Kabanata 5: Going out... family

2024 Words
KEN Nang makarating ako ng hospital ay agad kong tinungo ang emergency room. “Dok, elderly female, distended abdomen, absent bowel sounds, history of heart disease. Vitals unstable, tachycardic," ani Doc Jem, isang resident doctor. Lumapit ako at tahimik na pinulsuhan si Lola. “Lola Luz, ako po si Dra. Martinez. Susubukan naming mapagaan ang pakiramdam n’yo. Ilang araw na po bang hindi kayo dumudumi?” “Apat na araw na, Dok… parang may bara…” mahinang turan niya. Pansin ko na nahihirapan na ito. Inassess kong mabuti ang kalagayan ni Lola. Lumapit sa akin si Nurse Bea. “Abdominal X-ray shows dilated bowel loops. Wala pang gas sa rectum," aniya na napabuntong hininga pa. “Intestinal obstruction po. Surgical abdomen," ani Intern Irene. “Confirmed. High-risk patient ito. Elderly, with heart condition. But if we don’t operate, we might lose her," saad ko habang nakatingin kay Lola. "Kakausapin ko ang guardian." Lumabas ako ng ER. Agad namang lumapit sa akin ang anak ni Lola Luz. Umiiyak ito at kitang-kita ko ang takot sa kaniyang mukha. “Dok… ligtas po ba ang nanay ko kung ooperahan?” Huminga ako ng malalim. “Hindi ko kayang ipangako na walang risk. Pero kung hindi natin ito agapan, lalala ang kondisyon niya. Mas mapanganib kung hahayaan lang natin.” “Dok… kayo na po ang bahala. Iligtas niyo po siya…” Ngumiti ako at hinawakan ang kaniyang kamay. "Gagawin namin lahat ng makakaya namin." Muli akong pumasok sa ER. “Start fluid resuscitation. Prepare for high-risk emergency laparotomy. Notify ICU for post-op care.” “Dra., parang delikado talaga...” bulong ni Doc Jem na kinakunot ng aking noo. “Kapag ang pasyente ay may laban pa, lalaban din tayo. Hindi p'wedeng panoorin lang natin sila na nahihirapan. We are here to save life, not to save our faces." Hindi nagtagal ay dinala na namin si Lola Luz sa operating room. Tumagal ng ilang oras ang operasyon. Maraming dugo ang kinailangan namin... mahirap ngunit nagawa namin. "You're really a monster, Dra. Ken," nakangiti saad ni Doc Jem habang pareho kaming naghuhugas. "Oa mo talaga. Kung ako monster, ano ka?" natatawang saad ko. Hindi madali ang trabaho namin. Sa tuwing papasok ako ng operating room andoon yung takot ko... takot ko na baka mabigo ako sa gagawin ko. Oo, hindi naman namin hawak ang buhay ng tao pero nandito kami sa field na ito upang tumulong at gawin ang aming makakaya upang madugtungan pa ang buhay ng isang tao. "Oh? Anong ginagawa mo rito?" kunot noong tanong ni Luna nang makita niya ako. "Ako dapat ang nagtatanong niyan. Ano ang ginagawa mo rito sa office ko?" salubong ang kilay na tanong ko. Mas lalong lumawak ang pagkakangiti nito. Ewan ko ba kasi sa isang ito, kulang na lang gawin niyang bahay itong opisina ko. "So ano nga?" tanong nito na akala mo sa kaniya talaga ang opisina at parang sampid lang ako. "Code blue," simpleng sagot ko. Pinasadahan ko ang oras. 11 na pala. Panigurado akong tulog na ang anak ko. "Uuwi na ako." "Okay. Ingat." Muli ko siyang pinagtaasan ng kilay. "Ako ng bahala sa opisina mo. Safe ito sa akin," nakangiting saad niya. Yung ngiti niya akala mo nanggagago lang eh. "Ewan ko talaga sa iyo." Hindi na ako nagtagal pa sa aking opisina na ininvade na ng tuluyan ng magaling kong kaibigan. Ewan ko ba kung bakit trip na trip niya ang opisina ko, pareho lang naman kami. Mabilis lang din nang marating ko ang bahay. Katulad ng inaasahan ko ay wala na akong nadatnan pa sa sala. Tinungo ko ang kusina para kumuha ng tubig. "Ay gago!" singhal ko nang paglabas ko ng kusina ay bumungad sa akin si Max. Kalmado naman ang mukha niya ngunit makikita sa mata niya na hindi na naman siya natutuwa. Ano na naman kaya ang kasalanan ko sa isang ito? Lalampasan ko na sana siya nang magsalita ito. "She's in my room." Agad nagsalubong ang aking kilay dahil sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? "Sleeping," muling saad nito. Gusto ko sanang tanungin kung bakit natutulog si Koko sa kwarto niya ngunit alam ko naman na wala rin akong makukuhang matinong sagot mula sa kaniya. "Okay. Buhatin ko na lang siya mamaya. Magpapalit lang ako." Nilampasan ko na siya. Wala naman na akong ibang narinig pa mula sa kaniya. Nang matapos kong mag shower at magbihis ay tinungo ko ang kwarto niya. Once in a blue moon lang kung mapasok ko ang kwarto niya, wala rin naman kasi talaga kaming pake sa isa't isa. Nadatnan ko si Max sa kaniyang sofa na nakaharap na naman sa kaniyang iPad at mukhang may masinsinang binabasa. Tinungo ko ang kaniyang kama. Mahimbing ng natutulog si Koko habang yakap nito ang kaniyang paboritong laruan. Hindi ko na aasahan ang gagong ito na siya ang magbuhat kay Koko. May allergy ata talaga siya na hawakan ang anak ko. Dahan-dahan kong binuhat si Koko para hindi ito magising at nagtagumpay naman ako. Nakalabas ako sa kaniyang kwarto na hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin. Ano pa nga bang aasahan ko sa kaniya? Nang maihiga ko si Koko sa kaniyang kwarto ay umalis na rin ako. "Ay putik!" gulat na saad ko nang biglang sumulpot sa harapan ko si Max na seryosong seryoso na naman ang kaniyang mukha. "Why? Is there something wrong?" I asked in a calm tone. "She wants to go out tomorrow." Gusto ko na naman sana siyang iremind na anak niya rin si Koko kaya lang pinigilan ko na lang ang sarili ko. He really knows how to disappoint me. "Okay. I'll go with her," kalmadong sagot ko. Sa tuwing tinitingnan ko siya sa mga mata hindi ko magawang intindihin ang emosyon niya. His eyes are always dark and cold. It's so deep that I couldn't even grasp any of it. "She wants us to go with her." His tone is a little bit annoyed. "Huwag kang mag-alala, ako ng bahala sa kaniya. Ipapaliwanag ko na lang sa kaniya." "Make sure to explain properly." "Bakit hindi na lang ikaw? Tutal expert ka naman sa ganiyan." Hindi ko na napigilan ang aking pagkairita. Kuhang-kuha niya talaga lagi ang inis ko. Sa halip na sumagot siya ay mataman lang niya akong tiningnan na para bang may mali na naman akong ginawa. "Wala ka na bang ibang sasabihin?" tanong ko pero sa halip na sagutin niya ako ay tinalikuran at nilayasan lang ako ng gago. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata saka ako huminga ng malalim upang kahit papaano ay kumalma naman ako. Kinabukasan ay maaga akong nagising upang maghanda ng breakfast. "Good morning, Moma." Lumapit sa akin si Koko at humalik. She is really so sweet. Sana lang talaga dumating ang araw na tawagin na siyang anak ni Max. "Good morning, Baby. Are you excited today?" Lumaki ng bahagya ang inaantok pa niyang mata. Agad na napalitan ang inaantok niyang mata ng excitement at kasiyahan. "Why Moma? Are we going out today? Papasyal po tayo?" Napatalon pa siya dahil sa saya. I smiled sweetly. "We will spend the day together today." "How about, Dada? Is he also coming with us, Moma?" "You know Dada can't go even though he wants to come right?" Nakangiti pa rin siya ngunit ang mga mata niya ay may halo ng kalungkutan. "Okay po, Moma. Next time na lang po ulit." Mahirap para sa akin na hindi maibigay sa anak ko ang normal na pamilya. Pareho kaming nakatago... at hindi ko alam kung panghabambuhay ba ito. Habang lumalaki si Koko, hirap na rin akong magpaliwanag sa kaniya. Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kaniya na isa kaming malaking sikreto sa buhay ng kaniyang ama. Na ang tingin sa kaniya ni Maxwell ay isa lamang pagkakamali... well pareho kaming pagkakamali niya. Hindi nagtagal ay dumating na si Max na as usual ay akala ko pasan na naman niya ang lahat ng problema sa mundo. "Good morning, Dada." Lumapit sa kaniya si Koko at saka humalik ito sa kaniyang pisngi. "Thank you po kagabi kasi po you let me stay to your room." Kung kanina ay kita ko ang kalungkutan sa kaniyang mga mata ngayon ay bigla itong naglaho. Her eyes smiles so prettily that all I can do is to admire her. "Let's eat," iyan lang sinabi niya. Tsk. Ni hindi man lang niya binalingan ng tingin ang anak namin. Hindi naging tahimik ang hapagkainan dahil panay ang kuwento ni Koko ng mga karanasan niya. Nang matapos naming kumain ay inabala ko naman ang sarili ko sa paglilinis sa kusina. "Are you really going today?" Oh? Hindi pa pala umalis ang gagong ito. "She already have a lot of things to do here. She has her own play room." I sneered. "She needs someone she can play with. Hindi naman puwedeng ikulong natin siya rito dahil lang natatakot ka na baka malaman ng mundo ang existence niya." Mas lalong nagdilim ang kaniyang mga mata dahil sa sinabi ko. Kahit gaano ko kasi ikalma ang sarili ko ay hindi ko mapigilan lalo pa't tine-test niya talag ang pasensiya ko. "I'm just protecting her." "Protecting her or protecting your name?" sarkastikong tanong ko. "Huwag kang mag-alala, hindi naman namin sisirain ang pangalan mo at kung mangyari man iyon... kami na lang kusa ang aalis sa buhay mo." Kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga na tila ba hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. "Baka nakakalimutan mo, ikaw ang puno't dulo ng lahat ng ito. Ikaw ang sumira ng lahat." Naglakad ito palapit sa akin. His eyes are so dangerous. "Stop acting like a saint or a good mother neither of that you're just a devil in disguise to me." "Kung makapagsalita ka akala mo ako lang ang nagkamali sa ating dalawa." Hindi ko na napigilan pa ang magsalita. "You were there too... kung sana hinayaan mo na lang ako hindi sana tayo ganito ngayon. It's not just my fault." Ngumisi ito. Naglakad ito palapit sa akin kaya napaatras ako. "You throw yourself to me... and you beg for it." Ramdam ko ang mabilis na kabog ng aking dibdib hindi ko alam kung dahil sa galit o takot. Hindi ako nakaimik dahil sa sinabi niya hanggang sa nawala na siya sa aking paningin. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Gusto kong depensahan ang sarili ko dahil hindi naman totoo ang sinabi niya... kaya lang bigla akong natakot at napipe na para bang tama ang tinuran niya. No matter what I do, bumabalik lang talaga ako sa umpisa. Kahit na anong gawin ko... sa akin ibinabato ang lahat. It's not even my fault. Bago ako lumabas sa kusina ay siniguro ko na muna na okay na ako dahil ayoko namang makita ng anak ko na tuliro ako. "Baby, Ninang Luna is coming with us too." Nakuha ko ang atensyon niya. "Talaga po, Moma? Yey! I'm excited." Napatingin ako sa singsing ko na lagi kong suot... nakakatawa lang isipin na kasal ako ngunit hindi p'wedeng ipaalam kahit kanino. What a life, indeed! Nang makapag ayos kami ni Koko ay lumabas na kaming dalawa. Ang lugar kung saan kami nakatira ngayon ay isang private property na hindi basta-basta puwedeng ipagsabi sa iba dahil puro mayayaman ang nakatira rito. No one will ever dare to open up about what is happening in this place. Ni wala ngang press ang nagtatangka na pasukin ito... no news about this place too. Ang gate mula sa bahay ay ilang metro ang layo. Kapag lalakarin ito ay tatlong minuto. Ganito kasecure ang bahay ni Max. Literal na wala talagang makakaalam kung sino ang mga nakatira sa loob ng bahay niya dahil sa nagtataas pader. Nang marating namin ang mall ay kitang-kita ko ang kasiyahan sa mga mata ni Koko. Si Luna naman ay on the way palang. "I'm so happy, Moma. Thank you for bringing me here," nakangiting saad niya saka siya yumakap sa akin nang mahigpit. "I wish I could spend a day with Dada too. Sayang busy siya lagi." Sa tuwing pinagmamasdan ko ang aking anak, hindi ko rin talaga mapigilan ang sarili ko na mapaisip. Kasalanan ko ba talaga ang lahat? ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD