sa kanila.
"Kenzie," tawag pansin sa akin ni Papa. "Si Maxwell pala ang guest speaker sa awards night n'yo."
Binalingan ko ng tingin si Papa. Kahit papaano ay maganda naman ang pakikitungo sa akin ni Papa, though istrikto talaga siya.
"Opo, Papa."
Tumango lang si Papa bago niya balingan ng tingin si Ate.
“Kumusta naman kayong dalawa ni Maxwell, Hija?”
"We're doing fine, Papa. You don't need to worry about us."
Marahas akong napabuntong hininga. Marahan akong tumayo.
"Salamat po sa hapunan," mahina niyang sabi. "May rounds pa ako bukas."
“Ayan ka na naman,” nakuha ni ate Vera ang atensyon ko. “Baka naman masyado kang nagpapakahirap. You know, you should learn how to balance. Hindi lang career ang mundo.”
"Okay lang ako, Ate. Masaya naman po ako sa ginagawa ko."
Nagkatinginan ang sila ni Mama na para bang may mali sa sinabi ko. Isa itong tingin na puno ng paghuhusga, hindi pagmamalasakit.
"Ang ate mo nga," umpisa ni Mama. "Naging Chief Resident sa isang private hospital without exhausting herself like you do."
Hindi na bago sa akin ang ganitong klase ng usapan. Sanay na akong idiin sa bawat hapunan, bawat salu-salo, bawat porum kung saan kasalo ko ang aking pamilya.
"Hayaan niyo na lamang si Kenzie, sige na hija, umakyat ka na sa iyong kwarto," ani Papa sa isang kalmadong tinig ngunit ramdam ang lamig.
Isang sandaling katahimikan. Isang malalim na buntong-hininga.
"Akyat na po ako sa kwarto ko," muling saad ko.
Walang sumagot. Wala ring nagpigil. Tumalikod na ako at tahimik na tinungo ang hagdan, paakyat sa aking silid.
Sa bawat hakbang, ramdam ko na mas lalong bumibigat ang aking dibdib. Hindi ito dahil sa pagod, kundi sa walang katapusang pakikibaka para mapansin, para makilala, at para mahalin lang nila ako.
Pero sanay na ako sa ganito. At iyon ang masakit. Sinanay ko na lang ang sarili ko.
Kinabukasan, wala sana akong plano na dumalo sa pagtitipon ng mga medical graduates na inorganisa ng Department of Health at ilang LGU officials. Hindi naman kasi ako sanay sa mga social events.
Pero dahil isa ako sa mga pinarangalan at dahil may utang na loob ako kay dean ng med school, hindi na ako tumanggi. Isang pabor lang naman. Magpakita, ngumiti, tumanggap ng plake, tapos pwede na ring umalis.
Simpleng cocktail event lang sa isang hotel na pagmamay-ari ng Mayor ang salo-salo. May wine, may maliit na stage, may mga sponsor. Bagong halal na mayor ng lungsod si Maxwell, isang rising political star, kilala sa charisma at “taong-bayan” image.
Maganda ang speech ni Maxwell. Simple pero malalim. Napaayos ako ng upo nang lumingon siya sa akin habang nagsasalita—siguro ay nakilala niya ako.
Pagkatapos ng event, habang naghihintay ako ng driver sa labas ng venue, biglang bumuhos ang ulan.
"Ang malas mo talaga, Ken," bulalas ko sa aking sarili.
Dahil hindi ko dala ang sasakyan at wala rin naman akong dalang payong, minabuti ko na lamang maghintay sa bar ng hotel.
"Oh shoot!" bulalas ko nang makita ko si Maxwell agad nagsalubong ang mga mata namin pero nag-iwas agad ako.
Ramdam ko ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Paano kung sabihin niya kay ate na nasa bar ako ngayon?
“Does your sister know that you are here?"
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at marahan na inilayo ang baso ng alak na inorder ko. Umupo siya sa tabi ko. Nag-order ng whisky.
Hindi kami close. Ni never pa kaming nag-usap ng masinsinang dalawa. Pero may kakaibang katahimikan sa pagitan naming dalawa—yung klase ng katahimikang hindi awkward. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Wala rin naman akong sasabihin sa kaniya.
“How does it feel that everyone likes you?" basag ko sa katahimikan. "Have you ever felt like no matter what you do, it's never enough? That even if you win, it still feels like failure?”
Binalingan ko siya ng tingin. Bagay talaga silang dalawa ni ate. Walang duda. Hindi sumagot si Max. Pero nakita ko ang bahagyang pagkuyom ng kamao niya sa ilalim ng mesa.
"You're lucky. No matter what you do, you still have your worth."
Muli akong uminom. Hindi ko alam kung nakailang baso na ako. Basta ang gusto ko lang ngayong gabing ito... matapos lahat ng bigat na nararamdaman ko.
Ramdam ko na ang aking pagkahilo ngunit nagtuloy pa rin ako sa pag-inom.
"My life is suck! My family sucks! Why? Am I not that worth it? I'm smart. I can be the best they wanted. But why it is never enough?"
Para na akong tanga na nag r-rant sa kaniya. Wala akong narinig. Pati ata talaga siya ay wala ring pakealam sa akin.
"You know what?" Itinuro ko siya. I sneered. "You're indeed lucky. Super lucky!"
Tumayo ako ngunit muntikan akong matumba buti na lang ay nahawakan niya ako.
"I'll bring you home..."
"No no no. You can't! I don't want to go home yet. I want to drink more."
I wrapped my arms around his nape, and before I could even think straight... our lips met. After that, everything went black.
"Ugh! Headache," I muttered while holding my head.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at halos lumabas ang aking puso nang makita ko si Maxwell sa tabi ko. Nakatalikod ito habang natutulog. Tahimik ang buong silid. Hubad kaming pareho at ramdam ko ang hapdi ng aking pempem.
"Anong nagawa ko?" bulalas ko.
Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib at hindi ito matanggap ng aking sistema. This is not right! This is so wrong!
Tahimik akong bumangon at umalis nang hindi na nagpapaalam.
Ang nangyari ngayong gabi ay isang lihim. Isang pagkakamali.
Dalawang linggo mula noong gabing iyon. Kahit na anong pilit kong kalimutan ito ay lagi itong bumabalik sa aking sistema. Mas lalong napuno ng takot ang aking puso.
Sa bawat araw na lumilipas isinubsob ko ang sarili ko sa trabaho, sa mga medical missions at sa kung ano pa. Ngunit sa paglipas ng araw, mas lalo kong hindi naiintindihan ang aking sarili. Minsang pagkahilo sa umaga. Pagkahapo kahit konti lang ang ginawa.
"Buntis ba ako?"
Puno ng takot ang aking sistema. Dalawang buwan na akong hindi dinadatnan... doktor ako at kahit na anong gawin ko... alam ko...
Napaupo na lamang ako sa gilid ng aking kama, tahimik, hawak ang pregnancy test na may dalawang malinaw na guhit.
Positive.
“Hindi, imposible 'to...” bulong ko habang nanginginig ang aking kamay.
Isang beses lang. Isang gabi lang. Pinunasan ko ang aking luha. Paano si Ate? Ano itong nagawa ko?
Tahimik akong nakaupo sa harap ng aking mga magulang. Wala si ate Vera—nasa Europe pa para sa isang medical fellowship.
“Ano’ng sinabi mo?” tanong ni mama, halos pabulong pero may halong poot.
“Buntis po ako,” ulit ko, mas malinaw. “Two months.”
Hindi agad nagsalita si Mama. Tumayo ito at marahang lumakad palapit sa bintana. Si Papa naman, nakatitig lang sa akin—walang emosyon sa mukha.
“At sino ang ama?” malamig na tanong ni Mama
Sandali akong natahimik. Tiningnan ko ang sahig, at mahina ngunit matapang na sinabi:
“Si Maxwell po.”
“Si Max? Ang fiancé ni Vera?!” sigaw ni Mama, ang boses nitong ngayon ay hindi na mapigilan ang galit.
"Hindi ko po sinasadya... Hindi ko po alam ang nangyari. I was drunk. It was just... one night. Hindi ko po siya sinadya. Hindi ko rin po ito ginusto," pakiusap ko, halos nanginginig na ang aking tinig.
Isang malutong na sampal ang tumama sa aking pisngi. Nagulat ako—hindi sa sakit, kundi sa bigat ng kahihiyang kasunod nito.
“Ang anak kong doktor! Magaling! At ngayon, kabit?” singhal ni Mama, punung-puno ng poot. “Papatayin tayo ng kahihiyan!”
Hindi ako lumaban. Hindi ako umiwas. Tinanggap ko—lahat.
“Anong gagawin mo ngayon?” tanong ni Papa, diretsong tumingin ito sa akin.
Mukha siyang kalmado ngunit ramdam ko sa tingin niya na hindi siya masaya sa naging balita ko.
“Tatawagan ko si Max. Aakuin ko ang responsibilidad. Pero hindi ko po ipipilit ang sarili ko sa kanya,” sagot ko, may luha na sa mata pero matatag pa rin.
“Hindi p'wede,” sabat ni Mana. “Hindi pwede na masira ang pangalan natin. Lalo na si Vera—siya ang dapat ikasal sa isang mayor! Hindi pwedeng masira ang future niya dahil sa pagkakamali mo!”
Natahimik ako. Hindi ko na alam kung anong mas masakit—ang hindi inaasahang pagbubuntis ko ba, o ang katotohanang kahit sa pinakamasakit na sandali ng aking buhay, ang iniisip pa rin ng aking pamilya ay pangalan at reputasyon nila.
Isang linggo ang nakakalipas simula nang sabihin ko sa aking mga magulang ang pagbubuntis.
Ngayon nakaupo ako sa loob ng kwarto ng isang pribadong restaurant, hinihintay ang pagdating ni Max. Dumating ito, naka-civilian clothes, simpleng polo at pantalon—malayo sa usual na “mayor look” niya sa TV.
“Anong importante, bakit mo ko pinatawag?” tanong niya, malamig ang tono.
Inipon ko ang lahat ng lakas ko bago ako nagsalita na halos kainin ko rin.
“Buntis ako.”
Isang mahabang katahimikan ang namayani sa aming dalawa.
“At ako ang ama?” tanong nito, seryoso.
Tumango ako. “Oo.”
Pinatong ni Max ang kamay sa labi niya. Halatang nag-iisip.
“Wala akong intensyong sirain ang buhay mo, Max. Hindi ko kailangan ng suporta mo. Hindi ko rin kailangang panagutan mo ako. Pero kailangan mong malaman, dahil may karapatan kang malaman.”
Muli kaming natahimik.
"Kaya ko ang sarili ko. Aalis ako. Hindi na ako babalik dito. Itatago ko ang tungkol sa bata..."
Napatigil ako nang tumawa ito, sarkastikong tawa na tila ba isa lamang biro ang nangyayari ngayon.
"Do you think I'm f*****g stupid?"
Mas lalong dumilim ang tingin niya.
"You destroy my plan, so what do you expect?"
Hindi ko gusto ang daloy ng mga sinasabi niya.
"You ruined everything, and I will ruin yours too."
Napasinghap ako.
Sa bandang huli, sinabi niyang may plano siyang kakaiba—isang desisyong magpapabago sa lahat.
Isang linggo matapos ang usapan, naganap ang kasal.
Tahimik. Lihim. Walang bulaklak. Walang bisita.
Ang tanging saksi lamang ng lahat, sariling kahihiyan at isang batang hindi pa man ipinapanganak, pero dala na ang bigat ng lahat.
---