Chapter Six

2571 Words
Chapter Six: Option _______________________________________ Ang love walang option A at option B yan. Hindi mo pwedeng piliin na maging masaya kalang o kaya naman masaktan ka nalang. Basta't pagdating sa love lahat nararanasan mo. Walang pinipili. Kaya nga ang taong minahal natin kahit kailan ay hindi nagiging option. Kapag nasasaktan tayo o kapag sobrang nasisiyahan naman tayo, minsan ang naiisip nating tama ay siyang mali pala. Kaya tayo nakakagawa ng mali ay dahil kalakip nun ang emosyong iniinda natin sa tuwing gumagawa ng desisyon. Kaya nga dapat sa tuwing gumagawa tayo ng desisyon dapat stable ang emosyon. Dahil minsan kapag nasobrahan o kulang naman ay hindi natin namamalayan nakakasakit na pala tayo sa iba.  THIS is our last day in Islas de Gigantes. Ibig sabihin, ito na rin ang huling araw na magpapanggap ako bilang girlfriend ni Kearl. Starting tomorrow ay sigurado akong makakamit ko na talaga ang kalayaan na gusto ko at ang peace of mind na hinahangad ko. 'Diba dapat matuwa ako? Pero bakit ganito? Bakit pakiramdam ko may kung anong kumikirot sa dibdib ko habang pinagmamasdan si Evie at Kearl na masayang nag-uusap habang nakatayo ako dito sa harap ng hagdan? Ipinilig ko naman ang ulo ko. No! Mawawala rin 'to. Mawawala rin 'tong damdaming nararamdaman ko kapag natapos na ang usapan naming dalawa. I already have Richard with me. I already have him. Kaya kung tatanungin man ako ni Richard balang araw alam kong sasagutin ko narin siya. Wala lang 'to! Wala lang! "Hey, Aila, gising ka na pala," puna ni Kim sa sakin nang mapadaan siya sa kinaroroonan ko. Tipid na ngumiti naman ako sa kanya. "Ahmm, oo, eh-----" Bago ko pa tuluyang madugtungan ang sasabihin ko ay narinig kong tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag. It was Richard. "Ahmm, excuse lang, ha," paalam ko kay Kim. Marahang tumango naman siya bilang sagot. Lumabas ako sa villa na tinutuluyan namin. "Hello," sagot ko. "Where are you, Aila? Nandito ako sa office niyo at sabi sa akin ng bestfriend mo ay hindi ka raw pumasok?" Mababakas ang pag-aalala sa boses ni Richard. Nagpakawala naman ako nang malalim na buntong hininga. "Ano kasi...Nandito pa kasi ako sa flower farm namin. Hi--hindi pa kasi tapos ang harvest," I lied. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nandito ako sa Islas de Gigantes kasama si Kearl. "Ganoon ba? I was just worried. Gusto sana kitang makausap tungkol sa naudlot na sasabihin ko sayo. But since you are not here, I think I'll wait until you came back. Kailan ka ba babalik dito?" Pilit kong kinakapa ang sariling damdamin. Hindi na ako makaramdam nang kahit anong excitement sa maaaring sabihin ni Richard sa akin pagbalik ko. Bakit ganito? Bakit wala man lang akong maramdamang kilig mula sa kanya na siyang dapat na maramdaman ko? "Bu-bukas. Papasok na ako sa trabaho ko bukas." "Alright, I'll see you tomorrow then." "Yeah, bye," paalam ko at pinatay na ang tawag. Nagpakawala naman ako nang malalim na buntong hininga bago tuluyang pumasok sa loob. At ito na naman ang pamilyar na kirot na dumadaan sa dibdib ko dahil sa nakikita ko. Bakit ganito? 'Diba dapat si Evie ang nakakaramdam nang ganito? Kasi ganito naman ang plano 'diba? Pero... pero bakit ako? Bakit pakiramdam ko sa akin bumalik ang lahat? Hindi ko namamalayan na naglalakad na pala ako patungo sa kinaroroonan nila. I can feel my heart started to beat faster everytime I get closer to him. Mas mabilis pa 'yon sa paglalakad ko. "Kearl," I called him na nagpatigil sa kanilang dalawa. Nag-angat naman si Kearl nang tingin at bahagyang ngumiti sa akin. "Gising ka na pala!" he said smiling. "Nagugutom na ako. I want to eat," sabi ko na hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Pumunta ka nalang doon sa kitchen at may nakahain ng pagkain doon. Nag-uusap pa kasi kami ni Evie," sagot nito na mas lalong ikinainis ko. Damn you, Asshole! Gago! Bago ko pa maisatinig at maipakita ang inis ko ay tinalikuran ko na sila at padabog na nagtungo ako sa kusina. Damn! Ako ang girlfriend, 'diba? Ako? Okay, fine! Nagpapanggap lang naman pala talaga kami, 'diba? Pero 'diba ang usapan pagseselosin namin ang babae? Pero bakit parang hindi naman niya magawa? At ayon, kitang-kita naman na lumalandi pa siya! Padabog na umupo ako sa upuan sa harap ng mesa at kumuha ako ng utensils na nakalapag na sa tabi ng pinggan. Nilagyan ko ng pagkain ang pinggan ko at nagsimula na akong kumain. Masamang-masama ang loob ko nang dahil sa ginawa niya sa akin. Habang kumakain ako ay 'di ko na napigilang murahin siya sa isip ko. Here I am so confused of what I'm feeling towards him. Habang siya, ano'ng ginagawa niya? Lumalandi! This is his entire fault! Kung hindi lang ginugulo ng pesteng lalaking 'yon ang buhay ko ay hindi na sana mangyayari sa akin 'to. Hindi na sana ako nalilito! At mas lalong hindi ko na sana nararamdaman 'tong kirot sa dibdib ko na hindi ko alam kung bakit ganito! "Hey, Aila," tawag ng isang baritonong boses. Nag-angat naman ako ng tingin at bumungad sa harap ko ang mukha ni Kim. Kumunot ang noo niya pagkakita sa akin. "Why are you crying?" tanong niya na nagpagulat sa akin. "Ha?" Kinapa ko naman ang pisngi ko at namamasa nga ito. Kaagad na pinunasan ko naman ang luha sa pisngi ko. "Ah, eh, ano kasi...ano napuwing lang ako. Kasi ano... ang lakas ng dampi ng hangin patungo sa mukha ko." "Are you sure?" Tumango lang ako at sumandok pa ng pagkain. "Ah, oo naman," sagot ko sabay tawa. "Ito nga at kumakain pa ako nang husto. Ang sarap ng pagkain dito. Sino'ng nagluto?" tanong ko at masaganang kinakain ang pagkain sa pinggan ko. I tried to be jolly kahit sa totoo lang sobrang pagdaramdam na ang nararamdaman ko sa aking puso. "It was Kearl who cooked the food. Masarap naman talaga siyang mag------" Hindi naman niya naituloy ang sasabihin niya nang ibinuga ko bigla ang kinakain ko. Pakiramdam ko nabilaukan ako nang dahil sa nalaman ko. "Are you okay?" nag-aalalang tanong niya at inabutan ako ng tubig na ininom ko naman agad. Hinaplos naman niya ang likod ko. Tumango nalang ako bilang sagot. "Dahan-dahan lang kasi sa pagkain. Hindi ka naman mauubusan." Namula ang pisngi ko nang dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko tuloy ang takaw-takaw ko sa pagkain. "Ahmmm, ano'ng oras tayo aalis patungo sa Bantigue Island?" tanong ko just to divert the first conversation. "Siguro after two hours ay aalis na tayo dito," sagot niya. Napatango nalang ako. "Sige, ililigpit ko lang 'tong pinagkainan ko," Tumayo na ako at nagtungo sa sink. "Hindi mo inubos ang pagkain mo," puna niya habang naghuhugas ako ng pinagkainan ko. Tinapos ko muna ang ginagawa ko bago humarap sa kanya. "Ah, hindi na. Hindi na kasi ako matutunawan," sagot ko at bahagyang ngumiti. "Ah sige, mauuna na ako sa kwarto at maghahanda pa ako ng gamit ko para mamaya." Tango lang ang naging sagot niya. Tuluyan na akong lumabas ng kusina. Tamang-tama rin dahil nakasalubong ko agad si Kearl na bumabakas ang sobrang kasiyahan sa kanyang mukha. "Hey, Miss Ramirez," nakangiting bati niya. Ano?! Masaya ka ngayon dahil nakapag-usap kayo ng ex-girlfriend mo?! Hindi ko naman siya pinansin at diretso lang ang lakad ko pabalik ng kwarto. Sumunod naman siya sa akin at nang akmang bubuksan ko na 'yong pinto ay bigla niyang hinawakan ang braso ko. "Hey, are you okay? May problema ba?" tanong niya Napairap naman ako. Is he seriously asking me that question? Hinawi ko ang braso kong hawak-hawak niya. Binuksan ko ang pinto at tuluyang pumasok sa loob. Hindi ko na pinansin ang pagsunod niya sa akin at pagsara niya ng pinto. Nagtungo agad ako sa kinaroroonan ng mga damit at namili nang maaari kong suotin para mamaya. "May problema ba tayo? Bakit ayaw mo akong kausapin?" naguguluhang tanong niya. Hindi ko naman siya pinansin. I picked the clothes I think is more comfortable to wear and went to the comfort room. Binuksan ko ang pinto ngunit bago pa ako tuluyang makapasok sa loob ay nahawakan na niya ulit ang braso ko. "Aila, talk to me. Please!" pakiusap niya. Mababakas ang sobrang frustration sa maamong mukha niya. Pansin ko rin ang kalituhan sa mga mata niya. Umirap lang ako at malakas na hinawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Pumasok na ako sa loob ng banyo at padabog na isinara ang pinto, leaving him frustrated. Halos abutin ako ng isang oras sa loob ng banyo dahil nagbabad pa talaga ako sa bathtub. I'm wearing a pink spaghetti-strap na damit at short's short na maong para mamaya. Ipinulupot ko ang tuwalya sa buhok ko bago tuluyang lumabas ng banyo. Akala ko wala na si Kearl doon ngunit pagkalabas ko ay nakita ko siyang nakaupo sa kama. Nag-angat siya ng tingin at agad na bumaling sa akin. His eyes widen when he see me. "Bakit ganyan ang suot mo?" Mababakas ang inis at galit sa boses niya. Hindi ko naman siya pinansin at nilagpasan ko lang siya. Nagtungo ako sa drawer na nasa gilid ng kama kung saan nakalagay ang lotion at pulbo na gagamitin ko. "Halika nga rito!" anito at hinila ako dahilan upang pareho kaming bumagsak sa kama. Napatili naman ako nang dahil sa ginawa niya lalo na't naramdaman kong pumulupot ang braso niya sa bewang ko. "Kearl, ano ba!" inis na sabi ko at hinampas ang braso niya. Isinubsob niya ang mukha niya sa balikat ko. I gasped when I felt his breath on my neck when he started to talk. "Ayoko sa suot mo," parang batang pahayag niya. "Masyadong sexy." "Ano ba Kearl! Bitiwan mo nga ako at mag-aayos pa ako!" bulyaw ko sa kanya. I tried to get away from his grip but he's too strong. "Ang bango mo naman," sambit niya at inamoy-amoy pa ang leeg ko. Nanlaki naman ang mga mata ko. I could feel my body started to feel something... Pakiramdam ko biglang uminit ang loob ng kwarto. "Bitiwan mo sabi ako, eh!" Buong lakas na kinalas ko ang pagkakapulupot niya sa bewang ko at itinulak ko siya palayo sa akin bago ako tuluyang tumayo sa gilid ng kama. Inalis ko ang nagulong tuwalya sa ulo ko. I get the comb at the top of the drawer and started combing my hair. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng t***k nang puso ko. I shivered when I felt his arms embracing my waist. Isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko dahilan upang mapasinghap ako. "Ang sungit mo naman. Naglalambing lang naman ako, eh." The next thing he did was unpredictable. He kissed my neck and sucked the thin skin of it. Nanlaki ang mga mata ko. I was shocked. Mariing napaungol ako nang mas lalo niyang idiniin ang ginagawa. "Kearl!" Naitulak ko siya palayo sa akin nang dahil sa gulat. "Ano?" he asked innocently and look at me. Nanlaki ang mga mata ko nang bumaling ako sa harap ng salamin and I saw a red spot on my neck kung saan niya ako hinalikan kanina. I was shocked in horror. He left a kiss mark on my neck. "Bakit mo ginawa 'to?!" inis na tanong ko. "I told you I don't like your clothes," sagot niya. "Kaya mo nagawa 'to?" naniningkit ang mga matang tanong ko ulit. Hindi naman niya nagawang sumagot. "You're unbelievable!" Pakiramdam ko mas lalong nadagdagan ang inis sa dibdib ko. Hindi ko na minsan maintindihan ang ugali niya. He is too difficult to read. Magugulat ka nalang bigla may ginagawa na siyang hindi mo inaasahan! "Just...just change your clothes, please?" he pleaded. Napapailing nalang ako nang dahil sa inaasta niya. "Ano sa tingin mo ang susuotin ko, Kearl? Maliligo tayo mamaya sa beach! Malamang namang magsuot ako ng pajama at turtle neck na long sleeves doon!" nangangalaiting usal ko. I saw him bit his lower lip. Kaya pakiramdam ko mas lalong nadagdagan ang inis na nararamdaman ko. Naiinis ako kasi nagpapadala ako sa emosyong nararamdaman ko. Naiinis ako kasi alam ko sa sarili ko na isang hawak niya lang...isang halik niya lang, naliliyong na ako dahil pakiramdam ko alam na alam niya kung papaano pasunurin ang katawan ko na hindi ko man lang magawang manlaban. And in the end, I'm finding myself surrendering from his touch. "Will you please stop hugging me kapag tayong dalawa lang? Kapag 'di naman kinakailangan dahil hindi naman natin kailangang magpanggap kapag walang tumitingin." "Ga-galit ka?" nauutal na tanong niya. I could see an unknown emotion on his eyes na hindi ko mabasa dahil agad ding naglaho. I rolled my eyes in frustration. Napaatras naman ako nang lumapit siya sa akin. "Aila, please," he pleaded. "Just...just change your clothes." Napailing naman ako. Babalik na naman ba kami sa ganitong usapan? Sa sobrang inis ko ay nagtungo nalang ako sa lalagyan ng mga damit. I choose a black plain t-shirt. Agad na pumasok ako sa loob ng banyo at isinuot 'yon. Tumingin ako sa salamin ngunit may maliit na portion parin ng kiss mark na lumilitaw. Inayos ko nalang ang t-shirt at tinakpan ng buhok ko ang maliit na markang hindi natakpan. Lumabas na ako ng banyo at hindi siya pinansin. "Aila, sorry na," paghihingi niya nang paumanhin at bahagyang ngumuso na parang bata. Bigla niyang hinila ang braso ko nang akmang bubuksan ko ang pinto palabas ng kwarto. Mariing napamura naman ako sa isip ko. Now what?! I cussed when he pouted his lips. Why does he look so cute everytime he said and does that? "Your sorry won't do any good kasi paulit-ulit mo rin namang ginagawa, Kearl," umiiling na saad ko at akmang bubuksan ko na ulit ang pinto ngunit pinigilan niya ako. He pinned me on the wall. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. "Just... just change your short first. Mag-leggings ka nalang, Aila. Iyong kahit hanggang tuhod lang. Huwag lang 'yan. Ang ikli, eh. Ayaw kong makita nila ang legs mo kasi ako lang dapat." "You selfish brute! Ano bang pinagsasabi mo? Sumusobra ka na, Kearl!" I hissed. I want to punch him but I can't because he pinned both of my arms on the wall. "Ayoko talaga, Aila," saad niya sabay iling. "Ayoko talaga! Ayokong pagnasaan ka nila kasi ako lang dapat ang nagnanasa sa 'yo!" Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung papaano ko nagawang alisin ang pagkakahawak niya sa kaliwang kamay ko at bigla ko nalang siyang sinampal. One thing I know about Kearl is that he is too straight-forward. Wala itong pasubali kung magbitiw ng mga salita. Nakakasakit man 'yon o kahit hindi magandang pakinggan basta't 'yon ang opinion at iniisip niya ay talagang sasabihin niya. "How could you think like that?!" galit na sigaw ko. Yumuko naman siya at mababakas ang sobrang frustration sa mukha niya. "I...I'm sorry," mahinang usal niya. "Just...just change your clothes before you get out, please," he said before he went out of our room. Iniwan akong nakatulala at hindi makapaniwala sa mga nangyari. I did change pagkalabas ko ng kwarto kagaya nang sabi niya. Hinanap ng mga mata ko si Kearl. I saw him talking to Evie sa isang sulok at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nilang dalawa. Fine! Kayo dalawa nalang ang mag-usap. Buwisit! I think all I need to do now is guard my heart away from this pain. - ♡lhorxie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD