Chapter One : Non-existence
_____________________________________
Love strikes everyone's heart...
And if it does, you have nothing to do but wreck with it...
Kapag bumalik si past at nandiyan din naman si present...
Sinong pipiliin mo?
Si non-existence ba?
INILAGAY ko ang bag ko sa ibabaw ng mesa. Napakunot ang noo ko nang makitang may mga bagong dokumento na namang nakapatong dito.
"Aila, pinapatawag ka ni Boss. Ihatid mo raw 'yong bagong article na pinapagawa niya sayo," biglang sabi ni Rita nang akmang uupo na ako sa upuan ko.
Nagpakawala naman ako nang malalim na buntong-hininga at binuksan ang drawer. Kinuha ko doon ang mga dokumento na sinabi nito.
Inipit ko muna ang buhok ko bago tuluyang lumabas ng department namin at naglakad patungo sa opisina ni Boss.
Naghintay akong bumukas ang elevator at hindi rin naman nagtagal 'yon. Papasok na sana ako nang biglang may sumingit sa akin papasok sa loob. I rolled my eyes when I saw who it was.
It was Kearl Anthony Montenegro.
"Hello, Miss Ramirez," nakangiting bati niya.
Hindi ko naman siya pinansin at pumasok narin ako sa loob.
"Sungit naman! Parang hindi tayo magkakilala," anito.
Mas lalo ko siyang hindi pinansin.
Sino ba ang gustong pumansin sa lalaking sinungaling?
"Nice butt!" saad niya na mas lalong nagpapuyos ng kalooban ko.
Binalingan ko naman siya. I saw him staring at my butt. Sumipol lang siya nang mahuli ko at agad na tumingin sa ibang direksyon. Kinalma ko naman ang sarili ko.
Kalma lang, Aila. Huwag mong pansinin ang sinungaling at m******s na 'yan. Baka makasuhan ka pa ng unjust vexation at physical harassment kapag kinalmot mo siya! Kaya kalma kalang! Kalma lang.
Pagkabukas ng elevator ay agad na naglakad ako palabas doon. I stop when I felt someone press my butt. I gasped hard.
"It's nice to see you again, Aila," bulong niya sa tenga ko at naunang naglakad palayo.
Pakiramdam ko nanindig lahat ng balahibo sa katawan ko.
Gusto kong sumigaw! Gusto kong magwala! Ngunit pinigilan ko ang sarili ko.
Buwisit! Buwisit na lalaking 'yon!
Okay! Okay, take a deep breath, Aila. Mahaba ang pasensya mo kaya huwag mong pansinin ang Kearl Anthony Montenegro na 'yon!
Binilisan ko naman agad ang paglalakad upang makapunta agad ako sa opisina ni Boss. Tamang-tama naman at mukhang good mood ito pagdating ko. Ngunit ako naman ang naging bad mood nang makitang nandoon si Kearl na kampanteng-kampanteng nakaupo sa upuan.
"Good morning po, Sir," magalang na bati ko at naglakad patungo sa kinaroroonan nila.
Hindi maiwasang tumayo ako sa gilid ni Kearl at gustong-gusto ko siyang sipain ngayon din lalo na't halatang-halata ang panunuri nito sa binti ko.
Shit! What do I expect on a car racer like him? Talagang manyak!
"Good morning, Aila. Mabuti naman at nandito ka na," bati ng Boss ko na si Sir Daniel. Bahagyang ngumiti ako.
"Ito na po pala ang article na pinapagawa niyo. Natapos ko na po 'yan." Inabot ko sa kaniya 'yong article na natapos ko. Kinuha naman niya ito at marahang tumango.
"Maiwan ko na po kayo, Sir," paalam ko.
Tumango lang siya at iyon na ang cue ko upang umalis sa lugar na 'yon. Pagkabalik ko sa working area, napakunot ang noo ko nang makitang may nakalagay na isang bouquet ng red roses sa mesa ko.
"Kanino naman kaya galing 'to?"
Kinuha ko 'yon at tinignan ang post card. Mas lalong uminit ang ulo ko nang makita kung kanino galing ang bulaklak.
Dear Aila,
Please let's talk. I want you back in my life again. I still love you.
- Jayson
Ang kapal ng mukha! After five months na hindi siya nagparamdam at hiwalay na kami dahil sa panlolokong ginawa niya sa akin, ngayon...ngayon ay magpapadala siya nang bulaklak sa akin.
Balikan mong mukha mo! Buwisit!
Inis na nagtungo naman ako sa trash can at itinapon ang bulaklak na ibinigay niya. Nagpupuyos ang kalooban na bumalik ako sa working area at pasalampak na umupo sa upuan.
"Mukhang badtrip tayo ngayon, uh," puna ni Carla na bestfriend ko. "Kanino ba galing ang bulaklak na 'yon?" tanong niya sabay turo sa bulaklak na nasa basurahang hindi kalayuan sa kanila. Nagpakawala naman ako nang malalim na buntong hininga.
"Galing kay Jayson," walang ganang sagot ko. Narinig ko naman siyang suminghap.
"Don't tell me gusto niyang makipagbalikan!" gulat na bulalas niya. "Eh, paano na si Richard, 'yong prince charming mo?" I rolled my eyes on her.
"Wala na akong balak makipagbalikan kay Jayson, Carla," iritadong sagot ko. I heard her chuckle.
"Ito naman, tinutukso lang kita ang seryoso mo talaga," natatawang sabi niya.
Tinignan ko naman siya nang masama.
"Magtrabaho na ngalang tayo!" inis na sabi ko at binalingan ang mga dokumentong nasa ibabaw ng mesa ko.
SUMAPIT ang uwian at hindi na ako magkandaugaga sa pagliligpit ng mga gamit ko. I felt exhausted at gustong-gusto ko nang umuwi. It's already seven thirty P.M. at ramdam ko na ang pagod sa katawan ko.
Sino ba namang hindi mapapagod kung isang dangkal ng dokumento ang kailangan mong basahin at gawan ng revision?
"Good evening." Napaangat naman ako ng tingin nang marinig ang boses na 'yon.
Namula ang pisngi ko nang makita ang lalaking nakatayo sa harapan ng pinto. Ngumiti siya pagkakita sa akin at siniko naman ako bigla ni Carla.
"Ayiiieee, nandiyan na si Prince Charming mo," nanunuksong saad nito at agad na lumapit kay Richard.
"Mauna na ako sa inyo," paalam niya kay Richard. Ibinaling muna niya ang tingin sa akin sabay kindat bago tuluyang umalis.
"Bakit ka pala nandito?" tanong ko nang lumapit siya sa kinaroroonan ko.
Kaming dalawa nalang ang natitira rito sa loob ng opisina. Dito rin nagtarabaho si Richard sa kompanyang pinagtratrabahuhan ko pero nasa Finance Department naman siya.
"Tinatanong pa ba 'yan? Syimpre, sinusundo ko 'yong nililigawan ko. If you don't mind..." nakangiting sabi niya.
"Hindi naman kailangang ihatid mo pa ako," nakangiting sabi ko at kinuha ko na 'yong bag ko.
Magkasabay kaming lumabas ng opisina ni Richard. Halos isang buwan narin siyang nanliligaw sa akin. Noong una hindi ako pumayag kasi kagagaling ko lang sa isang break-up kaya lang makulit, eh. At mukhang pursigido naman siya kaya hindi nagtagal ay pumayag narin ako.
"I want to drive you home. Alam ko kasing pagod ka na para mag-commute pa."
Kinilig naman ako nang husto dahil sa sinabi niya. Richard is every inch a gentleman. At kahit kailan ay wala akong mairereklamo pagdating sa kanya.
He's too sweet and romantic.
Kumbaga, he is every woman's dream.
Mabait, matalino, gwapo, mayaman, responsable at hindi babaero .
"Are you free this coming Sunday?" Natigilan naman ako sa tanong niya.
"Ahmm, oo naman. Bakit?" I asked.
"Aayain sana kitang magsimba at kumain ng dinner pagsapit ng gabi. You know, go on a date."
Pakiramdam ko lumundag ang puso ko galing sa dibdib ko. Gosh! I think I'm going to hyperventilate. This isn't the first time we go out on a date. Pero nakaka-excite pa rin pala.
"Oo naman!" excited na tugon ko.
Namula ang pisngi ko nang tumawa siya dahil sa naging reaksyon ko. Ipinulupot niya ang kanyang kamay sa bewang ko.
