Chapter Five: Control
______________________________________
Feelings is an emotion. Love is not just an emotion but all the emotion. We can hide it but we can't control it. Dadating at dadating pa din ang araw na hindi na natin ito kayang pigilan.
Minsan hindi natin namamalayan na pagmamahal na pala itong nararamdaman natin. Nakakalito. Lalo na't kung ito ay nararamdaman mo sa taong ni kahit minsan ay hindi manlang sumagi sa isip mo na mamahalin mo.
NAGISING ako nang dahil sa lamig ng hangin na humahaplos sa buong katawan ko. I tried to move but something is stopping me from doing so. Para bang may isang bagay na pumupulupot sa katawan ko. I tried to open my eyes and look around the room.
My eyes widen nang mapagtuunan ng pansin ang isang particular na direksyon. Where the most non-existence person I know that shouldn't exist is now trapping me in his arms tightly.
"Kearl!" I exclaimed. "Bitiwan mo nga ako!"
Nagpumiglas ako at pilit na kumakawala sa pagkakayakap niya sa akin. Hinampas ko ang braso niyang nakapulupot sa bewang ko ngunit mas lalo lang humigpit ang pagkakayapos niya sa akin.
"Hmmm, ano ba?!" reklamo niya habang nakapikit.
Buwisit! Ano'ng ginagawa ng lalaking 'to sa hinihigaan ko?
Malakas na kinalas ko ang pagkakayapos ng braso niya sa bewang ko at itinulak siya palayo.
"Ano ba! Nakakainis naman, eh! Inaantok pa ako!" reklamo niya at parang batang nagdabog.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa ipinakita niyang attitude. Ngunit mas lalong nanaig ang inis ko dahil sa nasaksihan kong sitwasyon namin.
"Ikaw na manyak ka! Ano'ng ginagawa mo dito sa higaan ko?" galit na tanong ko at pinaghahampas ko sa kanya ang unan na hawak-hawak ko.
He tried to use his arms just to make it a shield.
"Tama na nga. Magpapaliwanag ako, alright!" sambit nito. Itinigil ko naman ang paghampas sa kanya and I look at him with a knotted forehead.
"Now explain!" mariing utos ko.
Mas lalo ko siyang pinaningkitan ng mga mata kahit hindi naman singkit ang mga mata ko. I heard him sigh.
"Umulan kaya kagabi at giniginaw ako. Lumipat lang naman ako dito sa higaan mo kasi ang lamig doon sa ibabaw ng kama."
"Ano'ng silbi ng kumot?! Tanga!" nangangalaiting saad ko at inihampas sa kanya ang unan na hawak ko. "At ako ba'y pinagloloko mo? Mas malamig dito sa lapag kaysa sa ibabaw ng kama."
"Malamig parin, eh. Kailangan ko ng body heat kaya ako tumabi sayo."
"Ang sabihin mo manyak ka talaga! Manyak!" nangangalaiting hinampas ko siya ng unan at panay naman ang sangga nito gamit ang braso niya.
"Pasalamat ka pa nga at ikaw lang 'yong minamanyak ko. Ibig sabihin, pang high level ang standard mo," natatawang saad niya.
Mas lalo ko namang nilakasan ang paghampas ng unan sa kanya.
"Walanghiya ka talaga! Napakamanyakis mo!"
Bago pa ulit ako makahampas ng unan sa kanya ay nagmamadaling tumayo siya at tumakbo patungo sa banyo. Inihagis ko naman patungo sa kanya ang unan ngunit bumagsak lang iyon sa sahig dahil tuluyan na siyang nakapasok sa loob.
"m******s!" inis na inis na wika ko. Umagang-umaga umiinit na ang ulo ko nang dahil sa kanya.
Nakaka-highblood!
Kaya kinakailangan ko na talagang makuha ang kalayaan ko, eh.
KAHIT na tapos na kaming mag-ayos ng sarili namin at nagligpit nang higaan namin ay hindi ko parin tinigilan ang paghampas ng unan kay Kearl. Tumigil lang siguro ako nang tinawag na kami upang kumain. Umuulan ngayon sa labas kaya napaka-impossible talagang mamasyal kami ngayon sa buong resort.
Spell zombie. 'A-K-O'
Not just zombie but also monster, its still 'A-K-O'.
Dahil 'yon talaga ang aura ko ngayon.
Hanggang sa nagsimula na kaming kumain ay hindi talaga ako umiimik at palaging masama ang aking pagkakatingin kay Kearl na mukhang hindi nakaligtas sa mga kaibigan niya.
"Nag-away kayo?" tanong ni Evie.
"HINDI!" magkasabay na sagot namin ni Kearl.
Nagkatinginan kaming dalawa at nginitian niya lang ako samantalang matatalim na titig ang iginawad ko sa kanya.
"Sigurado kayo?" singit ni Karl na isa sa mga kaibigan niya.
"OO!" sabay na sagot ulit namin.
Ngumiti siya sa akin. Napasimangot naman ako. Nang dahil sa ginawa niya ay mas lalong nadagdagan ang inis na nararamdaman ko sa kanya. Mabuti nalang talaga at hindi na nangulit ang mga kaibigan niya hanggang sa matapos kaming kumain.
Umupo nalang ako sa nag-iisang mahabang upuan na yari sa kawayan dito sa gilid. Napairap nalang ako nang biglang umupo sa tabi ko si Kearl.
"Sorry na," paghihingi niya nang paumanhin. Hindi ko naman siya pinansin. I look at the other side.
"Gusto ko kasing makatabi ka sa pagtulog kaya ako lumipat. Atsaka, hindi mo ba alam na ayon sa na-research ko na mas masarap daw matulog sa gabi nang maykayakap."
Hinarap ko siya upang pingutin ang tenga niya.
"Kasi wala nang ibang laman 'yang utak mo kundi puro kamanyakan!" I hissed annoyingly.
Napapa-aray naman siya sa sakit at nang makita kong namumula na ang tenga niya ay agad ko iyong binitawan.
He pouted like a child.
"Inosente kaya ako!" he exclaimed. "Tignan mo ako sa mga mata ko as a proof na inosente talaga ako."
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at inilapit niya ito sa mukha niya. Just an exact distance that we could feel each others breath.
Bigla namang bumilis ang t***k ng puso ko at pakiramdam ko nanlamig ang buong katawan ko habang nakatitig sa kulay brown na mga mata nito.
"Yo-your eyes doesn't shout innocence everytime you...you look at me, Kearl," nauutal na sabi ko sa kanya.
Itinulak ko siya palayo sa akin at agad naman akong nag-iwas nang tingin dahil sa pamumula ng pisngi ko.
"If you only knew what's inside my mind whenever I look at you, Aila. If you only knew...."
"Hoy, kayong dalawa diyan. Tama na 'yang paglalambingan niyo at sumali na kayo dito sa laro namin tutal hindi narin naman tayo makakalabas nang dahil sa ulan," biglang sigaw ni Kim sa amin.
Namula naman ang pisngi ko nang dahil doon.
"Tara na!" sambit ni Kearl at biglang hinila ang kamay ko patungo sa kinaroroonan nila.
Naghanap kami ng pwesto at umupo sa sahig. Napatingin naman ako sa direksyon ni Evie dahil pinapagitnaan naming dalawa si Kearl.
Lumingon din siya sa gawi ko at ngumiti lang siya nang makitang nakatingin ako sa kanya. I wonder how does she feel everytime she saw me with Kearl. Kung mahal pa niya ang lalaki paniguradong nasasaktan siya ngayon.
SPIN THE BOTTLE, 'yon ang laro ng magkakabarkada na nilalaro namin ngayon. Kung kanino tuturo ang bote ay siya ang magiging taya. We will toss a coin for the consequence. Kung head ang resulta ng toss coin, that means your consequence is a DARE kapag tail naman ay TRUTH. Nagsimula nang umikot ang bote at tumutok ito kay Eddie. Nagsimula na si Fred na magtoss ng coin at ang resulta, DARE.
"What the hell!" natatawang mura ni Kim. "Ako ang mag-uutos sa kanya. Lap dance sa harap ni Chanelle in ten seconds!"
Napangiwi naman ako sa iniutos niya. Tinapunan naman siya ni Eddie ng curls na hindi pa nabubuksan bago tuluyang nagtungo sa harap ni Chanelle. Nagsimula namang magtawanan ang lahat habang hindi na mapuknat ang pamumula ng pisngi ng babae.
"Damn you, Kim!" biglang saad ni Ed bago ito nagsimulang mag-lap dance sa harap ng babaeng kaibigan.
Umugong ang tawanan at tuksuhan sa loob ng kwarto. Natatawa't napapailing nalang ako sa mga ginagawa nila ngunit sa kabila nun ay sobrang kaba naman ang nararamdaman ko.
Paano kung sa akin tumutok ang bote? Baka kung ano ang ipapagawa nila sa akin.
"Next!" hiyaw ni Kim at sinimulang paikutin ang bote.
Halos malagutan ako ng hininga ng tumutok kay Kim ang bote.
They tossed the coin and the result is DARE!
Ganoon nalang ang pasasalamat ko na hindi tumutok sa akin ang bote.
Nagngiting aso naman si Ed nang dahil doon, siya kasi ang mag-uutos kay Kim ng dare nito.
"It's payback time...." Ed uttered evilly.
"Tangina mo, Ed!" mura ni Kim kahit hindi pa naman ito nagsisimula sa iuutos nito.
Ed just smirked. "Mag-lap dance karin sa harap ni Aila."
Namutla naman ako nang marinig ang pangalan ko.
Bakit sa akin?
"Tangina mo, Ed!" Kim cursed badly.
Narinig naman naming lahat ang halakhak ni Ed dahil doon ngunit nabitin sa ere ang pagtawa nito nang marinig naming magsalita si Kearl.
"Do you want me to skin you alive, Ed?" Kearl asked in a calm voice but a deadly one.
Napalunok naman si Ed nang dahil sa narinig. Kitang-kita ko ang pamumutla sa mukha nito.
"I'm just kidding," bawi nito sa sinabi.
Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon.
"Mag-lap dance ka nalang din sa harap ni Chanelle," utos ulit nito.
Natatawang napapailing nalang sa kanya ang lahat. Wala naring nagawa si Kim kundi sundin ang inuutos ni Ed sa kanya.
Inikot ulit ang bote at tumutok naman ulit ngayon ang bote kay Fred. When they tossed the coin the result came as a TRUTH. Si Kearl ang magtatanong dito.
"Who is the girl you love?" Kearl asked without a blink.
Nanlaki naman ang mga mata ni Fred doon. Umugong ang kantiyawan sa mga magkakaibigan.
"Ang daya mo, Kearl," Fred said. "Alam mo, eh..."
Ngumisi naman si Kearl sa kanya.
"Sagot na, dali!" Kearl said impatiently. Nakita ko pa ang pagsulyap ni Fred kay Evie. Pinamulahan ito ng mukha bago tuluyang sumagot.
"It's Evie..." mahinang sagot nito na maririnig naman ng lahat. Umugong ang tuksuhan sa magkakaibigan dahil sa isinagot ni Fred. Dumako ang tingin ko kay Evie, she looks shock from it. Tinignan ko naman ang reaksyon ni Kearl at nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatingin ito sa akin. He smiled and just shrugged.
Okay lang ba 'yon sa kanya na malamang may nagmamahal sa babaeng mahal niya na iba? At kaibigan pa niya.
At bakit 'yon ang itinanong niya? Alam ba niya ang damdamin ng kaibigan niya?
"Next na," Kim said na siyang ginawa naman ng lahat.
They started to spin the bottle at ganoon nalang ang pamumutla ko ng tumutok sa akin ang bote. Ed started to toss the coin and it's a dare. Dumako ang tingin ko kay Fred na siyang mag-uutos sa akin ng gagawin ko.
"Fred, ako ang mag-uutos sa kanya," Kearl said all of a sudden.
Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"No way!" agad na apila ko. Knowing him....
Fred just nod as an answer na ikinangisi ni Kearl.
Napasimangot naman ako nang dahil doon. Kearl look at me straight in the eye. Ganoon nalang ang kalabog ng dibdib ko nang magtama ang mga mata naming dalawa.
"Kiss mo ko....." he said smiling.
"Wha-----"
"Sa lips. Tatlong beses," putol niya sa sasabihin ko. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Para-paraan talaga 'tong si Kean, eh!" John exclaimed na ikinatawa ng lahat.
Tinignan ko naman nang masama si Kearl. Kung wala lang kami sa harap ng mga kaibigan niya paniguradong kanina ko pa nasuntok ang isang 'to.
"Dali na, Aila. O baka-------"
Hindi naman nito natuloy ang sasabihin nang bigla kong idinampi ng tatlong beses ang labi ko sa labi niya ng mabilisan.
"Halik ba 'yon? Parang 'di naman..." reklamo niya nang matapos.
Tinignan ko lang ulit siya ng masama nang magsimulang magsitawanan ang mga kaibigan nito.
Hanggang sa inikot ulit ang bote at tumutok ito kay Kearl. Nanlaki ang mga mata ko nang dahil doon.
Nagsimula na silang mag-toss ng coin at ang resulta.....
It's a DARE! s**t, ano naman kaya ang iuutos nila sa kanya?
"Siguraduhin niyo lang na hindi kabulastugan 'yang ipapagawa niyo dahil alam niyo na ang mangyayari pagkatapos nito," banta ni Kearl sa mga kasama niya at ngumisi na para bang may masama siyang binabalak.
Namutla naman ang mga lalaking kasama namin dito.
"Uh, eh, oo naman! Hoy, Eddie! Ikaw ang gumawa ng utos," utos ni John sabay siko sa katabi.
"Ano? Bakit ako? Ikaw nalang kaya!"
"Bilis na!" utos ni Kearl sa kanila.
Nakita kong namutla ang dalawang lalaki. Ganoon nalang ba ang takot nila kay Kearl?
"Choose two girls in here that you care and love the most. Ibulong mo sa tenga ng isang babae ang katagang 'I care for you' if you care to that person. And 'I love you' to the other one whom you love the most and if you think she's the one," utos ni Kim dito. Pakiramdam ko nawindang ang utak ko nang dahil sa mga narinig kaya hindi ko na naintindihan ang sunod na sinabi niya. "Andkissherafterwards..." Kim murmured na hindi ko masyadong narinig.
"A-ano'ng huling sinabi mo?" tanong ko ulit sa namumulang pisngi.
Bago pa niya maulit ang sasabihin ay biglang nagsalita si Kearl.
"Alright, I'll do it! Ang sisiw naman pala nito," pagmamayabang niya habang nakangisi.
"Evie," tawag nito sa babae.
Nag-iwas naman agad ako nang tingin ng sinimulan na niyang bumulong sa babae. Hindi ko alam pero may kung anong kumikirot sa dibdib ko na hindi ko maintindihan.
Para saan 'tong kirot? Dahil ba alam kong ang katagang "I love you" ang sasabihin niya sa babae.
"Yun, oh!" dinig kong kantyaw ng mga kasamahan ni Kearl sa kanya.
Hindi naman ako nag-abalang tumingin.
"Aila,"
Napalingon naman agad ako nang bigla niyang tinawag ang pangalan ko. At ganoon nalang ang lakas nang kabog ng dibdib ko nang bigla niyang inilapit ang mukha niya sa tenga ko. Pakiramdam ko anumang oras ay sasabog na ang puso ko.
"I **** you," bulong niya na hindi ko naintindihan dahil biglang kumidlat at nagsitilihan ang mga babaeng kasama namin. Nagulat ako nang bigla niyang hinalikan ang mga labi ko. I heard people shouting and teasing pero ng mga oras na 'yon ay wala doon ang atensyon ko kundi tanging sa mga labi lamang ni Kearl na humahalik sa akin.
Hindi ko na nga alam kung anong sinabi niya sa akin. I love you ba 'yon o I care for you 'yon. Wala na akong pakialam kung 'I care for you' 'yon, what matter the most is this feeling everytime he kisses me.
"Hanep! Ang lupit, oh!" dinig kong sigaw ng isa sa mga kaibigan ni Kearl nang maghiwalay ang labi naming dalawa.
Namula naman ang magkabilang pisngi ko sabay iwas ng tingin.
Nakakahiya!
Hindi nga ako makatingin ng diretso sa kanila.
Almost two spin pa ang nilaro namin bago sila nag-decide na iba naman ang lalaruin. Nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga.
I don't think I can still make it.
Pakiramdam ko kasi habang tumatagal mas lalo lamang akong lumulubog.
WHERE's THE KING, ang larong lalaruin namin ngayon. May mga papel na nakagupit pa-strip kung saan may nakasulat na mga numero doon ngunit may isang papel na ang nakaguhit ay crown ng isang King.
Kung sino man ang makakabunot ng papel na 'yon ay siyang mag-uutos. The King will mention a number and the one who holds that number will do the consequence.
"Okay, okay! Let's start,"saad ni Chantelle na siyang humahawak sa mga papel.
Pumili kami ng papel na siyang hahawakan namin sa dulo at biglang bubunutin mula sa kamay ni Chantelle kapag sinabi na niya ang "Whose the King' na mga kataga.
"Ok na!" wika ni John. "Let's start!"
"Whose the king?!" biglang tanong ni Chantelle at nagsimula na kaming magbunutan.
Lumikob ang kaba sa dibdib ko nang mabunot ko ang number 3 na siyang nakasulat sa papel.
"I'm the King," biglang sigaw ni Evie sabay pakita sa amin ng papel. "Okay! Number 6, 8 and 5 sumayaw ng trumpets for 1 minute."
Pakiramdam ko nakahinga ako nang maluwag nang hindi niya nabanggit ang numero ko. Nakarinig naman ako ng reklamo at kantyaw sa ibang kasama namin.
"Evie naman, eh! Ang sagwa naman nang pinapagawa mo," reklamo ni Karl na siyang may hawak ng numero na 5.
"Hindi ako marunong sumayaw, eh!" reklamo naman ni John na may hawak na numerong 6.
Nagtawanan naman ang iba naming kasama.
"Kaya niyo 'yan! 1 minute lang naman, eh. Sino 'yong nakahawak ng number 8?" biglang tanong ni Kim.
Tumingin naman sila sa akin at umiling naman ako. Pagkatapos ay dumako ang tingin nila sa katabi ko kaya tumingin din ako doon. I saw Kearl looking at the other side of the wall.
"Kean, ano'ng number ang hawak mo?" tanong ko without knowing na binanggit ko ang nickname niya.
Bumaling naman siya sa akin at tinignan lang ako nang masama.
"Wala!" singhal niya at itinago ang papel. Kumunot naman ang noo ko dahil sa inaasta niya.
"Kean, pare, ikaw nalang ang hindi nagpapakita ng number sa amin. Ikaw ang number 8, 'diba? Trumpets na 'yan, dude," asar ni Fred sa kanya.
"Shut up Fred! You don't have to slap it on my face!" iritadong saad niya at bakas ang pamumula sa magkabilang pisngi niya.
Hindi ko na napigilang ngumisi. Isa lang ang ibig sabihin nito, sasayaw din siya.
"Dalian niyo ng tatlo at naghihintay kaming mga viewers niyo. It's Evie's order kaya sayaw na! Trumpets na 'yan!" Kim said teasingly.
Kumuha ng cellphone si Fred at sinimulan nitong patugtugin ang trumpets na music. Tumayo na sina Karl at John ngunit si Kearl ay nanatili lang na nakaupo. Kinalabit ko naman siya.
"Oy, sayaw ka narin doon!" tukso ko sa kanya.
Tinignan naman niya ako ng masama kaya hindi ko na napigilang tumawa.
Maybe, I should take a video of him dancing. Para may remembrance rin ako.
"Oy, pare, bilisan mo na riyan. Malapit na ang chorus, oh!" aya ni Karl dito.
Nagmamaktol na tumayo si Kearl at lumapit sa dalawa. I was about to take out my phone para kuhanan siya ng video habang sumasayaw ngunit bigla siyang nagsalita.
"Don't you dare take a video of this, Aila," banta niya.
Napanguso naman ako nang dahil doon at ibinalik ko agad ang phone ko sa bulsa ko. Nang pumailanlang ang chorus ay nagsimula silang sumayaw na tatlo. Si Karl ay todo bigay at mukhang sa kanya sumusunod ang dalawa. Si John parang nandidiri sa sinasayaw nila habang si Kearl naman ay parang tuod kung sumayaw.
Hindi ko na napigilang tumawa nang dahil sa mga nasaksihan ko. They look like an idiot while dancing. Pareho silang tatlo na hindi marunong sumayaw. Napapangiwi pa nga sina Kearl at John dahil sa steps na ginagawa ni Karl na minsan pang-bakla ang stepping.
Nang matapos ang isang minutong pagsasayaw nila ay nakasimangot na bumalik si Kearl sa tabi ko at padabog na umupo.
"Will you stop laughing?!" iritadong tanong niya.
I slightly giggled and punch him on his shoulder.
"Bagay ka rin palang maging comedian dahil sayaw mo palang effortless na nakakatawa!" I teased him.
He give me a glare at isang nag-uumigting na "SHUT UP" ang pinakawalan niya.
Nagsimula na ulit kaming maglaro at ang nabunot ko namang number ay 2. Ramdam na ramdam ko na ang kaba sa dibdib ko lalo na't sumigaw na si Eddie na hawak nito ang KING. Ilang ulit na akong nagdasal na sana hindi niya matatawag ang numero ko.
"Number 4..." biglang banggit ni Eddie. Narinig ko namang nagreklamo si Kim at ipinakita sa amin ang papel niyang number 4 ang nakasulat.
"Ed, siguraduhin mo lang talagang maayos 'yang ipagagawa mo!" biglang banta ni Kim dito. Narinig ko namang tumawa si Eddie.
"Okay, masyadong highblood? Wala pa nga, eh."
"Bilis na!" naiinip na singit ni Kearl. Napapailing nalang si Eddie.
"Okay!" pagsuko nito. "Number 4 will hug Number 2!"
"Sino'ng number 2?" dinig kong tanong ng isa sa mga kasama namin.
Ha? Number 2?
Narinig ko bang sinabi niya ang Number 2?
Ibig sabihin ako 'yon! Ako! Hala! Ano'ng gagawin ko?
Ano bang inutos niya? Bakit ako pa?
"Patingin nga ng number mo!" iritadong sabi ni Kearl at kinuha ang papel na hawak ko.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa ginawa niya.
"Sino'ng may hawak ng number 2?" tanong ulit ni Fred at bumaling sa akin.
Napalunok naman ako. Sasagot na sana ako ngunit biglang nagsalita si Kearl.
"Ako!" he exclaimed at ipinakita ang number 2 na papel. Nanlaki naman ang mga mata ko nang dahil doon.
Eh, ako naman ang nagmamay-ari nun! Bakit niya sinabing kanya?
"Ewww! Bromance! Yuck!" tuya ni John sa mga ito. Piningot naman agad ni Chantelle ang tenga ni John.
"Iyang utak mo John ang sagwa dahil puro kalawang," tuya ni Chantelle sa kanya. Napapailing nalang si John dahil doon.
"Manly hug, Bro," saad ni Kim at bigla niyang niyakap si Kearl. Namula naman ang pisngi ko dahil doon.
Ibig sabihin, ako sana ang yayakapin niya ng ganoon?
Nagsimula ulit ang laro at medyo naiilang na ako kay Kearl.
Bakit niya ginawa 'yon?
Bahala na nga!
Apat na round pa ang nagawa namin at 'yong iba medyo mahirap ang mga pinapagawa sa kanila. Katulad nalang sa inutos ni Karl na mag-half split sina Kim at John. Iyong kina Chantele, Evie, Eddie at Fred naman ay squat in 3 minutes habang may lamang mansanas ang bibig nila at ang utos ay nanggaling mismo kay Kearl.
"Whose the kiiinnnng?!" sabay na sigaw namin at nagsimulang magbunutan.
Napalunok ako nang makitang number 1 ang nakasulat sa papel ko.
"It's me," biglang sigaw ni Chantelle sabay pakita ng papel na hawak nito. She cleared her throat before she said anything.
"Okay, number 1..." panimula niya.
Bigla naman akong pinagpawisan dahil number ko ang binanggit niya.
Damn! Sana hindi mahirap ang ipapagawa niya sa akin.
"Tell number 7 the words "I Love You" while looking straight into the eyes of that person."
Pakiramdam ko nakahinga ako nang maluwag sa narinig. Ang dali lang naman pala ng pinag-uutos niya. Mabuti nalang talaga at 'yon lang iyo------
"I'm number 7," biglang anunsiyo ni Kearl at ipinakita ang number niya.
Agad na napatingin naman ako sa kanya.
"Who is number 1?" tanong niya.
Isa-isang ipinakita nila ang number nila except sa akin. Napalunok naman ako nang makitang lahat sila ay nakatingin sa akin.
"So, it's you, Aila," wika ni Kearl kaya napatingin ako sa kanya.
I can feel my heart raging in unwanted beat while I'm looking at him right now.
Gosh, bakit pakiramdam ko sobrang hirap ng pinapagawa nila ngayon sa akin?
Lalo na't si Kearl ang sasabihan ko ng mga katagang 'yon.
"Mukhang MFEO talaga kayong dalawa, uh," tukso ni Karl at tumingin pa ito kay John.
"Made for Each Other!" magkapanabay na sambit nilang dalawa.
Dumako ang tingin ko kay Kearl at ganoon nalang ang lakas nang t***k ng puso ko habang nakatingin ako ng taimtim sa kaniyang mga mata.
"I...I..." nauutal na saad ko.
Hindi ko magawang sabihin ang mga katagang 'yon habang nakatingin sa mga mata niya. Sobrang bilis nang t***k ng puso ko at ramdam na ramdam ko ang mga paru-parong nagliliparan sa loob ng tiyan ko.
"I...I...lo-"
Ngumiti siya sa akin kaya mas lalo lang kumabog ang puso ko.
"I...I lo--love you..." nanginginig ang boses na sabi ko.
Mariing ipinikit ko naman ang mga mata ko nang marinig ang hiyawan ng mga kasama namin dito.
Ngunit ang mas lalong nagpagulo sa isip ko ay ang hindi maipaliwanag na kabog ng dibdib ko.
"E-excuse me, aakyat na ako sa taas. Gustong ko nang magpahinga," pamamaalam ko.
Hindi ko na hinintay na sumagot pa sila dahil tuluyan na akong tumayo at naglakad paakyat ng kwarto namin.
Nang makapasok ako sa loob ay agad kung isinara ang pinto. Nanghihinang napasandal ako sa pinto at napahawak sa dibdib ko.
Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko.
Bakit ganito ang pakiramdam ko?
Of all people, bakit kay Kearl pa?
Na kahit minsan ay hindi man lang siya sumagi sa isipan ko.
I'm really confused....
Confused of what kind of emotion I'm feeling right now to him....
-
♡lhorxie