Chapter 7

1308 Words
Nasa sala sina Jansen at Mary Ann nagkukwentuhan,dahil off ng kaniyang kaibigan. Medyo napanatag ng konti ang loob nila ng wala na silang makitang mga umaaligid sa harap ng bahay nila mag iisang linggo na. Hindi na nila pansin ang oras na lumipas,kaya naisipan na nilang magpadeliver ng pizza dahil na rin sa gutom na nararamdaman. Dahil ang usapan nila ni Mary Ann at Aileen na mag movie marathon.Nagdala na ang kaibigan ng extra clothes dahil dito na nga matutulog ang dalaga. Naring ang doorbell kaya naman si Aileen na ang tumayo sa kinauupuan. "Ako na Ate Jansen baka iyong pinadeliver nating pizza iyan." anito na tinungo ang pintuan palabas. Isang malakas na tili ang kanilang narinig mula kay Aileen.Biglang nagmadali silang malapitan si Aileen. Ang kahon ng pizza na hawak nito ay nagkalat sa sahig. "Oh My God"bulalas nilang dalawa ng kaniyang kaibigan sa nakitang laman ng box ng pizza. Umiiyak na yumakap sa kanya si Aileen na nangangatog. Ang laman ng box ng pizza ay isang puso at puro dugo,hindi nila alam kung anong uri ng puso ito kung sa anong hayop ba?" Narinig nilang may mga kalalakihang nagtatawanan sa hindi kalayuan.Talagang sinadya ito upang takotin sila.Mabilis na silang pumasok at ini-lock lahat ng bintana pati ang pintuan sa takot na baka pasukin sila. Natigilan sila ng mag-ring ang isa sa mga cellphone nila.Malakas ang kalabog ng dibdib ni Jansen at aminado siyang takot din siya at nag aalala sa sitwasyon nila. Nagkatinginan silang tatlo,Umiling si Mary Ann hindi ang cellphone nito kung hindi ang kay Jansen. "Ate wag mo sagutin!!" Babala ni Aileen na nahihintakutan. Nanginginig ang kamay na dinampot ni Jansen ang kaniyang phone sa ibabaw ng mesa upang alamin kung sino ang caller. Sinagot niya ng makitang ang kaibigan ng kanyang ina at mabait nilang kapitbahay lang pala ang tumatawag. "Jansen mas makabubuting lumayo muna kayong mag kapatid dito.Ang mga lalaking nagbabantay sa labas ang nanloob diyan sa bahay niyo nung wala kayo.Sila rin ang humarang sa delivery boy ng pizza kanina.Nag aalala na ako sa kaligtasan niyong magkapatid.Umalis na lang muna kayo dahil narinig ko ngayong gabi papasukin nila ang bahay niyo." Nanginginig ang boses ni Aling lena na binalaan ang mag kapatid. Ganun po ba?Salamat sa paalala niyo Aling lena,sige ho gagawin ho namin ang payo niyo.Kayo na muna bahalang tumingin tingin sa bahay namin Aling Lena." "Bilis Aiz ihanda mo gamit na importante lang kailangan nating makaalis agad dito bago lumubog ang araw. "Oh my Gosh Jansen madami sila at nakakatakot ang mga pag mumukha ng mga hinayupak!" ani Mary Ann na nakasilip sa siwang ng bintana.Dalawang kotse na ang nakaabang sa tapat isang Itim na Van at isang AUV. "Eh Ate saan naman tayo pupunta?Wala naman tayong kamag-anak na pwde puntahan?".natigilan din si Jansen sa sinabi ng kapatid. " May alam ako sa probinya ng nanay ko!" ani Mary Ann. Pasensiya ka na Besshy pati ikaw baka madamay sa gulong kinasasangkutan naming mag kapatid". ani Jansen. Wag mo intindihin iyon what are friends are for kung hindi tayo magdadamayan,at tiyak naman na damay na rin ako siguradong kung mgpapaiwan ako sa akin nila kayo hahanapin.But our big problem is saan tayo dadaan nasa harap lang sila.Hinihintay lang nilang magdilim at kumukuha ng timing ang mga ito upang sapilitang pasukin ang bahay nila. Sumunod kayo sa akin,hintayin na rin natin magdilim saka tayo aalis. Kinuha ni Jansen ang isang knapsack sa aparador,naglagay ng ilang piraso ng damit at ang kanyang maliit at manipis na laptop.Kailangan niya ang kaniyang laptop kahit nasa malayong lugar ay makapagsulat at kumita ng pera. Nasa itaas sila sa kaniyang kwarto.Nakasilip sa siwang ng bintana at pasimpleng inoobserbahan ang mga kalalakihang nakatambay sa harapan ng bahay nila.Kahit ang baranggay ay walang magawa para paalisin ang mga ito.Mukhang pati ang mga ito nasuhulan ng pera.Ang nagagawa nga naman ng pera sa taong makasarili. "Besshy sa tingin mo bubuhayin ba nila tayo kung makukuha nila tayo I mean kung