Chapter Seven : Want
________________________________________
May mga bagay talaga na gustong gusto natin noon ngunit hindi na ngayon. May mga tao ding hindi natin pinapansin noon pero hinahanap hanap na natin ngayon. Bakit di nalang natin tanungin ang sarili natin.
Is this what we really want?
Freedom and Peace are things we really want in our life. But then dadating at dadating talaga ang araw that we would choose to give up those things that we badly want only for the one that we truly loves.
MAAGA akong pumasok sa opisina ngayong araw. Nagtungo ako sa elevator at pumasok agad sa loob ng bumukas ito. Bahagyang tinignan ko ang buong paligid. I sighed heavily.
What is wrong with you, Aila? I asked myself.
'Diba dapat masaya ka na?
'Diba dapat napaka-energetic mo ngayon?
Dahil atlast, malaya ka na. Hindi ka na guguluhin ng tukmol na 'yon.
Malinaw naman ang usapan niyo, 'diba?
Bakit ka naiinis?
Naiinis lang ako kasi baka bigla nalang siyang sumulpot at hindi tumupad sa usapan kagaya noon. Syimpre, kailangan kong siguraduhin ang lahat bago magdiwang kaya ako ganito.
Oo tama! Kaya ganito ang pakiramdam ko. I will preserve my happiness later kapag sigurado na talaga ako.
"Good morning, Aila," bati ng bestfriend ko pagkarating ko sa office table ko. Tipid na ngiti lang ang iginanti ko.
"Hindi yata umabot hanggang tenga ang ngiti natin ngayon, uh," puna niya. "Hindi ka lang nakapasok kahapon ganyan na ang mukha mo dahil ba hindi mo nasilayan ang kakisigan ng Richard mo?" tukso niya. Nagkibit-balikat lang ako.
Siguro kung noon, kikiligin pa ako nang husto kapag naririnig ko ang pangalan ni Richard pero ngayon ay hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko. I felt empty all of a sudden. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Carla. Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa trabaho ngunit pati trabaho ko ay hindi ko magawa nang tama. Naglulumikot ang isip ko sa isang taong hindi ko naman dapat iniisip. Pakiramdam ko sasabog ang utak ko sa kakatakbo niya sa loob ngayon ng utak ko. Pangalan niya ang nilalaman nito.
Ano ba'ng problema ko? I shoudn't feel this way.
Dapat nagpa-party na ako ngayon kasi wala nang mangugulo sa buhay ko. Wala nang mang-aasar at sisira sa araw ko. Wala nang biglang yayakap at hahalik sa akin nang walang pasabi. At mas lalong wala ng manyak sa buhay ko!
"Hoy, Aila!" biglang pukaw ni Carla sa atensyon ko at pinukol ang notebook sa ulo ko.
Tinignan ko naman siya nang masama.
"Kanina pa kita tinatawag at hindi mo man lang narinig! Parang nakalutang 'yang utak mo sa kawalan, uh. Seriously, ano'ng problema mo?"
"Wala!" iritadong sagot ko. "Ano bang kailangan mo?"
"Pinapatawag ka ni Boss. Ihatid mo raw ang bagong article ng magazine na pinapagawa niya sa 'yo at titignan niya kung okay na," aniya.
Nagpakawala naman ako ng isang malalim na buntong hininga.
"Salamat," saad ko at kinuha ang dokumento sa loob ng drawer ko.
Napapailing nalang si Carla dahil sa inasta ko. Hindi ko nalang 'yon pinansin at tuluyan na akong lumabas ng opisina.
Naghintay akong bumukas ang elevator dahil tutungo ako sa 5th floor kung saan nandoon ang opisina ni Boss. Hindi rin naman nagtagal ay bumukas 'yon.
I felt my heart beats unexpectedly in a faster rythm when I saw the man standing inside the elevator.
Pakiramdam ko tumigil ang pag-ikot ng mundo. I could almost feel butterflies rampaging inside my stomach while looking at his handsome face.
It was Kearl!
How I want to hug him tight right now dahil sa sobrang pagka-miss ko sa kanya kahit kahapon lang ay magkasama kaming dalawa.
"Papasok ka ba o hindi?" he asked coldly that wake me up from my senses. Pumasok naman agad ako sa loob nang makitang muntik nang sumara ang pinto ng elevator.
Abot-abot ang kaba sa dibdib ko nang tuluyang sumara ang pinto. Hindi ko magawang tumingin sa direksyon niya dahil pakiramdam ko nanlalamig ako nang husto.
Kakausapin ko ba siya? Should I say something? Pero ano naman ang sasabihin ko? We have a deal, right? Susundin ba niya 'yon o hindi?
I know Kearl often used to lie. Susundin na ba niya ngayon ang kasunduan namin?
I heard the elevator opened. Bahagyang sumikip ang dibdib ko nang nauna na siyang lumabas na hindi man lang ako pinapansin. Pakiramdam ko may kung anong bumundol sa loob ng dibdib ko.
This is what I really want, right?
My freedom and peace of mind...
Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
Bakit...bakit hindi ako masaya? Bakit ang sakit? Bakit parang ayaw ko nito?
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga at pilit na pinakalma ang sarili.
Alright! Wala lang 'to, Aila. Siguro ay naninibago kalang.
Oo tama! Naninibago kalang kaya ganoon.
Nang makarating ako sa floor ng opisina ni Boss ay diretso lang ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa harap ng pintuan niya. Kumatok ako ng dalawang beses bago tuluyang pumasok sa loob.
And I saw him again, sitting comfortably on the chair while talking to my boss.
Mukhang naudlot ang pag-uusap nilang dalawa nang pumasok ako.
"Excuse me, Sir. Inihatid ko po ang article na pinagawa niyo para sa bagong issue ng magazine," pahayag ko at ipinakita sa kanya ang dokumento.
"Ilagay mo nalang dito sa table ko, Aila," nakangiting sabi ng Boss ko.
Bumaling ang tingin ko kay Kearl ngunit hindi manlang niya akong nagawang tignan. Nakaramdam naman ako nang kirot sa dibdib ko.
"Sige, aalis na po ako," paalam ko nang mailapag ko na ang dokumento sa table ni Boss.
Nakangiting tumango lang sa akin si Boss. I nodded also as response before I went out of the office.
Nang makarating ako sa office table ko ay walang lakas na umupo ako sa upuan ko dahil pakiramdam ko nanghihina ako.
"What's with the face?" nakakunot noong tanong ni Carla nang makita ako. "Pinagalitan ka ni Boss?"
Umiling naman ako.
I can feel a heavy weight inside my chest. I felt empty and lost at the same time.
"Carla, alam mo ba 'yong feeling na kapag nakikita mo ang isang tao ay bigla nalang bumibilis ang t***k ng puso mo? Tapos...tapos parang may paru-parong nagliliparan sa loob ng tiyan mo?" tanong ko.
Kumunot naman ang noo niya.
"Ano ka, teh? Alien?"
"Hindi!" inis na ani ko. "Basta! Tapos ano...galit ka pa doon sa tao dahil palagi ka niyang inaasar, kinukulit at pinapaikot. Gusto mong magkaroon ng peace of mind na siya ring nangyari. Hindi ka na niya ulit kinukulit. Hindi ka na niya pinapansin. Pero, bakit ganoon? Bakit parang 'di ka masaya?"
"Sino ba kasi ang lalaking tinutukoy mo? Si Richard ba?"
"Hindi!" agad na sagot ko. "Kasi...kasi nagtatanong ang kaibigan ko sa 'kin. Oo! Iyong kaibigan ko ang siyang nagpapatanong. Kasi ano, 'diba? Ganoon 'yon. Sa tingin mo, ano'ng nangyayari sa kanya? Bakit ganoon nalang ang nararamdaman niya?" natatarantang dugtong ko.
Napaisip naman siya at pilit na ina-analyze ang sitwasyon sa sinabi ko.
"Siguro gusto ng kaibigan mo 'yong lalaki," sagot niya.
"Ha?" Pakiramdam ko parang may bombang sumabog sa ulo ko. "Eh, ano?! Paano kung may ibang gusto na ang kaibigan ko?"
"Bakit? Iyon parin ba ang nararamdaman ng kaibigan mo sa nauna niyang nagustuhang lalaki?"
Pilit kong kinakapa ang sariling damdamin. Ganoon parin ba ang nararamdam ko kay Richard? Katulad noon? Kinikilig parin ba ako katulad noon?
"Ito, tatanungin kita," biglang saad niya. Napatingin naman ako sa kanya. "Kumikirot ba ang dibdib ng kaibigan mo sa tuwing nagkikita sila ni guy at hindi siya pinapansin?"
"Oo!" agarang sagot ko.
"Hindi ba siya mawala-wala sa isip ng kaibigan mo?"
"Oo!"
I can't even forget Kearl in a second.
"Namimiss niya ba ang pangungulit ng guy na 'yon sa kanya?"
Pilit kung kinakapa ang damdamin ko. Namimiss ko ba siya? Namimiss ko ba ang pangungulit niya sa akin?
"O-oo," nahihiyang sagot ko at marahang kinagat ang pang-ibabang labi ko.
"Ito ang pinakamatindi, sa tuwing may kasamang ibang babae si guy nasasaktan ba si girl o naiinis?"
"Oo!" agarang sagot ko dahil 'yon naman talaga ang nararamdaman ko.
"Then your friend must really be inlove with that guy," she concluded.
"No!" I exclaimed. "Hindi ako inlove sa lalaking sinungaling na 'yon! Si Richard ang gusto ko!"
"Ano'ng sinabi mo?" biglang tanong ni Carla. Namula naman ang magkabilang pisngi ko.
"Wa-wala..." sambit ko at binalingan nalang ulit ang mga papeles na nasa ibabaw ng mesa ko.
No! I am not inlove with him.
Hindi pwede!
Papaano akong maiinlove sa kanya ni hindi man lang sumagi sa isip ko na mamahalin ko siya?
No, hindi talaga pwede!
Baka nagkakamali lang si Carla.
MABILISAN ang pagliligpit na ginagawa ko sa mga gamit ko. Maaga ako ngayong uuwi dahil tumawag kanina sa akin si Kuya Kean na may dadaluhan daw kaming business party. He wants me to be his date on that party. Tinutukso ko nga siya kung bakit hindi nalang si Carla na bestfriend ko ang yayain niya at ayun mukhang napikon dahil minura niya ako.
"Nagmamadali ka yata?" biglang tanong ni Carla.
Bumaling naman ako sa kanya.
"May pupuntahan pa kasi ako, eh. Sige, una na ako sa iyo," pagpapaalam ko.
Tumango lang siya bilang sagot kaya umalis narin ako. Nagpaalam na ako kay Boss at mabuti nalang dahil pinayagan niya akong mag-out ng maaga. Binilisan ko ang lakad ko dahil naghihintay ngayon si Kuya Kean sa labas ng building namin. Tuloy-tuloy lang ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa elevator.
"Aila."
Napatigil naman ako nang biglang may tumawag sa akin. Nilingon ko kung sino 'yon and I saw Richard running towards my direction.
"Bakit?" tanong ko. Hinihingal pa ito nang makarating sa kinaroroonan ko.
"Gusto ko sanang yayain kang mag-dinner mamaya kung okay lang?" nakangiting tanong niya.
Pilit kong kinakapa ang damdamin ko kung ganito parin ba ang nararamdaman ko.
I guess I already know the answer.
"Bukas nalang siguro, Richard. May lakad kasi kami ni Kuya ngayon at hinihintay niya ako sa baba."
"Ganoon ba. Sige, mag-ingat ka," saad niya.
Bahagyang ngumiti lang ako sa kanya at kinawayan ko pa siya bilang pamamaalam bago ako tuluyang pumasok sa loob ng kabubukas na elevator.
I let out a heavy sigh. Still I need to talk to him tomorrow. Siguro, kapag nag-date ulit kami ni Richard ay mawawala na 'tong nararamdaman ko kay Kearl at babalik ang nararamdaman ko para kay Richard.
DUMAAN muna kami ni Kuya Kean sa isang boutique dahil bumili ako ng isang formal dress na susuotin para mamaya. Dumaan din kami sa parlor upang ipaayos ang buhok at make-up ko. Mga ilang oras din ang ginugol namin para lang matapos ako. Naririnig ko pa nga si Kuya na nag-rereklamo dahil sa matagal na pagpili ko ng damit at sapatos na susuotin habang nasa boutique kami ngunit tinatawanan ko nalang ang pagdadabog niya at mga reklamo.
Well, he can't blaim me. It takes time to choose a perfect dress. Binilisan ko na ngalang ang pagpili.
Pumasok kami sa isang magarang hotel habang nakapulupot ang kamay ko sa braso ni Kuya Kean. Hindi ko na napigilang mamangha lalo na't sobrang laki ng hotel na pinuntahan namin. The design is not just ordinary but extraordinary at halatang mamahalin ang mga kagamitang nandito sa loob.
"Grabeh, humihiga ba sa bilyong-bilyong pera ang may-ari ng hotel na 'to, Kuya?" hindi makapaniwalang tanong ko. I heard my brother chuckled.
"It's the Montenegro you're talking about, my dear. Normal lang sa kanilang magkaroon ng ganitong klaseng negosyo. Del Rio Hotel is one of the leading hotels in Asia."
"Mo-montenegro, Kuya?"
Ngumiti naman siya at marahang tumango.
Si Kearl ay isang Montenegro. Ibig bang sabihin, sila ang may-ari ng Hotel na 'to?
"Kearl family owns this place," he informed.
Napamura naman ako sa isip ko. Alam kong mayaman sina Kearl. But I didn't know that he is this filthy rich! Pakiramdam ko tuloy ay nanliliit ako sa sarili ko.
Nagtungo kami ni Kuya Kean sa gitna ng hotel at may naaaninaw akong dalawang medyo may katandaan ng magkapareha kung saan kami tutungo.
"Kean, hijo. Mabuti naman at nakarating kayo," biglang sabi ng babae.
The woman looks really beautiful despite of her age. Ngumiti lang si Kuya bilang pagbati.
"Aila, I want you to meet Don Alvaro Montenegro, my bestfriend Kearl Anthony Montenegro's father," pakilala niya.
Pakiramdam ko nanigas ako sa kinatatayuan ko.
This is Kearl's parents.
Ngumiti sa akin ang Don.
"And this is Doña Isabelle Montenegro, his wife and Kearl's mother," dugtong ng kapatid ko.
"Go-good evening po," nahihiyang bati ko.
Pakiramdam ko may kung anong bumabara sa lalamunan ko ngayon.
"Oh gosh, you're Aila?" biglang bulalas ng Doña at bigla niya akong niyakap. "Kean were always telling me about you."
"Belle!" biglang saway ni Don Alvaro sa asawa niya.
I just heard Doña Isabelle giggled.
"Si...si Kuya Kean po?" naguguluhang tanong ko.
Napatingin naman ako kay Kuya at ngumiti lang siya sa akin.
"Nope, my son. Pasensya ka na at nalilito ka pa tuloy. Sa bahay kasi Kean talaga ang tawag namin kay Kearl."
Namula ng husto ang pisngi ko dahil sa nalaman. Ano naman kaya ang kinukuwento ni Kearl sa kanyang Mama tungkol sa akin? Baka puro kahihiyan ko 'yon.
"Maiwan na muna namin kayo at sasalubungin pa namin ang ibang mga bisita," nakangiting saad ni Don Alvaro.
"Sure po, Tito," sagot ng kapatid ko.
Bumaling naman si Doña Isabelle sa akin.
"I hope we'll see each other again, Aila. You know, talk some other things," nakangiting sabi ni Doña Isabelle at humalik sa pisngi ko bago sila tuluyang umalis.
SA GITNA ng kasagsagan ng party ay hindi ko na napigilang mapatingin sa magkaparehang kababago lang pumasok sa loob ng hotel. All eyes of the people inside here were on them. Pakiramdam ko may kung anong kirot na namutawi sa dibdib ko habang nakatingin sa kanila.
It was Kearl and Evie.
They really look good together while Evie's circling his right hand around Kearl's arm. They were both smiling while walking inside this hall. And when Kearl's eyes met mine, his smile suddenly fade then he turn again to another direction.
Parang pinipiga ang puso ko nang dahil doon. I felt so numb at this moment and all I could do was follow my eyes on them.
Nagkabalikan na ba silang dalawa?
Masakit sa mata. Iyon lang ang masasabi ko.
"Are you okay?" biglang tanong ni Kuya Kean. Bumaling naman ang tingin ko sa kanya. And I heard him sigh.
Am I okay?
I know I'm not because deep inside me I know I'm hurting too much.
"Aila," he called me again.
He touched my cheeks and wiped something on it. Nanlaki naman ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano iyon.
It was my tears, my own tears.
Hindi ko man lang namamalayan na bumabagsak na pala sa mga mata ko.
"Why don't you go and get him?"
"Ku-kuya..." nauutal na sabi ko.
I look at him puzzled.
May alam ba siyang hindi ko alam?
Hinaplos naman niya ang pisngi ko at marahang ngumiti.
"I know you already felt something for him, Aila. Go and get your man, dear," udyok niya at marahang itinulak pa ako palayo.
Hindi ko alam kung bakit pero nakita ko nalang ang sarili kong naglalakad patungo sa kinaroroonan ng dalawa.
Gosh, Oo na! Aaminin ko na sa sarili ko na mahal ko na si Kearl. Mahal na mahal ko na ang lalaking sinungaling na 'yon. Kahit wala na siyang ibang ginawa kundi inisin ako nang husto.
I love him.
I love him for being a liar and a tease.
I love him for being a perv.
And I love all about him!
Ngunit nang makarating ako sa gitna ay napatigil ako bigla lalo na't nakita kong ipinakilala ni Kearl ang babae sa mga magulang niya.
And then, realization hit me. I don't have the rights to stop him. I don't have the rights to do so. Kasi hindi naman niya ako girlfriend.
What we have is just a sweetest lie.
A sweetest lie to get his woman back in his life...
At isa lamang akong kasangkapan doon.
Umatras ang mga paa ko at hindi ko namamalayan na may nakabangga na pala ako dahilan upang matumba ako. Namula ang pisngi ko nang makitang nakatingin sa akin ang lahat ng tao. Tinulungan naman ako nang nakabangga sa akin upang makatayo ako mula sa pagkakaupo.
"Jayson!" gulat na bulalas ko nang makita ang lalaking nabangga ko. Nanlaki rin ang mga mata niya nang makita ako.
"Aila, what are you doing here?" tanong niya.
Napatingin naman ako sa mga taong nasa paligid namin at nakita kong nakatingin parin silang lahat sa akin. Dumako ang tingin ko sa kinaroroonan nina Kearl at nakatingin din siya sa amin. Namula ang pisngi ko dahil sa kahihiyan.
"Sa...sa labas nalang tayo mag-usap," saad ko at biglang hinila ang kamay niya palayo doon sa venue.
Lakad-takbo na ang ginawa ko upang makaalis lang sa lugar na 'yon.
"I...I'm sorry, nadamay ka pa sa kahihiyan ko," saad ko nang tuluyan kaming nakalabas ng hotel. Binitiwan ko naman agad ang kamay niya.
"Aila, are you okay? Ba-bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong niya sa akin. Kaagad na pinunasan ko naman ang luhang pumatak sa pisngi ko.
"Ahmm, ano...oo, okay lang ako. Sige, uuwi na ako."
Akmang aalis na ako ngunit pinigilan niya ang braso ko.
"Wait!" biglang saad niya.
Napalingon naman ako sa gawi niya.
"Ba-bakit?" I asked him.
"Ihahatid na kita. Gabi narin kasi."
Umiling naman ako sa sinabi niya.
"Hindi na, Jayson. May taxi naman sa labas, eh."
Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya and then I walk away. Kinuha ko naman ang cellphone ko and I texted Kuya Kean na uuwi nalang ako at magta-taxi. Gusto ko munang mapag-isa ngayon at itago sa lahat ang kabiguang nararamdaman ko.
Iginala ko ang tingin ko sa buong paligid. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. Ang layo pa pala nang lalakarin ko bago ako tuluyang makalabas sa main road kung saan may mga taxi na dumadaan.
Naman! Hindi rin uso ang taxi dito, eh. Panigurado puro bigtime ang nag-che-check-in sa hotel na 'to kaya 'di uso ang taxi sa loob.
Nakakainis! Buwisit namang buhay 'to, oh!
Bakit kailangan ko pang makaramdam nang ganito?
Kung bakit naman kasi ngayon ko pa na-realize kung gaano ako ka-apektado sa kanya.
Sana man lang nasabihan ko 'tong lintik na puso ko na huwag tumibok para sa kanya.
Bakit sa kanya pa?
Bakit doon pa sa lalaking kahit kailan ay hindi man lang sumagi sa isipan ko na mamahalin ko.
Buwisit naman, eh!
Pinalis ko ang luhang pumapatak sa pisngi ko. Mas lalong kumikirot ang dibdib ko sa tuwing iniisip 'yon. Hanggang sa hindi ko na napigilan at bumuhos na talaga ang mga luha ko. Kasabay din nun ang pagbuhos nang malakas na ulan.
Nanghihinang napaupo ako sa gilid ng kalsada at pakiramdam ko kahit ilang dangkal nalang ang layo ng main road sa kinatatayuan ko ay hindi ko pa magawang lakarin ang maliit na distansya patungo roon. Napapatingin nalang ako sa mga sasakyang dumadaan patungo sa hotel.
Look how miserable you are right now, Aila. You really look so stupid. You're too damn wet and you're crying in this kind of place while the rain is pouring so badly.
Wow naman! Pati ba naman ulan ay nakikisama rin sa pighating nararamdaman mo.
Hindi 'to bagay sayo, Aila.
You're a strong person. You are too damn strong!
Naisubsob ko ang mga palad ko sa aking mga mata at umiyak nang husto.
Sige, makiramay lang kayo sa kamiserablehan ko ngayon. Tutal kinakailangan ko naman talaga ng karamay.
Ngunit hindi nagtagal ay napaangat din ako ng tingin nang maramdamang hindi na ako nababasa ng ulan.
I looked up and my eyes widen when I saw the man which I truly, madly and deeply inlove with standing infront of me, looking at me while holding an umbrella.
Sadyang kumirot ang dibdib ko pagkakita sa kanya.
This man standing right in front of me doesn't have the heart to love me the way I want him too.
'Di bale, makakalimutan mo rin siya.
Mawawala rin 'tong sakit na nararamdaman mo.
"A-anong ginagawa mo rito? Hindi pa tapos ang party, 'diba?" tanong ko.
Thank God because it's raining dahil hindi nito mismo mapapansin na umiiyak ako ngayon.
"'Diba dapat ako ang magtanong niyan sayo, Aila! What do you think you're doing here?!" nangangalaiting tanong niya.
Napatawa naman ako sabay iyak.
I can't believe I'm doing it at the same time.
Baliw na yata ako. Ako lang 'yong tumatawa na umiiyak nang husto.
"Uuwi na ako," I said. "Wala palang taxi dito at nakakapagod maglakad patungo sa main road kaya nagpahinga muna ako. Bigla namang bumuhos ang malakas na ulan. Nakakatawa nga, eh."
You're such a big liar, Aila!
Nang dahil sa lalaking 'yan ay natutuhan muna ring magsinungaling.
"Get inside the car," utos niya. "Babalik tayo ng Hotel. You need to change!"
Umiling naman ako nang dahil doon at pinilit kong tumayo. I tried my best to smile on him kahit kumikirot nang husto ang dibdib ko.
"Hindi na. Uuwi narin naman ako, eh. Atsaka, malapit na naman ako sa main road paniguradong may taxi na do'n."
Aalis na sana ako at tatalikuran siya ngunit hinigit niya ang braso ko.
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?! I said get inside the car now!" inis na ani niya at hinila ako.
Pinigilan ko naman ang kamay niya sa paghila sa akin.
"Huwag na, Kearl. Baka hinahanap ka na doon ni Evie. Hindi mo siya dapat iniwan do'n," saad ko at kinalas ang pagkakahawak niya sa akin. "Kaya ko naman ang sarili ko."
"Aila!" he said frustratedly.
Ngumiti naman ako sa kanya.
"We have a contract, Kearl. And I hope this time tutuparin mo 'yon," nanghihinang usal ko. His eyes widen and for the last time I smiled to him genuinely.
Tinalikuran ko siya at naglakad ako palayo sa kinaroroonan niya.
Leaving my heart to that man and bringing this pain inside my chest.
Walang ibang dapat na sisihin kundi ang sarili ko.
I was weak enough to hold my emotion, my feelings.
Hindi naman niya ako pinilit na mahalin siya. Kusang minahal lang talaga siya nito.
Maybe, his mere existence shattered my want of freedom and peace but then being with him let me feel the most wonderful feelings I never thought I would ever feel.
Panggulo man ang dulot niya sa buhay ko. Atleast, doon ko mismo nalaman kung ano ang tunay na pag-ibig.
Napasinghap ako nang biglang may malakas na humila sa braso ko and the next thing I knew I was being wrapped by a familiar body.
Mariing ipinikit ko ang mga mata ko nang isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko. Naramdaman kong mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. I can feel my heart palpitating in unwanted beat when I hear him say something into my ears.
"Forget that damn contract and be with me!"
-
♡lhorxie