Chapter Three

2100 Words
Chapter Three: Choice ____________________________________ Ang pagmamahal daw ay isang choice kagaya din ng pagpapatawad. We choose to forgive and love. Kaya lang minsan may mga bagay talaga na hindi natin napipigilan. Hahayaan mo pa bang magpatuloy ang isang kasinungalingan? Baka hindi mo namamalayan ito'y nakasanayan mo na pala. At wala ka ng magagawa dahil tuluyan ka nang nabiktima. HUMIKAB ako at kinuha ang bag ko sa ilalim ng mesa. It's already late at inaantok na ako. Napakaraming files na kinailangan kong tapusin. Ako nalang ang naiwang mag-isa sa loob ng office. Pinatay ko naman ang ilaw at ang iba pang mga components atsaka devices na nandito sa loob bago ako tuluyang lumabas. "Hi!" aniya nang isang baritonong boses habang nagsasara ako ng pinto. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa gulat at binalingan kung sino 'yon. "Richard!" I exclaimed. "Ginulat mo naman ako," wika ko. Bahagyang ngumiti naman siya sa akin at umayos nang tayo mula sa pagkakasandal niya sa pader. "Hinintay talaga kita. Puwede ba kitang maanyayahang mag-dinner?" tanong niya. Napangiti naman ako. Siguro, pambawi ko na rin 'to sa hindi ko pagsipot sa kanya noong nakaraang linggo. "Sure! Saan ba tayo?" tanong ko habang naglalakad kami palabas ng building. Hindi ko na napigilang kiligin lalo na't inakbayan niya ako. Is this a sign na magkaka-lovelife na talaga ako nang tuluyan? Richard is not a bad catch. "May pina-reserve akong dinner sa isang Italian Restaurant. Okay lang ba kung doon nalang tayo?" "Mukhang pinaghandaan mo talaga 'to, uh," tukso ko sa kanya at siniko ko pa siya sa tagiliran. Ngumiti lang siya bilang sagot. Nang makarating kami sa lugar na sinabi niya ay agad kaming sinalubong ng isang waiter. The place is too romantic at halatang dinadayo talaga ito ng mga magkasintahan. Kahit saan ako tumingin ay may nakikita talaga akong couples sa paligid. Kaunti lang 'yong mga magkakaibigan talaga. "This way po, Mr. Salazar," saad ng lalaking waiter na sumalubong sa amin. Hinawakan naman ni Richard ang kamay ko at sumunod kami doon sa lalaking waiter. Nagtungo kami sa isang room kung saan may naka-prepare na table for two. Napasinghap pa ako nang makita ang lugar. It's full of roses and the place is too romantic. May isang lalaki pang nagvi-violin sa gilid. "Enjoy your dinner, Sir and Ma'am," saad ng lalaking waiter at tuluyan nang umalis. "I already ordered our food. I hope you don't mind," nakangiting wika niya. Ngumiti naman ako at marahang umiling "Shall we?" tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot at iginiya niya ako patungo sa mesa namin. Pinaghila niya ako ng upuan at umupo naman agad ako. Nagpasalamat ako sa kanya. Richard is every inch a gentleman at gustong magdiwang ng puso ko dahil sa effort na ginawa niya ngayong araw. "Let's eat," he said while smiling. Kinuha ko naman ang kutsara at tinidor. Bahagyang ngumiti ako sa kanya bilang sagot. Nagsimula na kaming kumain at nag-kwento siya sa akin tungkol sa nangyari noong nakaraang linggo sa family dinner nila. He told me about his family. Natatawa nga ako minsan dahil may sinasabi siyang joke about sa kanila. "Aila," tawag niya at hinawakan ang kamay ko. Napatigil naman ako sa pagkain. Ramdam na ramdam ko ang kabog ng dibdib ko dahil seryoso ang pagkakatingin niya sa akin. "Ahmm, b-bakit?" kinakabahang tanong ko at napalunok. Is he going to ask me now? Iyong bagay na 'yon? So, are we going to be official? Dahil ngayon palang alam ko nang hindi ako magdadalawang isip na sagutin siya kung saka-sakali mang magtanong siya. "I know it's been two months since I courted you," panimula niya na mas lalong nagpalukso ng puso ko. Is this really happening right now? "I don't want to rush you but I do really want to be with you," Nagpakawala siya nang malalim na buntong hininga at marahang pinisil ang daliri ko sa kamay na nanlalamig na panigurado. "Will you be my--------" "Hi, Ms. Ramirez!" biglang singit ng isang tinig na pamilyar sa akin. Nahila ko naman ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Richard dahil sa sobrang gulat. Shit! Double s**t! Iyon na, eh! May idudugtong na siya. Bakit kailangang may panira? Nakakainis! Will you be my.... na 'yon eh! Naman! "Anong ginagawa mo rito?" iritadong tanong ko sa lalaking wala nang ibang ginawa kundi sirain ang araw ko. Wala ka ba talagang pinipiling lugar, Kearl Anthony Montenegro? Pati ba naman dito? Ngumiti lang siya na mas lalong nagpainit sa ulo ko. "Well, bilang isang mabuting mamamayan ng bansang ito, nandito ako para sunduin ka dahil iniutos ng Kuya mo," nakangiting sagot niya at nag-salute pa. Kumunot naman ang noo ko. Na naman? I know Kearl too well at malamang nagsisinungaling na naman siya kaya hindi na ako magpapaniwala sa kanya. "Pare, hindi mo ba nakikitang nag-uusap pa kami rito?" tanong ni Richard na bakas ang iritasyon sa mukha. Binalingan naman agad siya ni Kearl at parang nagulat pa ang anyo ng mukha niya nang makita si Richard. "Oh! It's you!" gulat na bulalas pa niya at itinuro si Richard. "Sino ka nga ulit?" tanong pa niya. Halata ang pagkaka-offend sa mukha ni Richard nang dahil doon ngunit halatang nagtitimpi lang ito na ipakita ang galit niya rito. "Alam mo, pwede bang umalis ka na? Iniistorbo mo ang date namin ni Aila atsaka ako nalang ang maghahatid sa kanya pauwi," wika ni Richard dito. Ngunit imbis na pakinggan iyon ay binalingan niya ako na para bang hindi niya narinig ang sinabi ni Richard. "Bukas na ang anihan ng flower farm niyo, 'diba? Kaya ka pinapasundo ngayon ng Kuya mo kasi nandoon na siya sa bahay niyo sa Mandurriao. So, sasama ka ba sa akin ngayon o hindi?" seryosong tanong niya. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Is he kidding me? Walang sinabi si Kuya sa akin na anihan ngayon! At kung ganoon man, kadalasan one week before kaming pupunta sa Mandurriao ay sinasabihan niya ako. Hindi ganitong biglaan! Atsaka, paano kung isa na naman ito sa kasinungalingan niya ngayon? "Ako ba'y pinagloloko mo, Kearl?" naiinis na tanong ko. Ngumiti at umiling naman siya sa akin. "If you want, I can call your brother now for clarification," saad niya at akmang kukunin na niya ang cellphone sa loob ng bulsa niya nang pinigilan ko siya. "Forget it!" I said na ikinatigil niya. Kung tatawagan niya ngayon si Kuya paniguradong sermon na naman ang aabutin ko na kesyo hindi raw ako nakikinig, ganito at ganiyan, and I'm tired hearing those things. "Sasama na ako sa 'yo!" iritableng saad ko. Buwisit naman kasi, eh! Bakit ngayon pa? Kapag nalaman ko talagang niloloko na naman ako ng lalaking 'to! Makakatikim na talaga siya sa akin. "That's great! Shall we?" Nagpakawala naman ako ng isang malalim na buntong hininga at tumayo. "Pero, Aila! Hindi pa tayo tapos kumain! At...at may sasabihin pa ako sa 'yo," biglang singit ni Richard. Hinarap ko naman siya. I really felt sorry for him right now. "Why don't you say it to her now," singit ni Kearl at bakas ang paghahamon sa boses niya. Masama na ang pagkakatingin ni Richard sa kanya but he just smirked. "Forget it!" iritableng sabi ni Richard. Nagpakawala naman ako nang malalim na buntong hininga. "Richard, pasensya ka na talaga. Magkita nalang ulit tayo sa susunod. Kailangan ko lang talagang umalis ngayon," sabi ko sa kanya. I heard him sigh and just nod. "Wala narin naman akong magagawa, 'diba?" Magsasalita pa sana ako ngunit hinila nalang ako bigla ni Kearl. "Let's go. Time is running," saad niya. Napamura nalang ako sa utak ko habang hinihila niya ako palayo. Minsan talaga walang modo ang lalaking 'to! "Siguraduhin mo lang talaga na hindi na naman ito isa sa mga kasinungalingan mo, Kearl. Dahil sa totoo lang, naiinis na ako sayo. Sobra! As in! Ikamatay mo man!" inis na wika ko sa kanya nang tuluyan na kaming makalabas sa restaurant. Narinig ko naman siyang tumawa. "Get in," saad niya at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. I rolled my eyes first before I get myself in. Hindi parin kasi tuluyang nawawala ang inis ko dahil sa ginawa niya. Parati nalang siyang nangingialam sa buhay ko. "You know what, everyone says that no one can resist my charm," saad niya bigla nang makapasok na rin siya sa loob at nagsimula nang umandar ang sasakyan palayo. "Do you think it's true?" Inirapan ko nalang siya at padabog na isinandal ang ulo ko sa headrest. "Shut up, Kearl!" saway ko at doon nalang ako bumaling sa kabilang side ng window. Narinig ko siyang tumawa ngunit hindi ko nalang iyon pinansin. Ipinikit ko ang mga mata ko. Pakiramdam ko lahat nang pagod na kanina ko pa iniinda ay ngayon lang talaga lumabas. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit hindi ko man lang namamalayan, I totally drifted to sleep. NAAALIMPUNGATAN ako nang dahil sa ihip ng hangin na dumadampi sa katawan ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Napasinghap ako nang makitang hindi pamilyar sa akin ang lugar. Kitang-kita ko pa ang pagtama ng sinag ng araw sa sahig na nagmumula sa labas ng bintana. I was about to shout when I heard the door open. Bumungad sa harap ko si Kearl na nakasuot lang ng puting sando at isang board short. Kumunot naman ang noo ko. "Good morning, Ms. Ramirez!" nakangiting bati niya. Tuluyan siyang pumasok sa loob at pagkatapos ay isinara ang pinto ng kwarto. "Ano'ng ibig sabihin nito? Animal ka, Kearl! Saan mo ako dinala?" Nagpupuyos ang dibdib ko sa sobrang galit. Kalmanteng lumapit lang siya sa akin at umupo sa gilid ng kama na kinahihigaan ko. Akmang ihahagis ko sa kanya ang unan na nasa tabi ko nang bigla siyang nagsalita. "Bago ka magwala diyan. Hayaan mo akong magpaliwanag," saad niya at tinitigan ako nang mariin. Ibinaba ko naman ang unan na hawak-hawak ko at marahang tumango. "First of all, nandito tayo ngayon sa Islas de Gigantes. Bakit tayo nandito? Unfortunately, birthday ng kaibigan ko at invited ako. Since pinakilala kita noon kay Evie na girlfriend ko and she mention it sa mga barkada namin. They want to meet you personally. And-------" "Eh, ano 'yong sinabi mo sa akin kagabi?" putol ko sa sasabihin niya. "Isn't it obvious? It was all a lie," nakangiting sabi niya. Parang binuhusan ako ng isang malamig na tubig sa narinig mula sa kanya. Sinasabi ko na nga ba't isa na naman ito sa mga pakana niya. Bakit ba hindi pa ako natututo? "Hayop ka! Isa kang manloloko!" bulyaw ko at hinampas sa mukha niya ang unan na hawak-hawak ko. Wala akong pakialam kung magkaroon man ng galos ang mukha niya. Iisa lang ang alam ko! I want to get even! "Hey, hey, calm down! Nasa baba lang ang mga friends ko at baka marinig nila ang mga sinasabi mo." "Wala akong pakialam! Walanghiya ka talaga! Walanghiya ka!" inis na inis na saad ko. Napatigil lang ako sa paghampas nang bigla niyang hinigit ang unan na hawak-hawak ko. "Here's the deal--------" "Hindi na ako makikipag-deal sayo!" galit na sigaw ko. Knowing him, hindi siya marunong tumupad sa usapan. "The last time I check, wala akong nakuha kundi gulo. Kaya tumigil ka sa deal-deal na 'yan!" Pakiramdam ko nanginginig ang kalamnan ko sa sobrang galit. Narinig ko siyang nagpakawala nang malalim na buntong hininga at hinila ang drawer sa gilid ng kama. May kinuha siyang mga dokumento mula doon. Kumunot naman ang noo ko. "This document is authentic. It was sign by my Kuya Niro who is a lawyer," panimula niya at itinaas ang dalawang pares ng papel. "Naglalaman ito ng kasunduan nating dalawa. All we need to do is sign this at makakaasa kang gagawin ko na ang mga nakasulat dito. If I can't, you can use this to file a case against me kung guguluhin parin kita pagkatapos ng usapan natin." Tumaas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "At bakit ko naman papatulan ang deal na 'yan?" "You want your freedom, right?" Natigilan naman ako at napaisip. Of course! I want it badly so I could have a peace of mind. "Ano'ng deal na naman ba 'yan?" inis na tanong ko. "Just like the same deal we talk before. Nandito si Evie kaya katulad parin noon ang plano. Only just for three days, Aila." "You know what? You're really such a jerk." He just smiled to me teasingly. "I never said I'm a good guy, Aila." he said playfully "So it's a deal?" Nagpakawala naman ako nang malalim na buntong hininga. I guess I don't have a choice here after all. - ♡lhorxie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD