Chapter Eight

2892 Words
Chapter Eight: Away From Pain _________________________________________ Love is like soul searching. Your searching for your better half. You encounter a lot of flaws and mistakes in choosing. But what's important is that in the end you catch the right one for you. Ang pag ibig ay katulad din sa paglalaro sa apoy. Kapag hindi tayo nag ingat, it can hurt us and what worst is that it can burn us totally.  IPINULUPOT ko ang tuwalya sa buhok ko pagkalabas ko ng banyo. Pinamulahan ako ng pisngi nang makita si Kearl na kampanteng nakaupo sa kama dito sa loob ng hotel room at mukhang katatapos lang din niyang maligo sa kabilang kwarto. Kaagad na nag-iwas naman ako ng tingin. Hindi ko kasi alam kung ano'ng gagawin ko o sasabihin. "Nagpahatid ako nang mainit na soup sa attendant para sayo. Okay ka na ba?" he asked. "Oo... O-okay na 'ko. Maraming salamat." sagot ko. Nahihiya ako sa kanya kasi nagpa-deliver pa siya ng mga damit na susuotin namin dahil basang-basa kaming dalawa sa ulan. Mabuti na ngalang at may isa pang daanan patungo sa mga rooms dito sa hotel at hindi na kami nakaabala sa mga taong nasa party. "Come here," mariing utos niya at tinapik ang kama sa tabi nito. Pakiramdam ko nanigas ang buong katawan ko nang dahil doon. I heard him sigh. Ganoon nalang kalakas ang t***k ng puso ko nang bigla siyang tumayo at naglakad patungo sa kinaroroonan ko. Siya na mismo ang humila sa akin upang makaupo kaming dalawa sa kama. Parang sunod-sunuran naman ako sa gusto niya. "Aila," he called my name as if it was his dead end already. Nag-iwas naman agad ako ng tingin sa kanya. "Look at me, please," he pleaded at pinaharap ako sa kanya. I bit my lower lip when I saw his deep brown eyes. I was astonished looking those expressive yet playful brown eyes of his. Pakiramdam ko masyado na akong nalulunod. Pakiramdam ko hindi na ako makakaahon. "About what I said earlier-----" "Hi-hindi, o-okay lang. A-alam ko namang hindi mo 'yon sinasadya," putol ko sa sasabihin niya. Kumikirot ang dibdib ko sa tuwing naiisip 'yon. "I'm serious about those things, Aila," seryosong sabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko. Ramdam na ramdam ko na naman ang napakalakas na t***k ng puso ko lalo na't hinaplos niya ang pisngi ko. "Let's end that contract." Pakiramdam ko may kung anong mabigat na bagay na kumawala sa dibdib ko nang marinig ang sinabi niya dahil 'yon din ang gusto ko. Na sana mapawalang bisa nalang 'yon... Na sana huwag nalang niyang sundin 'yon.. "Totoo ang mga sinabi ko. Hindi ko na kayang magtiis na hindi ka nakakasama kahit 'yon ang gustong-gusto ko. Ayokong umakto na hindi kita kilala sa tuwing nagkikita tayo at hinding-hindi ko kayang gawin na hindi ka man lang kausapin kapag nagkakaharap tayo," he said almost in wanton. "Because I can't bear the thought that I can almost see you but I can't hold you, Aila." "A-anong ibig mong sabihin?" nauutal na tanong ko. I can't explain this mixed emotions I'm feeling right now while hearing those things from him. "I love you," he said deeply that makes me almost catch my breath. Napaawang ang mga labi ko at pakiramdam ko naging blanko ang isipan ko dahilan upang hindi ako makapagsalita ng kahit ano. "I love you, Aila! I really do!" he shouted that almost made me cry. Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang kabilis pumatak ang mga luha ko nang marinig ang bagay na 'yon. Pakiramdam ko mabibingi ako. "That's the reason why I'm always like this to you! Hindi mo man lang ba nararamdaman 'yon?" "A-ano bang pinagsasabi mo? Pa-paano si Evie?" naguguluhang tanong ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang luha sa pisngi ko. "Forget her dahil wala na siyang kinalaman sa nararamdaman ko at kung iniisip mong nagsisinungaling na naman ako, Aila. No, I'm not! Because what's true about me is what I felt for you." Hindi ko naman nagawang umimik. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I never expected this to happen. Oo, pinangarap ko. Pero kapag nagkatotoo pala ay magiging speechless ka at bigla nalang uusbong ang takot sa dibdib mo. Takot at pag-aalinlangan na baka hindi totoo. It's too fast na parang hindi kapani-paniwala. Hinawakan niya ang kamay ko at mariing tinitigan ako. "Alam kong mahirap paniwalaan but I'm willing to prove na totoo 'tong nararamdaman ko sa 'yo, Aila. Just give me a chance. I want to court you properly." "Ku-kung totoo 'yang sinasabi mo, ba-bakit ngayon mo lang sinabi? Ba-bakit hindi noon?" I asked him. I heard him let out a heavy sigh. "You were too preoccupied. Nanliligaw sa 'yo si Richard at alam kong hindi mo ako papansinin noon. That's why I've done those things from you before. Ngayon lang ako naglakas loob dahil alam kong malaki na ngayon ang pag-asa ko sayo," he smiled and winked at me lovingly. Nanlaki naman ang mga mata ko. "A-ano?! A-ang yabang mo, uh!" namumulang saad ko at hinampas ang balikat niya. I heard him laugh. He pulled me closer to him just to hug me. Iba rin talaga kung mag-isip ang isang 'to. Ganoon na ba ako ka transparent para sabihin niya 'yon? "I don't know how to court but I'm willing to do it just for you. I'll wait because I don't want to rush you." I close my eyes when he pulled away. He lifted my chin and gave me a soft kiss on my lips. "Hindi ka nagmamadali pero nanghahalik ka na agad!" I exclaimed and gave him a glare. I heard him laugh and gave me a quick kiss again. Hinampas ko naman ang braso niya. "You can't blaim me. I miss your sweet lips, Ms. Ramirez," natatawang sambit niya na ikinapula ng mukha ko. I rolled my eyes on him. "Ang sabihin mo masyado ka talagang manyak-------Kearl, ano ba!" inis na reklamo ko nang bigla niya akong hinila pahiga sa kama at dinaganan. Hinampas ko naman ang balikat niya. "Do you want to know how perv I am, Ms. Ramirez?" Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. He smirked and try to pressed his body against mine and...and I can almost feel him... "Tumigil ka nga!" namumulang sambit ko at itinulak siya palayo sa akin. Bumalikwas ako nang bangon at narinig ko pa siyang tumawa kaya nag-iwas naman agad ako ng tingin. Parang kamatis na sa sobrang pula ang magkabilang pisngi ko. "Kearl!" gulat na bulalas ko nang hinila niya ako ulit pahiga. He wrapped his arms around my waist and hugged me too tight. Napatingin naman ako sa mga mata niya. "Why can't you call me Kean instead?" he asked huskily. Nakagat ko naman ang pang-ibabang labi ko. Bakit nga ba hindi ko siya matawag-tawag na Kean? I guess it's all because of what happened the first time we meet each other. "Be-because that's your real name,"nauutal na sagot ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang ang kaba sa dibdib ko habang nakatingin na naman ako sa mga mata niya. "You're just like your brother, Aila. Kearl din ang tawag niya sa akin but I already know his reason. Your reason is unacceptable but since I love you, I'll let you call me that way," mahinang bulong niya sa tenga ko. Mas lalo pa niya akong niyakap at isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko. I gasped when he plant some kisses on my neck. "Dito na tayo matulog," he said huskily. Nanlaki naman ang mga mata ko at marahang napalunok. "Pero Kearl----" "Please," he pleaded and kissed my neck again. "I'll be a good boy. I promise, Aila." Nagpakawala naman ako ng isang malalim na buntong hininga. I guess, I have no choice after all kasi alam kong hindi na naman ako makakahindi sa makulit na lalaking 'to. "O-okay." INABOT ko 'yong flat shoes na susuotin ko sa trabaho na nasa ilalim ng kama. Natatarantang isinuot ko ito nang makarinig ako nang katok mula sa pinto. "Aila, bilisan mo na riyan dahil nandito na si Kearl sa labas!" rinig kong sigaw ni Kuya mula sa labas ng kwarto ko. "'Andiyan na, Kuya!" I shouted back. Kinuha ko ang bag ko at agad na nagtungo sa pinto upang buksan iyon. Bumungad agad sa harap ko si Kuya Kean na tinignan ako mula ulo hanggang paa. Namula naman ang pisngi ko dahil sa ginawa niya. Hindi naman siya umimik at tinalikuran lang ako. Naglakad naman ako patungo sa sala at agad na nakita ko si Kearl na kampanteng nakaupo sa sofa. Si Kuya Kean naman ay dumiretso sa kusina. "Go-good morning," nahihiyang bati ko. Bumaling naman sa akin si Kearl at