Chapter Four

2651 Words
Chapter Four: Felt _______________________________________ Minsan may mga bagay talaga na nangyayari sa ating sarili na kahit tayo ay hindi natin maiintindihan kung ano at kung bakit nangyayari ito sa atin. What we felt and what's our mind dictates sometimes are opposing with each other. That's why there's a lot of question we want to have an answer but we couldn't answer. Iisipin pa nating palipasin nalang, ang hindi natin alam sa huli wala na pala tayong kawala. A DEAL IS A DEAL. Iyon ang sinabi sa akin ng hinayupak na Kearl Anthony. Pero tignan mo nga naman at mukhang siya pa mismo ang hindi sumusunod sa usapan. Simula nang lumabas kami ng kwarto at nakipagkita sa mga kaibigan niya ay wala na siyang ibang ginawa kundi ang makipag-usap sa ex-girlfriend niya. Akala ko ba dapat pinagseselos namin ang babaeng 'yon? Eh, bakit buntot ng buntot naman ang kumag? Bakit ka ba naiirita, Aila? tanong ko sa isip ko. Napairap nalang ako. Hindi ako naiirita! Okay fine, slight, konti lang. Eh, sino ba naman ang hindi? Tignan mo nga ang lalaking 'yon. Ang landi! Kung tumawa sa tabi ng ex-girlfriend niya parang wala ng bukas. Naku! Ang sarap talaga niyang tirisin. "Hi," bati ng isang boses. Napaangat naman ako ng tingin at binalingan kung sino iyon. Kumunot ang noo ko nang makitang isa ito sa mga kaibigan ni Kearl. I remember this guy, siya lang kasi ang may singkit na mga mata sa kanilang magkakaibigan nang ipinakilala sila sa akin kanina ni Kearl. This must be, Kim Choi. "Hello," magalang na bati ko rin. Umupo naman siya sa wooden chair na kinauupuan ko. "Sandwich?" alok niya. Napatingin naman ako sa sandwich na hawak niya. Hindi ko na ito tatanggihan. Masamang tanggihan ang pagkain. "Salamat," nakangiting sabi ko at kinuha ang sandwich na inalok niya. "Alam mo, kanina pa kita tinitignan. The way you look Kean and Evie it shows that you wanted to kill both of them. In fact, wala ka namang dapat ipagselos sa dalawang 'yon." Napatigil naman ako sa pagkagat ng sandwich nang marinig ang sinabi niya. Ano'ng wala?! Eh, mag-ex kaya ang dalawang 'yan! So, inaamin mong nagseselos ka? Oh gosh, no way! Hindi ako nagseselos, ano! Naiirita lang ako. "You're the first girl Kean introduced to us as his girlfriend that's why we know he's really serious on you." Isang ngiti ang namutawi sa aking mga labi pero hindi iyon umabot hanggang tenga ko. Kung alam mo lang ang pinaggagawang kalokohan ng lalaking 'yon sa'kin. Hinding-hindi mo masasabi ang mga bagay na 'yan ngayon. Pero teka.... "What about Ev--------" "Ms. Ramirez!" biglang singit ni Kearl dahilan upang maputol ang sasabihin ko. I was about to ask Kim about Evie pero nakisingit na naman si Kearl. Hindi ba alam ng mga barkada niya na naging sila? I rolled my eyes when he sits beside me and wrap his arm around my waist, holding me possessively. "Will you please stop calling me Ms. Ramirez?!" I asked annoyingly. He smiled teasingly. "Why? Do you want me to call you Mrs. Montenegro instead?" Pakiramdam ko namula ng husto ang pisngi ko nang dahil sa iniusal niya. I can feel my heart beating so fast na parang mawawalan ako ng hininga. Okay, kalma! Ano bang nangyayari sayo, Aila? Kilala mo si Kean. He's playful and this is just one of his sick jokes. "Oy, gusto niya!" he teased at sinundot-sundot pa ang tagiliran ko. Tinignan ko naman siya nang masama. "Tumigil ka nga diyan!" I was about to take a bite on my sandwich nang bigla niyang hinablot iyon at walang pasabing kinain. Nanlaki naman ang mga mata ko. Magrereklamo na sana ako kung hindi lang nagsalita si Kim. "Ahmm, maiwan ko na muna kayo," nakangiting paalam ni Kim sa amin. Tumango-tango naman itong katabi ko. "Mabuti pa nga dahil nakakaistorbo ka lang sa amin dito." "Kean!" bulalas ko nang dahil sa sinabi niya. I know Kim got offended somehow. Pero ngumiti lang si Kim sa kanya bago tuluyang umalis. Hinampas ko naman agad ang braso niya at tinignan siya nang masama. Ipinulupot niya ang isang kamay niya sa bewang ko at niyakap niya ako. "You called me Kean atlast and it sounds great when you say it," bulong niya sa tenga ko dahilan upang manayo ang balahibo ko. "Tumigil ka nga!" I tried to lower down my voice dahil baka marinig kami ng mga kasamahan niya. "What you said to Kim is rude! Kaibigan mo 'yon." "Oo kaibigan ko siya at akin ka kaya dapat alam niya 'yon," malakas na saad niya. Tinakpan ko naman agad ang bibig niya at napatingin ako sa mga kaibigan niya na nasa dulo habang may kanya- kanyang ginagawa. Mabuti naman dahil mukhang wala silang narinig kasi patuloy lang sila sa mga ginagawa nila. "Hinaan mo nga 'yang boses mo! Isa pa, hindi ako iyo!" mahina ngunit mariin na saad ko. Tumaas naman ang kilay niya. "You're my girlfriend. That's enough reason why you're mine," malakas parin na pagkakasabi niya. "Only for contract at alam mo ang rason kung bakit natin ginagawa ito, Kearl," paalala ko sa kanya. "Still, base on our contract, you will act as my gilfriend kaya ganoon din 'yon." He cupped both of my cheeks at pinugpog ng halik ang mukha ko. Nanlaki ang mga mata ko nang dumapo ang labi niya sa labi ko. "See? You're my girlfriend. I can kiss, hug and marked you anytime I want." Naitulak ko naman siya palayo sa akin. "Wala sa kontrata na puwede mong gawin sa akin ang mga bagay na 'yon!" inis na sabi ko in a controlled voice. I heard him sigh. He pulled me closer to him and hugged me. "You are my girlfriend for now so you need to act one," parang batang saad niya at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. "It's already understandable kahit na hindi nakasulat sa contract ang mga bagay na 'yon." "What?!" gulat na bulalas ko at medyo napalakas pa ang boses ko. "Shhh!" saway niya. Napatingin naman ako sa kasamahan niya at mukhang wala namang pinagbago kaya nakahinga ako nang maluwag. "Hinaan mo nga ang boses mo. You'll wake up the dead, sweetie," he said huskily. A-ano raw? Namula naman ang pisngi ko. Bakit iba ang pumapasok sa isip ko sa ibig niyang sabihin? "Ewan ko nga sayo!" iritadong wika ko. "Akin na nga 'yang sandwich ko." Akmang kukunin ko na sa kamay niya ang sandwich ngunit kinain niya agad ito ng buo. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil doon. "Nakakainis ka! Bakit mo inubos?!" Hinampas ko ang dibdib niya. Ngumisi lang siya dahil sa inasal ko. "Mabuti na 'yong nag-iingat." "A-ano?!" "Malay mo baka may gayuma 'yon. Edi, nagayuma ka pa." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Ni hindi pumasok sa isip ko ang mga bagay na 'yon at ganoon ang mga pinag-iisip niya. "You're unbelievable!" I exclaimed. Ngumiti lang siya at isinubsob ang mukha niya sa balikat ko. "I know, Sweetie. That's why I'm unique." Napapailing nalang ako sa sinabi niya. Iba talaga ang takbo ng utak niya! Hindi mo maiintindihan! Baka naman ang laman ng utak niya ay puro kalawang mismo kaya pinanganak na baliw. "OO! Sa sobrang unique mo, napakaraming turnilyong nagsisibahayan diyan sa utak mo!" I exclaimed at kumalas sa pagkakayakap niya. Napanguso naman ito sa sinabi ko. "Halikan kita riyan, eh. Tignan natin kung masabi mo pa 'yan...." he murmured na siyang narinig ko naman. Kaagad na nag-iwas naman ito ng tingin sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko nang dahil sa narinig. I can't believe this guy! Puro kamanyakan nalang ba talaga ang laman ng utak ng isang 'to? "Ano'ng sinabi mo?!" iritadong tanong ko. Bumaling naman ang tingin nito sa akin. "Ang sabi ko ang ganda mo..." sagot niya na ikinapula ng pisngi ko. "Tangina mo!" mura ko sa kanya at akmang susuntukin ko ang balikat niya ngunit agad na napigilan niya 'yon. He hold my arms firmly and gently. "'Yan tayo, eh..." he said amusingly. "Ang fierce mo talaga, baby." Bakas na bakas ang mapanuksong ngiti sa mga labi nito na siyang ikinainis ko. "Bitiwan mo nga ako!" inis na sabi ko. Hindi naman ito nakinig sa sinabi ko but instead he pulled me closer to him, wrapping his arms around my waist and hugging me gently. "Ano ba------------" "Shhhhh...." awat niya sa sasabihin ko. Napapiksi ako nang bigla niyang isinubsob ang mukha niya sa leeg ko at mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakapulupot ng braso niya sa bewang ko. Ramdam na ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. "Ke-kearl..." nauutal na banggit ko sa pangalan niya. I closed my eyes when he planted a swift kiss on my neck. My insides shivered with that kiss. Ano bang nangyayari sa akin? "Do you hate me that much, Aila?" he asked all of a sudden. Napalunok naman ako. "Pa-pakawalan mo ako," I said stammering. Ilang segundo rin itong hindi umimik bago tuluyang umiling. "Ayoko," agarang sagot niya. "Sagutin mo muna ako." I gasped when he suddenly planted a swift kiss on my neck again. Mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko. Naramdaman ko ang pagngisi nito. "Why is your heart beating so fast, hmmmm?" he asked huskily made me whimper in frustration. "Kearl, please...." I said almost in plea. "Yes, baby?" he asked made me feel his breathe on my neck. Damn! Why does he sound so sexy uttering those words? "Let me go," I said using a weak voice. "Answer me first," he still insist. "Hindi na naman kailangang tanungin 'yon! Because the answer is so obvious. I hate you!" I said in irritation. "Now let me go..." Umiling naman ito. "Then why is your heart beating so fast, hmmmm?" he asked again. I groaned in frustration. "Am I making you uncomfortable?" "Ang manyak mo kasi!" I answered almost shouting. He chuckled. I can see sparks of amusement written all over his eyes. "Sayo lang naman..." he whispered softly in my ear. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. I was about to react when he suddenly bit my neck, gently and sexily. "KEARL!" I exclaimed. Napahawak naman ako sa leeg ko na kinagat niya. Narinig ko naman ang marahan niyang pagtawa. Kaagad na kinurot ko ang balikat niya. "I love seeing you frustrated and pissed off, Aila," he said in amusement. "It made me feel alive..." "Tangina mo talaga! Mamatay ka nalang!" iritadong sabi ko at pilit na kumakawala sa pagkakayapos niya. Lumuwag naman ang pagkakahawak niya sa akin at hinayaan akong makawala sa kanya. Tumayo naman agad ako at binalingan siya habang tumatawa. I look at him while he's laughing so hard. I can see the glow on his face. I can't deny the fact that he's really one hell good looking man. My face heated because of embrassment. Bakit ko ba iniisip ang mga 'to? "Nakakainis ka talaga!" I shouted and walk away from him just to hide the stirring emotion inside my chest. I take a deep breathe and calm myself. Guard your heart, Aila.... MABILIS na lumipas ang araw parang kaninang hapon lang ay naglibot-libot kami sa buong resort. Ngayon naman ay nandito na kami sa villa na tinutuluyan namin dahil mag-gagabi narin. Tapos narin naman kaming kumain sa labas at paniguradong pagod ang lahat kaya matutulog nalang ang mga ito dahil sa buong araw na pamamasyal. Masaya namang kasama ang mga kaibigan ni Kearl, makukulit at hindi ka ma-a-out of place. Feeling ko nga matagal na kaming magkakasama the way they treat me. "Sabay na tayong maligo. Conserve water and energy 'to," saad ni Kearl nang makapasok kami sa kwarto na tinutuluyan naming dalawa. Tinignan ko naman siya nang masama at tumawa lang siya. "I'm just kidding! Ang seryoso mo naman," dugtong niya at naunang naglakad patungo sa closet. "Me first dahil hindi na ngayon uso ang ladies first." I rolled my eyes from what he said. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanya? Eh, napaka-gentle dog talaga niya! "Bilisan mo!" Natatawang tumango naman siya at dali-daling tumakbo papasok ng banyo. Napapailing nalang ako. Minsan hindi mo maiintindihan ang personality na mayroon siya, minsan may pagka-childish, minsan naman parang demonyo, minsan arogante. Basta lahat ng negative sa kanya napunta. Nagtungo na ako sa closet at umasang may makikita man lang akong damit na pambabae. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang mga damit ko ang mga nandoon. Paniguradong may alam si Kuya Kean tungkol dito at pinatulan ang kalokohan ng bestfriend nito. Ang napakalaking tanong, sino ang nag-empake ng mga damit ko? Huwag mong sabihin ang damuhong 'yon? Ibig sabihin siya ang pumili ng mga underwear ko? Uminit ang pisngi ko at nilukob ng inis ang dibdib ko. Napatigil ako at napatingin sa damit na suot ko. Hindi naman ito naiba sa naisuot ko kahapon. Dalawang araw ko 'tong suot na hindi ko man lang napapansin. Mabuti hindi ako kinati. Anak ka naman ng pusa, oh! "Bilisan mo diyan, Kean!" inis na sigaw ko. Hindi na pinansin na tinawag ko siya gamit ang nickname nito. llang minuto rin ang lumipas nang lumabas siya ng banyo. Uminit ang pisngi ko at nanlaki ang mga mata ko nang makitang lumabas lang siya habang nakatapis ng tuwalya. 'Nak ka nang pusa! Ang ganda ng abs! Buwisit! "Bakit ka lumabas nang nakaganyan lang? 'Di ka man lang nag-effort na magbihis sa loob? Alam mong may babae kang kasama rito!" bulyaw ko. Ngumisi naman siya at lumapit sa isang drawer kung saan may salamin na malaki. "Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?" tukso niya. Tinignan ko naman siya nang masama. "Hindi! Nasusuka ako! Baliw!" pagsisinungaling ko. Nanlaki naman ang mga mata niya. "Aba't! Baka kung matik-------" "Ano?!" putol ko sa sasabihin niya at tinignan ko siya nang masama. Umiling-iling lang siya at ngumisi. "Wala! Maligo ka na nga doon. Dalawang araw na 'yang damit mo! Ang baho mo na!" tukso niya. Sa sobrang inis ko ay hinablot ko ang unan sa ibabaw ng kama at inihagis sa kanya. Iyon sapul sa mukha! Hindi ko na alam ang sunod na naging reaksyon niya dahil dali-dali akong pumasok sa loob ng banyo at nilock ang pinto. Ang damuho talagang 'yon! Napaka-walanghiya! Ginawa ko na ang mga dapat kong gawin. Halos isang oras din ang ginugol ko sa loob ng banyo bago tuluyang lumabas. Nagpatuyo at nag-blower pa kasi ako ng buhok. Nagsuot lang ako ng t-shirt atsaka pajama. Pagkalabas ko ng banyo ay napakunot ang noo ko nang makitang kampanteng nakahiga si Kearl sa nag-iisang kama sa loob ng kwarto. "Saan ako matutulog?" tanong ko sa kanya. Ngumisi naman siya at tinapik ang kabilang bahagi ng kama. "Isn't it obvious? Tabi tayo!" Umusok naman ang ilong ko sa sinabi niya. "No way! Diyan ka sa sahig matulog!" iritadong wika ko. Ngumuso naman siya. Kinuha niya ang unan sa tabi niya at niyakap. "Ayoko nga! Dito lang ako sa kama," saad niya at pumikit-pikit pa. "Whaaaa, ang lambot!" Mariing ipinikit ko naman ang mga mata ko at pilit na pinakalma ang sarili ko. "Okay fine! Ako nalang ang sa sahig!" iritadong sabi ko. Lumapit ako sa closet at tinignan kung may makapal bang comforter doon. Mabuti nalang at mayroon. Inilapag ko 'yon sa sahig at nagtungo ako sa kama ni Kearl. Kumuha ako ng dalawang unan at isang kumot. Bumalik agad ako sa puwesto ko. Pasalampak na ibinagsak ko ang katawan ko at nagkumot. "Diyan ka talaga matutulog?" dinig kong tanong niya. Hindi naman ako sumagot at ipinikit ko nalang ang mga mata ko. "Okay fine! Bahala ka sa buhay mo. Basta ako matutulog sa malambot na kamang 'to!" parinig niya. Nakakainis! Sana liparin ka ng hangin, Kearl Anthony Montenegro! Walang modo!!! Napahawak naman ako sa dibdib ko nang maramdaman ang mabilis na pagtibok nito. Mariing ipinikit ko ang mga mata ko. Just thinking about him, I'm starting to feel anything. No! This can't be! - ♡lhorxie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD