Chapter Two : Bwisit Ng Buhay Ko
___________________________________
Ang love daw nag-eexist ng hindi natin nalalaman. Dahil paunti-unti tayong pinapana ni Kupido. Akala natin malabong mangyari..pero ang hindi natin alam pwedeng-pwede pala..
Fake meant to look real or genuine. Ibig sabihin hindi talaga totoo pero parang totoo. Papayag ka bang pumasok sa relasyong alam mong walang katuturan at patutunguhan?
Ang mga bwisit na tao hindi nawawala iyan. Dadating at dadating talaga sa buhay mo ang mga iyan...
TINIGNAN kong mabuti ang kabuuan ko sa salamin bago tuluyang lumabas ng kwarto. Naabutan ko pa si Kuya Kean na nanonood ng paborito nitong palabas sa TV. Tumigil siya sa pagkain ng popcorn nang makita niya ako.
"May lakad ka?" tanong niya at ibinaling ulit ang tingin sa pinapanood niya.
Lumapit naman agad ako sa kanya at ngumiti.
"Oo, Kuya. May date kami ngayon ni Richard. Baka mamayang alas otso na ako makakauwi ng gabi," pagpapaalam ko sa kanya.
Inayos ko ang wristwatch na suot-suot ko.
"Sige, Kuya. Una na 'ko."
"Sigurado ka na ba talaga sa lalaking 'yon, Aila?"
Natigilan naman ako sa itinanong ni Kuya at agad na kumunot ang noo ko.
"Oo naman. Bakit mo naman natanong 'yan, Kuya?" naguguluhang tanong ko. He just shrugged.
"Wala lang. Sige mag-ingat ka," paalala niya.
Tango lang ang naging sagot ko at tuluyan na akong lumabas ng condo unit.
Pagkalabas ko ng building ay nanlaki ang mga mata ko nang biglang may humablot sa akin. Sisigaw na sana ako nang malakas kung hindi ko lang nakilala kung sino 'yon.
"I need your help," biglang sabi nito at hinila ako patungo sa sasakyan nito. Napasinghap ako nang bigla niya akong isinandal sa kotse niya.
"At bakit naman kita tutulungan, aber?" mataray na tanong ko at itinulak siya palayo ngunit masyado siyang malakas.
"Kearl, ano ba!" inis na sabi ko ngunit hindi naman siya nagpatinag at kumunot lang ang noo niya.
"How many times do I need to tell you that it's Kean?!" he said frustrated.
Inirapan ko lang siya. Ayoko ngang tawagin siyang Kean kasi nakikipangalan pa siya sa Kuya ko, eh. At isa pa, Kearl naman talaga ang totoong pangalan niya at palayaw lang niya ang Kean short for Kearl Anthony.
"Ayoko nga!" inis na sabi ko. "At pakibitawan mo nga ako kasi may lakad pa ako."
Akmang aalis na ako nang hinila niya ulit ako at pasalampak na isinandal sa kotse niya.
"I told you I need your help," matigas na sabi niya.
Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"At sino ka naman para tulungan ko?"
"Kaibigan ako ng Kuya mo," sagot niya.
"Kapal!" Narinig ko siyang nagpakawala nang malalim na buntong hininga.
"Okay, here's the deal. Kapag tinulungan mo ako ngayon, I promise na hindi na kita guguluhin kahit kalian. Sounds good right?"
Parang musika naman sa pandinig ko ang sinabi niya. Ibig sabihin, wala nang sisira sa araw ko at hindi ko na makakasalamuha ang damuhong 'to.
"Okay, deal!" nakangiting sagot ko. "Ano bang tulong ang gusto mo?"
"May party kasi akong pupuntahan at nandoon ang ex-girlfriend ko," he said and pause for a while. "Gusto ko sanang pagselosin natin siyang dalawa."
"No way!" galit na bulalas ko. Kumunot naman ang noo niya.
"Pumayag ka na kanina and it's a deal. Ngayon lang naman at pagkatapos nito wala na," pangungumbinsi niya.
"Okay fine!" labas sa ilong na pagpayag ko.
Kung tutuusin malaki naman ang makukuha ko sa deal naming dalawa. That is to have my peaceful life without this non-existence liar.
Teka, dapat hindi siya nag-eexist, uh!
Kaya bakit ko siya kinakausap?
Well, saka nalang dahil pagkatapos nito ay hindi ko narin naman siya makikita.
My freedom atlast...
*******
DUMATING kami sa isang napakalaking bahay. Mukhang mansyon yata itong pinuntahan namin. Iginala ko ang tingin ko sa paligid at napakaraming bisita. Mabuti nalang talaga at naka-dress ako ngayon dahil kung hindi siguradong katawa-tawa ang hitsura ko ngayon.
Napataas nalang ang kilay ko nang makitang halos lahat ng kababaihan ay nakatingin sa akin. Naramdaman ko ang kamay ni Kearl na umakbay sa balikat ko. Tinignan ko naman siya nang masama.
"Hey, Ms. Ramirez," bulong niya sa tenga ko.
Ang sarap niya talagang suntukin.
"Ano 'yon Mr. Montenegro?" mahina ngunit iritadong tanong ko. I heard him chuckled.
"Nakikita mo ba 'yong babaeng naka red velvet na dress. Iyong may kausap na dalawang babae sa gitna na nakakulay blue at peach na dress,"
Tumuro siya sa gitna ng bulwagan kung saan may tatlong babaeng nagtatawanan.
"Oo, nakita ko," mataray na sagot ko. He pulled me closer to him at gusto ko sanang pumalag ngunit naalala kong para pala ito sa kalayaan ko.
"That's Evie, my ex-girlfriend. Siya 'yong babaeng pagseselosin natin ngayon."
"Sigurado ka ba talagang magwo-work 'tong plano mo?" nakataas ang kilay na tanong ko.
"Of course, ako pa!" mayabang na sagot niya. "Halika, lumapit tayo doon."
Napairap nalang ako. Habang papalapit kami sa kinaroroonan ng tatlo ay may kakaibang nararamdaman ako sa tiyan ko.
"Teka lang, Kearl," awat ko sa kanya.
Kumunot naman ang noo niya at bumaling sa akin.
"What?" supladong tanong niya.
Hinawakan ko naman ang kamay niya.
"Nasaan ba ang CR dito? Kailangan ko munang magbawas. Nakalimutan ko kanina ng umalis ako sa bahay."
Napakamot naman ito ng ulo.
"Ano ba yan! Ngayon ka pa maghahasik ng lagim kung saan malapit na tayo, eh."
Agad ko siyang pinektosan nang dahil sa sinabi niya.
Ano'ng maghahasik ng lagim? Siraulo talaga 'to.
"Tara na nga!" inis na aya niya at hinila ako patungo sa CR ng bahay.
Naghintay siya sa labas at pagkapasok ko sa loob ay agad na pumasok ako sa isang cubicle. Ginawa ko na 'yong dapat gawin at umaliwalas ang pakiramdan ko.
Lumabas na ako ng cubicle nang matapos ako. Hinugasan ko ang kamay ko at naglagay ako ng sanitizer gel. Inayos ko muna ang sarili ko bago tuluyang lumabas ng CR.
"Aila," biglang tawag ni Kearl na nagpagulat sa akin.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang bigla niya akong hinila at idinikit sa gilid ng pader ng CR.
Napalunok ako ng makitang napakaseryoso ng mukha niya.
And what I didn't expect is when he claimed my lips and gave me a passionate kiss. Ramdam na ramdam ko ang t***k ng puso ko nang dahil sa ginawa niya. Parang may paru-parong nagliliparan sa loob ng tiyan ko at pakiramdam ko ay nanlalambot ang mga binti ko.
"Kean!"
Napatigil naman siya sa paghalik sa akin nang may tumawag sa pangalan niya at sabay naming tinignan kung sino 'yon. Namula ang pisngi ko at agad na nag-iwas ng tingin dahil sa kahihiyan.
Someone caught us doing these things in this kind of place! This is so embarrassing!
"Oh! Hi, Evie. Nandito ka pala," wika ni Kearl sa dalaga.
Napaangat naman ako ng tingin nang marinig ang pangalang binanggit niya. Doon ko lang mismo napagtanto kung bakit niya ginawa sa akin ang bagay na 'yon.
"By the way, this is my girlfriend Aila," pakilala niya sa akin at hinapit ang bewang ko palapit sa kanya. Hinarap ko naman si Evie.
"Aila, this is Evie."
"Ahmm, Hi," nakangiting bati niya sa akin.
Isang tipid na ngiti lang ang naging sagot ko.
Seriously, I felt stupid!
"I hope you both enjoy the party. Sige, pasok na muna ako sa loob," nakangiting paalam niya at tuluyang pumasok sa loob ng CR.
Nang wala na siya ay inis na binaklas ko ang kamay ni Kearl na nakahawak sa akin at mabilis na tinalikuran ko siya.
"Uuwi na ako," inis na sabi ko at naglakad palayo.
Hinila naman niya bigla ang braso ko.
"Teka lang! Kasisimula palang natin, 'diba?"
Pinaningkitan ko naman siya ng mga mata.
"What we've done is enough! Pumayag ako sa deal na ito pero wala sa usapan nating dalawa na halikan mo ako! Kung ayaw mo pang umalis, edi maiwan ka! Basta ako aalis na dito!" inis na saad ko at tinalikuran siya.
I don't know why I am mad. I really felt stupid!
Pakiramdam ko normal lang sa kanya ang manghalik ng ibang tao basta't kinakailangan. Pero sa akin hindi!
"Teka lang! Ihahatid na kita," saad niya at agad na hinawakan ang braso ko. Aapila pa sana ako ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.
"Please, don't make a scene," mahinang bulong niya sa tenga ko.
Napatingin naman ako sa paligid namin at nakita kong halos lahat ng tao ay nakatingin na sa amin. Nagpakawala naman ako nang malalim na buntong hininga. Kinalma ko ang sarili ko at nagpaubaya sa paghila niya sa akin.
Nang makarating kami sa sasakyan niya ay agad na pinagbuksan niya ako ng pinto. Walang salitang pumasok ako at ganoon din siya. He starts the engine and it was so unusual when he started driving the car slowly.
"I'm sorry," basag niya sa katahimikang namutawi sa aming dalawa.
Hindi naman ako umimik. "I know what I've done is overboard kaya humihingi ako ng tawad. I hope you'll forgive me."
Mariing ipinikit ko naman ang mga mata ko at nagpakawala ulit nang malalim na buntong hininga.
"It's okay. Basta't huwag mo nalang uulitin 'yon."
Hindi agad ito nakaimik at nakatuon lang ang tingin sa gitna ng kalsada.
"Bilang peace offering, ililibre nalang kita ng ice cream. Is that okay with you?" tanong niya.
Napangiti naman ako. Ano'ng akala niya sa akin, bata?
"Its fine," sagot ko.
Nakita kong may ngiting sumilay sa labi niya at binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.
Nakarating kami sa isang park at alam niyo ba kung anong klaseng ice cream ang nilibre sa akin ng lalaking 'to?
"Hindi ka rin kuripot, ano?" natatawang tanong ko.
Paano ba naman dirty ice cream lang ang nilibre niya sa akin. He just smiled and shrugged.
"Mas masarap kaya ito kaysa sa mamahaling ice cream diyan," wika niya at wala na akong nagawa kundi ang sumang-ayon sa sinabi niya.
Umupo kami sa pinakamalapit na bench. Habang kumakain ay napapatingin ako sa mga batang naglalaro sa park. I miss this feeling. 'Yong parang napakaaliwalas ng paligid at parang walang problemang dadating.
"Nature habit mo na ba talaga ang magsinungaling?" tanong ko sa kanya.
Tumigil naman siya sa pagkain. Ibinaling ang tingin sa akin at nagkibit-balikat.
"Well, I guess so" sagot niya. "It's just that it's so fun to play with others emotion," dugtong niya habang nakatingala sa kalangitan.
"At isa ako sa mga napag-tripan mo, ganoon?" nakakunot noong tanong ko.
I heard him chuckled at kinain muna ang ice cream nito bago tuluyang sumagot.
"Well, you can't blaim me. You really look cute when you're pissed off."
Muntik ko nang mabitawan ang icecream na hawak hawak ko nang marinig ang mga 'yon mula sa kanya. Hindi ko na napigilan ang pamumula ng magkabilang pisngi ko.
"Tumigil ka nga diyan!" inis na wika ko sabay iwas ng tingin. Pinagtuunan ko nalang nang pansin ang icecream ko.
"And I really like your legs especially your butt," direktang sabi niya.
Pakiramdam ko nagpanting ang magkabilang tenga ko dahilan upang mapaharap ako sa kanya.
"Ang manyak mo talaga!" nanggagalaiting bulyaw ko.
Tumawa lang siya nang malakas.
"Totoo naman 'yon. Everything about you is perfect. Well, except your boobs because it's too small," saad nito.
Ang hindi ko inaasahan ay nang bigla niyang hinawakan ang mga 'yon.
"See? Hindi fit sa kamay ko. My hands are too big for your small boobs."
Uminit ang pisngi ko dahil sa ginawa niya.
It was the first time that someone holds that thing on my body!
Sa sobrang inis ko ay nasuntok ko na talaga siya.
"Gago! Manyak ka talaga! m******s!" bulyaw ko sa kanya.
Natatawang umiling lang siya at parang wala lang dito ang pagkakasuntok ko sa mukha niya.
"Gawin mo pa ulit 'yon at kakasuhan na talaga kita ng s****l harrassment!"
"My Kuya Niro is a good lawyer. Siguradong makakawala parin ako," wika niya.
Nanlaki naman ang mga mata ko dahil doon.
"Aba't-" hindi makapaniwalang bulalas ko. "Diyan ka na nga!" inis na saad ko at iniwanan ko siya doon.
Ngunit hindi pa ako tuluyang nakakalayo ay naramdaman ko na ang kamay niyang humawak sa kamay ko.
"Ayaw mo nang kumain ng icecream? Marami pa doon," sabi nito.
Tiningnan ko naman siya nang masama.
"Gago!" bulyaw ko.
Aalisin ko na sana ang pagkakahawak niya sa kamay ko ngunit mas lalo lang niyang hinigpitan iyon.
"I told you I don't give punishment to bad girls. Kaya okay lang kahit magmura ka. Good girl lang naman ang pinaparusahan ko. Kaya sa tingin mo, saan ka sa dalawa?" he asked again. Uminit naman ang pisngi ko dahil doon.
Oh gosh! Baliw na talaga ang lalaking 'to.
NANG ihatid niya ako sa bahay ay hindi na siya nag-abalang tumuloy pa. Pumasok na ako sa loob at naabutan ko si Kuya Kean na nanonood ng TV.
"Pumunta rito si Richard kanina at hinahanap ka. Hindi mo raw sinasagot ang tawag niya. I told him na hindi ka na matutuloy sa lakad niyo dahil may inasikaso kang importante," he informed me.
Nanlaki naman ang mga mata ko.
Oh my gosh!
Sa sobrang tuwa ko nang mag-offer si Kearl ng isang deal ay nakalimutan kong may date pala kami ni Richard ngayong araw.
Oh gosh, I'm dead!
I guess I need to talk to him on the phone.
Shit! Why did I forget about our date?!
**********
LUNES na ngayon. As usual balik trabaho na naman ako. Mabuti nalang talaga at naintindihan ni Richard kung bakit hindi ako nakapunta sa date naming dalawa. Nahihiya parin ako kasi nagawa kong magsinungaling sa kanya sa totoong rason kung bakit hindi kami natuloy.
Gosh! Nang dahil sa kakasama ko sa lalaking buwisit na 'yon ay natututo narin akong magsinungaling sa iba.
Pero okay lang dahil ngayon palang ay alam kong wala nang manggugulo sa araw ko.
"Good morning, Manong Raul," nakangiting bati ko sa security guard ng building na pinagtratrabahuhan ko.
Nginitian rin niya ako bilang ganti.
"Good morning din, Ma'am. Mukhang good mood tayo ngayon, uh," tukso niya.
Isang ngiti lang ang iginanti ko. Talagang good mood ako kasi nalalanghap ko na ang freedom na gustong-gusto ko.
Sobrang lapad ng ngiti ko habang papasok ako sa loob at nagtungo sa elevator. Bumukas 'yon at agad na pumasok ako sa loob. Nawala ang ngiti sa labi ko nang makitang pumasok din si Kearl sa elevator na kinaroroonan ko.
Okay! Good mood ka ngayon at kahit na nandito siya ay hahayaan ka niyang magkaroon ng peace of mind, 'diba? Gaya nang napag-usapan. Kaya ngiti ka na ulit, Aila.
Ngumiti nalang ako. Hindi ka na papansinin niyan. Hindi ka na aasarin niyan.
"Hello, Miss Ramirez. Mukhang good mood tayo ngayon, uh," puna ni Kearl.
Hindi naman ako umimik at bumaling lang ako sa ibang direksyon.
Okay! Huwag pansinin dahil hindi 'yan nag-eexist.
"Sungit talaga nito," dugtong niya. "You really have a nice ass, Ms. Ramirez."
I rolled my eyes nang dahil sa sinabi niya.
Kalma, Aila. Kalma lang. Habaan mo ang pasensya mo sa kanya.
"You look beautiful, by the way," bulong niya sa tenga ko. Napasinghap naman ako nang maramdaman ko ang kamay niyang pumulupot sa bewang ko.
Pakiramdam ko tumindig ang balahibo ko nang maramdaman ang hininga niya sa punong tenga ko.
Nakikiliti ako!
Kaagad na itinulak ko naman siya palayo.
"Ano ba, Kearl!" inis na bulyaw ko. "Akala ko ba may deal tayo? Bakit ngayon hindi ka marunong tumupad sa usapan?"
He smirked at halos mapalunok ako when he trapped me on the wall. Biglang bumukas ang elevator ngunit agad din 'yong sumara nang pinindot niya pabalik sa first floor ang button. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa ginawa niya.
"Ano'ng deal?" painosenteng tanong niya.
Napairap naman ako.
"Na lulubayan mo ako kapag sinunod ko ang gusto mo! I already did! Kaya will you please leave me alone! I already helped you!" inis na sikmat ko na ikinangisi niya.
"Sinabi ko ba 'yon?" he asked innocently again.
Halos mapugto sa sobrang inis ang ugat sa katawan ko.
Buwisit! Buwisit! Napakasinungaling talaga niya!
"But since you helped me yesterday and you've been a good girl. I think, I will give you a reward in return," saad niya.
Nanlaki naman ang mga mata ko. Napakurap lang ako nang biglang bumukas ulit ang elevator ngunit agad na sumara ulit iyon dahil pinindot naman niya ang floor kung saan ako tutungo.
"I told you before, I punish good girls at dahil sa ginawa mo sa akin, sa tingin mo saan ka sa dalawa?"
Pakiramdam ko nanuyo ang lalamunan ko at nanlambot ang mga tuhod ko.
"This is my way of punishment."
And in a split of a second he claimed my lips. As usual, hindi ko na naman lubos maipaliwanag ang damdaming namumutawi sa dibdib ko. Bumibilis na naman ang t***k ng puso ko at may kung anong paru-parong nagliliparan sa loob ng tiyan ko.
Gosh! What are you doing to my senses, Montenegro?
"Have a good morning, Ms. Ramirez," nakangiting wika niya when he ended the kiss.
Naiwan naman akong nakatulala habang hindi namamalayan na bumukas na pala ang elevator at nauna na siyang lumabas sa akin. Natauhan lang ako nang akmang magsasara ulit ang pinto ng elevator. Dali-dali akong lumabas. Tinignan ko naman ang papalayong pigura ni Kearl.
Buwisit! Kailan mo ba ako titigilan, ha?
Isa kang buwisit sa buhay ko, Kearl Anthony Montenegro!
Hindi dapat ako nakikipagkasundo sa isang sinungaling na katulad mo!
-
♡lhorxie