maabutan nila tayo?"tanong ni Jansen kay Mary Ann.Kahit siya alam niya sa sarili niya ang kahihitnan nila mapasakamay lang sila ng sindekatong humahanting sa kaniyang kapatid. "I think its a big No!Sa itsura nila mukhang pahihirapan muna nila tayo bago patayin.lalo na at kapatid mo ang may kinalaman sa grupo nila.At kung inaalala mo ako hindi ako papaiwan Besshy sasama ako wala pa sa plano ko ang mawala sa mundong ibabaw."ani Mary Ann. Pinatay nila ang mga ilaw para isipin ng mga ito na matutulog na sila.Dumaan sila sa secret passage na nadiskubre niya a month ago kaya nagustuhan niya ang bahay na iyon.Wala namang may gusto na mangyari ang gulong kinasangkutan ng kapatid.Atleast nagamit nila ito sa alanganing sitwasyon.Kung wala ito baka matagal na silang pinaglalamayang mag kakapatid.Kaya malaking pasalamat niya na sinunod niya ang instinct niya na pilitin ang kaniyang ama na bilhin ang bahay na iyon. Lakad takbo ang kanilang ginawa ng makalabas.May kalayuan na rin ang natakbo nila ng matanaw ng isa sa mga tauhan na humahunting sa kanila. "Bilisan niyo nakita nila tayo!!"sigaw niya kay Aileen at Mary Ann.Mabilis silang nagtatakbo walang katao tao ng mga oras na iyön pwera sa mga taong humahabol sa kanila.Wala silang mahingan ng tulong.Hinihingal na sila sa walang patid na pagtakbo.Alam nilang may mga sasakyan ang mga ito at natanaw na rin nila iyon. Madaling pinara ni Jansen ang paparating na kotse.Dahil babae ang nagmamaneho hindi na siya nag alinlangan pa. "Please help us may mga humahabol sa amin,ikaw lang ang pag-asa namin.We need your help parang awa mo na." Habol ang hiningang pag mamakaawa niya sa driver nito. Nilingon nito ang direksiyong pinanggalingan nila at nakita nitong may mga kalakihan ngang humahabol dito.Nang makitang pinasakay niya ang mga ito ay nagsisakayan din sa mga sasakyan ang mga kalalakihan.Mabilis niyang pinatakbo ang kaniyang sasakyan. Naabutan sila at ginigitgit ang kanilang sasakyan.Lagot siya sa Daddy niya pag nakitang puro gasgas ang kaniyang sasakyan.Sermon na naman aabutin niya sa kaniyang ama. "Ohh holy mother fucker!!!inapakan nito ang apakan para sa gasolina at pinaharurot ang takbo ng kaniyang Red Subaru Impreza.Pilit ang mga itong humahabol sa kanila.Para na nga silang nasa racing track sa paghahabolan kung sino ang unang makakarating sa finish line. "Paano kung maabutan nila tayo Ate Jansen, siguradong papatayin nila tayo madadamay din sila."ani Aileen na na nanginginig sa takot. " Ayoko pang mamatay Ate!" Takot na nakayakap ito kay Mary Ann na siyang katabi nito sa backseat. " Hey Aiz listen to me, Dont scared okay!Aiz makinig ka dahil kung takot ang paiiralin natin talagang wala tayong magagawa.Pilit ang kaba na tinugon nito ang kapatid upang pakalmahin.Inabutan niya rin ito ng tubig na itinuro ng babaeng tumulong sa kanila. "Hey its Okay!Don't worry I won't let them catch us!ani Kristine sa mga ito. Dahil sa narinig sa mga usapan ng mga ito laban sa mga humahabol itinudo na niya ang speed ng kanyang kotse.Sahihin man na hindi niya kilala ang mga ito at hindi siya kilala ng mga humahabol isa lang natitiyak niya sa ayaw at sa gusto niya damay na siya.Kung papatayin ang mga ito for sure kasama rin siya dahil baka tumistigo pa siya.Walang mga kriminal ang gagawa ng krimen na may sasaksi na ikakapahamak ng mga ito. Binilisan niya pa ang pagpapatakbo ng kotse hanggang sa mawala na sa kanilang paningin ang mga humahabol.Malayo na rin ang tinakbo ng sasakyan niya. Hindi na niya alam kung saangng lugar na sila napunta.Nagturn left na siya,bahala na si batman. Dahil malayo na sila binagalan na niya ang takbo ng kaniyang sasakyan. Halos walang kabahayan silang nakikita.Puro halamang damo at nagtataasang mga punongkahoy ang nakikita nila.Nang makarating sa sangang daan hindi niya alam kung saan tutungo. "Which way left or right?She asked them. I really dont know where the hell we are now!"anito. Nakahinga rin ito ng maluwag ng wala ang anino ng mga humahabol sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD