Alas once na ng gabi wala pa rin si Aiden.
Alalang -alala na si Jansen sa kaniyang kapatid.Kanina pa siya hindi mapakali mula ng umalis ito ng bahay.
Kung ginagabi naman ito ng uwi ay kadalasang hanggang alas otso lang ng gabi at tumatawag din sa kanilang magkakapatid.
"Ate Jansen kanina ko pa siya tinatawagan ring lang ng ring ang phone walang sumasagot."ani Aiz na muling sumubok na kontakin ang kapatid.
Tinawagan ko na rin ang phone ni Bryan wala ring sumasagot.
E!yung Jaden na iyon alam mo ba ang number ng phone niya?muling tanong ni Jansen kay Aileen.
Hindi din Ate eh, wala akong alam sa kaniya.
Saan na ba ang lalaking iyon?tinawagan ko na rin ang mga kakilala niya pero ganun din ang sabi nila.Sige matulog ka na Aiz ako na lang maghihintay sa Kuya Aiden mo."
"Nawala na ang antok ko Ate Jansenn samahan na kita dito.Iba rin kasi pakiramdam ko Ate parang ewan na hindi ko maipaliwanag."ani Aileen.
Kalahating oras pa ang nagdaan bago may humintong taxi sa hindi kalayuan sa kanila na pinagtaka nila.Pwede namang sa harap ng gate nila.Ilang bahay pa bago makarating sa kanila.
" Baka siya na iyan Ate"mahinang kaluskos ang narinig nila sa gate ng bahay.
Nagmamadaling isinara ni Aiden ang gate ng makapasok ito at pinagbuksan nila ito ng pinto.
"Aiden anong nangyari sa iyo?!Napaano iyan?tukoy nito sa guguang mukha na nagmumula sa noo ng binata.Alalang alala ang mukha ni Jansen sa itsura ng kapatid.Matinding kaba ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.
" Ate Jansen saka ko na ipapaliwanag ilock niyo mabuti ang pinto! utos nito na agad namang sinunod ni Aileen,siniguradong naka lock lahat.Makikita ang takot at pagkabahala sa mukha ng kanilang kapatid.
"Kunin mo iyong firs aid kit Aiz at iakyat mo.Halika Aiden gagamotin ko iyan sa itaas na tayo."ani Jansen na nabahala rin.
Nang matapos niyang gamotin ang sugat ng kapatid at medyo kalmado na ito pero nandoon pa rin ang takot saka nito pinaliwanag ang lahat ng pangyayari na kinasangkotan nila.
"Oh God!its a big syndicate Kuya Aiden!"ani Aileen ng marinig ang kwento ng kapatid.
"Ate Jansen anong gagawin ko?Alangang magsumbong tayo sa mga pulis,natitiyak kong may mga tauhan din silang hawak na protektado ng awtoridad.Paano kung pati kayo madamay?" Umiiyak ito dahil wala man lang siyang magawa.
Isang linggo ng hindi lumalabas si Aiden sa kanilang bahay.Pinag resign na rin siya ni Jansen at siya na rin ang naghatid ng resignation paper nito sa opisina.
Ilang araw na rin na may napapansin si Jansen.Malakas ang kutob niya na minaman manan ang bahay nila ng mga tauhan ng sindikatong kinabibilangan nung baklang sinasabi ni Aiden.
Nakasilip siya sa siwang ng kurtina sa bintana.
"Nakikita mo ba sila ate?"tanong ni Aiden dito.
"Tama ba ako sa hinala ko?"ulit nito.
Tumango siya,ilang araw na rin may nakatambay sa tapat ng bahay nila,na dati namang wala.Tented ang salamin ng itim na van ng mga ito.
"Ate?paano-?"Aiden
"Shhh....doon ka muna sa probinsiya ng trusted friend ko na si Sarah sa Pangasinan.Nag usap na kami at inaaasahan ka na niya doon.Kokontakin na lang kita pag kailangan.
Kinuha niya ang isang backpack na may mga gamit na nito.Ineready talaga niya iyon in case na may emergency tulad ng sitwasyon nila.
"Ate paano kayo ni Aiz dito?baka pati kayo balingan nila.Baka pati kayo patayin nila?
" Shh....wag mo kaming intindihin sarili mo muna isipin mo,Ako na bahala kay Aileen.Importante sa ngayon makaalis ka dito ng hindi nila nalalaman."ani Jansen.
Nagluluha ang mga mata nito pero pinipigil lang, yumakap ito kay Jansen.
"Mag-iingat kayo dito Ate Jansen,sorry dahil pati kayo nadadamay.Pati si Bryan at Kuya Jaden nasa peligro nang dahil sa akin."umiyak ito ng maalala ang kalagayan ng dalawa.Nabalitaan nila na nag aagaw buhay sa ospital ang dalawa.Hindi niya magawang silipin man lang ng mga ito.
"Sus wala iyon,kapatid kita kaya gagawin ko ang lahat para sa inyo ni Aiz." Nanunubig ang kaniyang mga mata dahil ngayon pa lang sila magkakawalay ng kaniyng kapatid.
Muli siyang sumilip sa bintana naroroon pa rin ang mga lalaking naninigarilyo sa kabilang kalye na tapat ng bahay nila.Alam nilang sila o ang bahay nila ang binabantayan ng mga ito.
"Ate Jansen paano tayo makakalabas dito kung naka bantay sila diyan sa harap?Isa lang ang pwedeng daanan natin ang gate kung saan makikita nila tayo?" nag aalala ito baka tuluyan silang mapahamak na magkakapatid.
"Kung ako lang handa na ako sa mangyayari sa akin,ikaw lang inaalala ko at si Aiz Ate."ani Aiden.
"Trust me!Wag mo ako intindihin,tinawagan ko na si Aileen na tumuloy muna ngayong gabi sa kanyang mga kaibigan.Sinabihan ko na siya na wag aalis sa bahay ng kaibigan niya hanggat di ko sinasabi.
Sumunod ka sa kin sa kwarto ko daliian mo.
Kinuha niya ang bag niya na may lamang extra clothes.Dahil wala din siyang balak matulog ngayong gabi baka pasukin ang bahay nila masama ang kutob niya.Lalo na at may mga lalaking nakaabang sa harap ng bahay nila.Ilang araw na niya iyong naobserbahan.
"Saan nga tayo dadaan kung nasa harap lang iyong mga goons na iyon Ate!" Frustrate na ito kung anong paraan ang gagawin nila na hindi makikita ng mga mamamatay tao na mga iyon.
"Just watch and learn"ani Jansen na tinatanggal lang ang kaba sa kanilang dibdib.
"Patawa ka ha eh nasa alanganin na nga tayo Ate."ani Aiden na hindi magawang ngumiti sa biro ng kaniyang Ate Jansen.
"shhh...baka may makarinig!mahina na lang ang usapan nila.
"Remember the owner of this house?biglang tanong niya sa kapatid ng makapasok sa loob ng kwarto ni Jansen.
"Yeah!I remembered the Retired General si Manong Agent na crush mo!" pang aasar nito sa kapatid kahit kinakabahan siya dahil sa sitwasyon nila ngayon.
"Ulol!Tama na ang usapan,saka na tayo mag usap baka makatunog sila.
Binuksan niya ang kaniyang walk in closet,at hinawi ang mga nakahanger na damit,saka binuksan ang isang pinto na maliit lang.Pinauna na niyang bumaba si Aiden sa sementadong bato na nakasadya makitid lang iyon mataas na pader nakapagitan.
Sinigurado muna niyang naibalik sa pagkakaayos ang mga nkahanger na damit at isinara ang pinto nito at sumunod na kay Aiden na nakamaang lang sa dinadaanan nila.Dumaan sila sa likod ng gruto na may maliit na pinto ito,dahil gabi na at nasa likod hindi talaga mapapansin iyon.Binuksan niya ang pinto na pinakapader at lumabas sila.Nilakad nila ang distansiya ng kotseng nakahinto sa di kalayuan.Kanina niya pa natawagan ang isang kaibigang may sasakyan at pinaghintay nga sa di kalayuan para hindi sila mahalata.
Hinatid nila ito sa bus terminal.
"Mag-iingat ka parati Aiden,tumawag ka sa akin kung may emergency.Pagdating mo doon susunduin ka ni Sarah,tatawagan ka niya binigay ko na number mo sa kaniya at nakasave na sa cp mo number niya kaya alam mo kung sino tumatawag."paalala ni Jansen sa kapatid.
"Sige Ate Jansen mag iingat din kayo ni Aiz.Sige bye Ate paalis na rin iyong bus gagawin ko ito dahil ayokong pati kayo ay mapahamak dahil sa akin,humalik ito sa kaniya na lumuluha.
Naluluha ang mata nila pareho dahil ngayon lang ito malalayo sa kanila.
"Punyeta!Mga inutil!!!Mga tonto!!Simpleng trabaho hindi niyo magawa!" galit na galit ito sa mga tauhan dahil nalusutan sila.
"Eh Boss pinasok na namin iyong bahay pero wala talagang tao" katwiran ng isang tauhan.
"Hindi ako papayag na hindi sila managot sa pagkamatay ng kapatid ko.Magbabayad sila ng mahal sa akin..gusto kong halughugin niyo ang lahat ng lugar para makita sila.Patay o buhay dalhin niyo sa akin,hindi pwedeng may makaalam kung sino ako.Kailangan maiharap niyo sa akin ang lalaking iyon.Mukhang marami na siyang nalalaman dahil pinakialaman niya ang files ng kapatid ko". Nanggigil ito na hinarap ang mga tauhan.Sampal at tadyak ang inabot ng mga tauhan kay Black Rose sa galit nito.
"Wag ka mag-alala Boss ilang araw lang mapapa sa kamay din natin ang mga iyon,May dalawa siyang kapatid na babae at tiyak na mapapalabas natin kung saan naglulungga ang lalaking iyon."anang isang tauhan.
"Siguraduhin niyo lang dahil hindi basta basta ang halagang ibinabayad ko sa inyo mga bobo!!.Ayoko kong pati mga plano ko ay mabulilyaso dahil sa magkakapatid na iyon.Iharap niyo ang mga kapatid niya sa akin ng buhay."
"Once na madala niyo ang magkakapatid na iyon ibabaon ko sila ng buhay sa hukay mga tinik sila sa plano ko!!."binuga nito ang usok ng sigarilyo na nanggigigil.
"Hindi ko sila hahayaang hindi managot sa pagkamatay ni Bianca.
Lintik lang ang walang ganti nag iisang kapatid ko iyon mga hudas sila!!
Kayo-- kayong mga gunggong ayosin niyo mga trabaho niyo puro na lang kayo palpak!Baka sa galit ko pati pamilya niya ibaon ko ng buhay mga bwesit!!"
"Alalahanin niyo hindi ko lang kayo binabayaran hawak ko rin ang buhay ng mga pamilya niyo kaya sundin niyo lahat ng utos ko."ani Black Rose.
"Yes Boss!!sabay sabay na sagot ng kaniyang mga tauhan na nakayuko lang.