"Good! See you on Sunday then," saad niya at iginiya ako palabas ng building.
"Aila!"
Shit! Pakiramdam ko may kung anong bumundol sa dibdib ko nang marinig ang boses na 'yon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Jayson na naghihintay sa labas na may hawak-hawak na bulaklak at lumapit sa amin.
"Jayson, anong ginagawa mo rito?" gulat na bulalas ko.
Tinignan naman niya si Richard mula ulo hanggang paa at umigting ang panga nito.
"Can we talk?" mahinahong tanong niya nang bumaling ang tingin niya sa akin. Naningkit naman ang mga mata ko.
"Wala na tayong dapat pag-usapan, Jayson," sagot ko at hinila ko na mismo si Richard palayo sa kanya.
"Where's your car, Richard?" tanong ko habang hila-hila ko siya.
"Aila, teka lang!"
Natigilan naman ako nang biglang hinablot ni Jayson ang braso ko.
"Mag-usap naman tayo," pakiusap niya.
"Wala na nga tayong dapat pang pag-usapan. Tapos na ang lahat sa atin!" inis na sabi ko.
"Hayaan mo lang ako---"
"Pare, hindi ka ba marunong umintindi? Ayaw nga niyang makipag-usap sayo," putol ni Richard sa sasabihin ni Jayson.
Nanlaki ang mga mata ko nang itinulak niya palayo si Jayson. Nagdilim naman bigla ang mukha ni Jayson.
"Huwag ka ngang makialam dito!" galit na bulalas niya at itinulak din palayo si Richard.
"Aba't sumusobra ka na!" galit na ring sabi ni Richard.
Kaagad na pinigilan ko naman si Richard sa akmang pagsuntok nito kay Jayson. Mukhang mag-eeskandalo pa silang dalawa sa harap ng building ng kompanya.
"Ano?! Lalaban ka sa 'kin?!" paghahamon ni Jayson kay Richard.
Mariing napapikit naman ako.
"Itigil niyo nga i---ay kalabaw!" biglang tili ko nang marinig ang malakas na busina ng sasakyan.
Nakakunot ang noong napatingin naman ako sa likuran namin at inaaninag ang driver na nagmamay-ari ng sports car. Unti-unting bumaba ang windshield ng sasakyan at mas lalong nagdikit ang kilay ko nang makita kung sino 'yon.
"Hi, Miss Ramirez!" nakangiting bati niya. I rolled my eyes.
Ang presko at hangin talaga ng lalaking 'to.
Alam niyo naman siguro kung sino ang tinutukoy ko, 'diba?
"Ano'ng kailangan mo?" inis na tanong ko. Kinindatan lang niya ako.
"Pinapasundo ka ng Kuya mo sa akin. May pupuntahan daw kayong party at ako ang nautusan niyang maghatid sayo doon."
"A-ano?" gulat na bulalas ko.
Wala naman akong maalalang sinabihan ako ni Kuya Kean ng tungkol sa bagay na 'yon.
Kaninong party naman 'yon?
"Ako nalang ang maghahatid kay Aila, Pare," biglang sabi ni Richard at pinulupot ang kamay sa bewang ko.
Nakita kong kumunot ang noo ni Kearl nang dahil doon.
"Bakit? Alam mo ba kung saan ang lugar? Kaya nga ako ang susundo, 'diba? Kasi ako ang inutusan at hindi ikaw. And stop calling me pare, we're not even friends," he said rudely.
Kumuyom naman ang kaliwang kamao ni Richard.
Sino ba naman ang hindi ma-o-offend sa sinabi ng buwisit na lalaking 'to? He's so rude.
"Okay fine! Sasama na ako!" inis na sabi ko bago pa tuluyang magkagulo. Nakita kong ngumisi si Kearl.
"Good," saad niya at binuksan ang pinto. "Get inside the car now."
I rolled my eyes on him bago ko binalingan si Richard.
"Magkita nalang tayo sa Sunday, Richard. Pasensya ka na talaga," nahihiyang sabi ko.
Kahit na bakas ang iritasyon sa mukha niya ay marahang tumango nalang siya.
"Aila!" dinig ko pang tawag sa akin ni Jayson ngunit hindi ko na 'yon pinansin at tuluyan na akong pumasok sa loob ng kotse. Pagkasara ko ng pinto ay humagibis agad ito ng takbo. Napapailing nalang ako.
Ano pa bang aasahan ko sa lalaking 'to? Mabuti nalang at mahilig din ako sa mga adrenaline rush dahil kung hindi baka kanina pa ako inatake dito sa puso.
"Akala ko talaga makikipagsuntukan na ako kanina. Mabuting exercise na rin sana 'yon," biglang saad niya habang nagmamaneho.
"Shut up, Kearl!" inis na saway ko.
Halos dalawang buwan narin ang lumipas simula nang makilala ko si Kearl at wala na siyang ibang idinulot sa buhay ko kundi gulo.
"It's Kean, Aila. Iyon ang tawag sa akin ng mga taong malalapit sa buhay ko," bakas ang panunukso sa boses niya.
"Bakit close ba tayo? Hindi, diba?" pagtataray ko at itinuon ang atensyon sa labas ng bintana.
"Ouch!" maarteng tugon niya. "I thought we're already close. Gaano ba ka close ang gusto mo?" he asked still using a teasing voice. Napairap nalang ako.
"So close that our bodies were almost touching each other?"
"Gago!" I cursed him. Napakamanyakis niya talaga!
"You have a bad lips, Princess," mapanukso paring saad niya at sandaling bumaling sa akin. "But since I'm not like my brothers, hindi kita paparusahan,"
He smirked and looked at the road again "Iba kasi ako magparusa. Hindi ako namimigay ng parusa sa mga bad girl kundi sa mga good girl. Kaya sa tingin mo saan ka doon sa dalawa?"
"Buwisit!" naiiritang sabi ko at padabog na bumaling nalang ulit sa bintana.
Seriously? Malaki ba ang deperensiya ng lalaking ito sa utak?
"You really have a nice pair of legs, Aila," biglang puri niya dahilan upang lumingon ako sa kanya.
Nakita ko pa siyang sandaling tumingin sa mga binti ko bago tuluyang bumaling ulit sa kalsada.
Uminit naman ang magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi niya.
Manyak talaga! As in!
Kasi sa uri palang ng pagkakatingin niya...
Arggghhhhhhhh!!! Buwisit talaga!!!
"NANDITO na tayo," saad niya at inalis ang seatbelt ko.
Napatingin naman ako sa lugar na pinuntahan namin at mas lalong kumunot ang noo ko.
"Akala ko ba sa party tayo pupunta?" tanong ko.
Eh, bahay naman namin 'to ni Kuya.
"Sinabi ko ba 'yon?" inosenteng tanong niya.
Naningkit naman lalo ang mga mata ko at halos umakyat lahat ng dugo sa ulo ko. Hindi ko na napigilan at hinampas ko sa kanya ang bag na hawak-hawak ko.
"Napakasinungaling mo talaga! Buwisit! Buwisit ka! Napakawalanghiya mo talaga! Sinungaling! Sinungaling!"
"Aray...aray... Itigil mo na nga 'yan," natatawang awat niya kaya mas lalo ko lang nilakasan ang paghampas ko sa kanya.
"Kung wala kang magawang matino sa buhay mo! Huwag ako ang pagtripan mo! Buwisit kang lalaki ka!"
Inis na hinampas ko siya sa huling pagkakataon.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya sa akin. Nature na ba talaga niya ang magsinungaling? Dahil mukhang walang kahirap-hirap niyang nagagawa ang mga bagay na 'yon.
"Alam mo, pasalamat ka na ngalang at iniligtas pa kita sa dalawang manyak na 'yon," paliwanag niya at ngumiti.
Tinignan ko naman siya nang masama.
"Ikaw ang manyak dito!" bulyaw ko "Sa ngisi mo palang nagmumukha ka ng manyak! Gago!"
"Oy, hindi, uh! Ang gwapo ko kaya!" nangingiting asar niya sabay pa-cute.
"Ewan ko sayo! Diyan ka na nga!"
Inirapan ko siya sabay labas ng sasakyan niya.
Sa susunod hindi na talaga ako maniniwala sa lalaking sinungaling na 'yon!
I hate you, Kearl Anthony Montenegro!
Iisipin ko nalang na hindi ka nag-eexist sa mundo.
You non-existence liar!
-
♡lhorxie