tumayo agad siya pagkakita sa akin. "Good morning, Ms. Ramirez," he said smiling. Namula naman ulit ang pisngi ko dahil hindi pa ako masyadong sanay sa sitwasyon namin. "Shall we?" Marahang tango lang ang naging sagot ko sa kanya. Ibinaling ko muna ang tingin ko sa kusina. "Kuya, aalis na po kami!" sigaw ko kay Kuya na nasa loob. "Okay, ingat!" sigaw niya pabalik. Namula ang pisngi ko when Kearl pulled me closer to him and put his arm on my shoulder. Araw-araw ganito ang routine naming dalawa, palagi niya akong sinusundo sa bahay upang ihatid sa trabaho. Although, minsan naiilang at nahihiya talaga ako. And I still need to talk to Richard and clarify everything to him. Hindi pa kasi kami nakakapag-usap dahil hindi ko siya matiyempuhan, mukhang busy siya ngayon. Hindi pa kami ni Kearl. Hindi ko pa siya sinasagot. I want to settle everything first at gusto ko rin munang maka-siguro na hindi lang laro-laro ito. Mahal ko si Kearl at ayaw kong magpadalos-dalos sa magiging desisyon ko. "Let's have dinner tonight after your work," he said habang papalabas kami ng condominium building. I bit my lower lip. I already had plans for tonight at 'yon ay kausapin si Richard tungkol sa desisyon ko. "Ahmmm, pwede bang sa susunod nalang? At huwag mo narin pala akong sunduin mamaya." Nakita ko ang pagnguso niya nang dahil sa sinabi ko. "Why?" bakas ang pagtatampo sa boses niya. I let out a heavy sigh. "Plano ko sanang makipagkita kay Richard. I... I want to talk to him about something..." I answered him truthfully. I felt him tensed kaya kinabahan ako bigla. "Can I come?" he asked bluntly. "Kearl naman!" I protested. Bumaling agad ang tingin niya sa akin. "Okay, I understand," malamig na sabi niya. Napalabi naman ako. Hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya ay hindi parin siya umiimik. Galit ba siya? Bakit hindi man lang siya nagsasalita? Pinanatili ko nalang na nakatikom ang bibig ko hanggang sa makarating kami sa harap ng building na pinagtratrabahuhan ko. Pero sa huli hindi parin ako nakatiis. "Kearl..." I called him when he's about to open the door of his car. Lumingon naman siya sa akin. "Ga-galit ka ba?" I asked him. I heard him sigh and he cupped both of my cheeks. "I'm not mad, Aila. I understand that you need to settle things from him." Hinawi niya ang buhok na bahagyang tumabing sa mukha ko. "Pero kapag naging tayo na, Aila, kahit titig o ngiti mo ay ipagdadamot ko sa mga lalaking pag-uukulan mo nang pansin. Madamot ako, ayokong nagsha-share dahil gusto ko sa akin lang lahat ng 'yon." Nanlaki naman ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. Kahit ngiti hindi pwede? He smiled to me and kissed my temple. He went out from the car at pinagbuksan niya ako ng pinto. Nakatulalang lumabas naman ako, hindi pa rin nakaka-move-on sa mga sinabi niya hanggang sa naramdaman ko nalang ang pag-akbay niya sa akin at paggiya sa loob ng building. "Did I startled you?" marahang bulong niya sa tenga ko. Umiling naman ako. I'm not startled. Actually I'm just shock, shock how possessive can he be. "Actually, nagtataka nga ako noon kung bakit ganoon nalang ka seloso ang mga Kuya ko sa asawa nila. Kahit hawak ay ayaw nilang ipahawak sila sa iba kahit malapit pa sa kanila ang mga 'yon. Now I know why because when you love someone you tend to become selfish. You want there attention only for you. And I want that too, Aila." Namula naman ang pisngi ko nang dahil sa sinabi niya. I heard him chuckled kaya napairap nalang ako. Hindi ko man maintindihan ang ibig niyang sabihin. Still, I can't help but to feel happy everytime he says things like that on me. Pakiramdam ko kasi napaka-special ko talaga para sa kanya. "Aila!" called a baritone voice. Pareho naman kaming natigilan ni Kearl. I look back and my eyes widen when I saw who it was. "Jayson!" gulat na bulalas ko. I heard Kearl cussed in an instant and pulled me away. "Let's go, Aila," mariing saad niya at hinila ako palayo kay Jayson. Nangunot naman ang noo ko sa inasta niya. "Teka lang, Aila! May sasabihin pa 'ko sayo. Importante!" sigaw ni Jayson. Kaya napalingon naman ako sa gawi niya. "Kearl teka lan---" "I said let's go!" galit na sigaw niya na ikananlaki ng mga mata ko. He never shouted like that and he looked so frustrated right now. Frustrated on what? "Aila, huwag kang sumama sa manlolokong 'yan!" sigaw ulit ni Jayson at pilit paring humahabol sa 'min. Nangunot na talaga ang noo ko at binalingan ko si Kearl. Hinila ko palayo ang braso ko sa kanya dahilan upang mapatigil siya. His eyes widen while looking at me. Bakit pakiramdam ko may tinatago siya sa akin na ayaw niyang malaman ko kaya siya umiiwas. "Aila!" hinihingal na tawag ni Jayson nang makarating siya sa kinaroroonan namin. Matalim na tingin ang ipinukol nito kay Kearl. "A-ano bang sasabihin mo, Jayson?" tanong ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang itinulak ni Kearl si Jayson nang akmang hahawakan nito ang kamay ko. "Umalis ka na nga rito!" galit na bulyaw ni Kearl kay Jayson. Binigyan naman nang naghahamong tingin ni Jayson si Kearl. "Ano, ha?! Natatakot ka? Natatakot kang malaman ni Aila ang mga kabalastugang ginawa mo!" "Tumigil ka na, gago!" galit na bulyaw ni Kearl. Napatili ako nang bigla siyang sinuntok ni Kearl sa mukha dahilan upang mapahandusay siya sa sahig. "Kearl!" gulat na bulalas ko at hinila ko siya palayo nang akmang susunggaban na naman niya ito ng suntok. "Let's go!" mariing saad niya at hinila ako palayo. But then, I stopped when I heard Jayson say something. "Aila, huwag kang magpapaniwala sa lalaking 'yan dahil niloloko ka lang niya. Hindi totoong mahal ka niya. I heard them! Narinig ko silang nag-uusap ng Kuya Kean mo. Nilalapitan ka lang niya dahil sa pakiusap ng Kuya mo sa kanya na ilayo ka kay Richard!" I pulled away from Kearl's grip when I heard that. I looked at him. Nakaramdam ako ng kirot nang bumadha ang guilt sa mukha ni Kearl. Hindi pa man ako nagtatanong kitang-kita ko na sa reaksyon niya ang kasagutan. But still, I'm hoping, hoping na sana hindi totoo ang mga sinabi ni Jayson, na nagkakamali lang siya. "To-totoo ba?" tanong ko. He didn't answer kaya mas lalong kumirot ang puso ko. "Totoo ba ang sinasabi niya?!" I shouted. He looked away and said the words that made my heart crush into pieces. "I'm... I'm sorry," he said guiltily. Hindi ko na napigilan ang pagdapo ng palad ko sa pisngi niya at ginawaran ko siya ng isang malakas na sampal kasabay ng pagpatak ng luha sa mga pisngi ko. I walked away from them. Pinunasan ko ang luhang pumapatak mula sa mga mata ko. Sobrang sakit ng dibdib ko. Pakiramdam ko hindi ako makahinga ng maayos. "Aila, wait!" pigil niya at hinawakan ang braso ko na agad ko namang inilayo. "Don't touch me!" galit na bulyaw ko. Akmang hahawakan niya ako ulit, binulyawan ko siya. "Don't ever dare to touch me!" Pakiramdam ko sa magkahalong galit at sakit na nararamdaman ko, lahat ng taong magtatangkang hawakan ako ay mapagbubuntunan ko nang nararamdaman. Naiinis ako! Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi na ako nadala sa kanya. Kearl is such a conniving liar. Alam ko na 'yon simula palang pero nagpakatanga parin ako dahil sa pesteng nararamdaman kong 'to! "Masaya ka na?! Are you having fun making me look like a fool for yourself?!" nasasaktang saad ko. "Aila..." Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. I can saw sadness and guilt in his eyes. Hinampas ko naman ang dibdib niya. "Walanghiya ka! Walanghiya ka! Napakasama mo! Napakasama mo!" napahagulhol na ako ng iyak. "Bakit mo ako ginaganito!? Bakit?!" "I...I'm sorry. I'm really sorry!" he apologized. He tried to hug me pero nagpumiglas ako at itinulak ko siya palayo sa akin. Tinignan ko naman siya nang matalim at puno nang pagkamuhi. "I don't want to see your face anymore. Thank you, ha? Thank you for making me a fool! Thank you talaga!" I said furiously. Tinalikuran ko naman siya agad at halos takbuhin ko na ang pintuan papalabas ng building upang makaalis lang ako sa lugar na ito. It seems like my world was being crushed into pieces by the man not worth of my trust. The only thing that I want to do right now is to get away from here, away from the pain and away from him. - ♡lhorxie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD