Chapter Nine

2177 Words
Chapter Nine : Lie _______________________________________ Love is a risk. A risk to be happy; a risk to be in pain. Would you still risk your broken heart for the second time when everything about between the two of you started with a lie? Masakit maloko lalo na't kung ginawa iyon ng taong mahal mo. Masakit magmahal lalo na't kung paulit ulit ka nalang na nasasaktan. Masakit umasa lalo na't kung alam mong sa simula palang ay puro kasinungalingan na ang lahat na namagitan sa inyong dalawa. At higit sa lahat, masakit magpanggap na hindi ka nasasaktan lalo na't wala ka pang makakapitan. Kaya mo pa bang magmahal ulit? Pagkatapos ng mga nangyari? MAS LALO kong tinakpan ng kumot ang katawan ko nang makarinig ako nang katok mula sa pinto. Kaagad na pinalis ko ang luhang pumatak mula sa mga mata ko. It's been three weeks, three weeks na nananatili lang ako dito sa loob ng kwarto ko. Nag-file rin ako nang leave sa trabaho, mabuti nalang at pumayag si Boss. "Aila, papasok ako ngayon sa loob ng kwarto mo," dinig kong sabi ni Kuya Kean. Hindi naman ako umimik at nanatili lang akong nakatingin sa ibang direksyon. I heard the door open and I also heard footsteps going towards my direction hanggang sa naramdaman ko ang paglundo ng kama. "Aila, I'm sorry," hinging paumanhin ni Kuya. Hindi naman ako sumagot at nanatiling nakatikom ang mga labi ko. "I'm sorry dahil sa nagawa namin ni Kearl sa 'yo. I know you are mad. Iniisip ko lang naman ang kapakanan mo. Nang nalaman kong may asawa at anak na ang Richard na 'yon at gusto kalang niyang gamitin upang lumayo ang asawa niya sa kanya ay nagalit ako. I just wanted to protect you. Hindi ko naman masabi sa 'yo ng diretso dahil ilang buwan palang tayong magkakilala at ang lalaking 'yon ay matagal mo nang kilala, baka hindi ka kasi maniwala sa akin. I asked Kearl to help me. Na gawin niya ang lahat para lang mapalayo ang loob mo sa lalaking 'yon." I let out a heavy sigh dahil hindi ko naman masisisi si Kuya Kean at naiintindihan ko narin siya. And about Richard, I already confronted him days ago. He told me everything and he asked for forgiveness. Hindi naman ako nagtanim ng sama ng loob sa kanya. We're okay pero hindi ko kinukundina na tama 'yong ginawa niya dahil kahit hindi ako nasaktan, mali parin ang planong ginawa niya. I get up and lean my back on the headboard at hinarap si Kuya. "I understand, Kuya. Naiintindihan ko at hindi na ako galit sa 'yo. Although, what you did isn't right. Kapatid parin kita at nauunawaan ko ang ginawa mo," I told him. Bahagyang lumungkot naman ang mukha niya at marahang hinaplos ang pisngi ko. "Aila, about Kearl------" "Let's not talk about him, Kuya," putol ko sa sasabihin niya. "Naiintindihan ko kung bakit niya nagawa 'yon. Magkaibigan kayo pero ayaw ko siyang makita. Bukod sa ginawa niya ay pinaniwala pa niya ako sa isang bagay na hindi naman pala totoo." I can't hide the bitterness on my voice. Okay pa sana kung ang plano lang ang ginawa niya pero 'yong pinaniwala niya akong mahal niya ako at sabihin sa akin ang mga katagang 'yon, that's already overboard. Kung madali lang sa kanyang paglaruan ang feelings ng bawat tao, then, he's really an ass. "He loves you kaya niya nagawa 'yon," he condemn. Umiling naman ako sa sinabi niya. "Believe me because I'm telling the truth, Aila. Gusto ko mang sabihin sa 'yo ay hindi ko magagawa dahil nanaisin kong si Kearl mismo ang magsabi sa 'yo nang lahat. Let him explain. Give him a chance again." "I don't know, Kuya. Dahil sa lahat ng mga nangyari, hindi ko na alam kung ano'ng paniniwalaan ko sa kanya. How can I believe him? Sa unang pagkikita palang namin at sa lahat ng mga namagitan sa amin ay puro kasinungalingan ang naririnig ko sa kanya. Sa tuwing nakikita ko siya, hindi ko alam kung ano ba talaga ang totoo sa kanya," I sobbed. Tears abruptly run down my cheeks. Nandito parin ang kirot sa dibdib ko sa tuwing naaalala ang mga nangyari noon. Hindi ko lubos maisip na lahat nang sinabi niya noon ay walang katotohanan. I heard my brother sigh. "I understand hindi na kita pipilitin pero sana dumating ang panahon na hahayaan mo naman siyang magpaliwanag at makausap ka," saad niya at hinalikan ako sa noo. Isang tango lang ang naging sagot ko. Alam kong mangyayari rin 'yon, hindi lang ngayon. Siguro kakausapin at haharapin ko lang siya kapag dumating na 'yong oras na hindi na ako nasasaktan nang ganito. "Should I tell him again to go home?" mahinahong tanong niya. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Nandito na naman ba siya? I let out a deep sigh. Sa loob ng tatlong linggo ay hindi man lang pumapalya si Kearl sa pagpunta dito sa amin. Kahit hindi ko siya nilalabas at kinakausap ay pumupunta parin siya dito. How can I have some space kung parati siyang nandito? Ayaw ko na ngang lumabas ng kwarto dahil makikita ko na naman siya "Tell him to stop coming over here, Kuya. Wala siyang mapapala!" inis na ani ko. I heard Kuya Kean sigh and caressed my hair gently. "You know that he is too stubborn. Hindi 'yon makikinig sa sasabihin ko. Instead, why don't you tell him that personally?" I rolled my eyes. I know what's on his mind. He is provoking me para ako mismo ang makipag-usap sa lalaking 'yon. But hell! I wouldn't do that! "Kahit na manigas pa siya diyan sa labas nunkang kakausapin ko siya!" I said heartlessly. I heard my brother chuckled at marahang ginulo niya ang buhok ko. "Give my bestfriend a break, Aila. You're too harsh on him." Inis na tinabig ko naman ang kamay ng kapatid ko. "Ako ang kapatid mo dito!" inis na paalala ko. Mas kinakampihan pa niya si Kearl kaysa sa akin. "That's why I'm doing this because I know Kearl is the right man for you, Aila." Inirapan ko naman siya nang dahil sa sinabi niya. No way in hell I would allow that! Hinding-hindi mangyayari 'yon kahit na sabihing mahal ko siya. NAPAHAWAK ako sa tiyan ko nang maramdamang kumakalam na ang sikmura ko. Tinignan ko ang wall clock and it's already noontime. Kaya naman pala nakakaramdam na ako ng gutom. Paano na 'to? Wala pa naman si Kuya ngayon at hindi naman ako marunong magluto. Paniguradong wala rin siyang iniwan na pagkain lalo na't maaga siyang umalis kanina. Siguro may mga canned goods naman sa baba, 'yon nalang ang uulamin ko. Lumabas ako ng kwarto at agad na nagtungo sa kusina. Muntik nang manginig ang mga binti ko nang makita si Kearl sa loob ng kusina na halatang nagulat din pagkakita sa akin habang hawak-hawak nito ang sandok at mukhang katatapos lang magluto. Kaagad na tinalikuran ko naman siya. "Aila, teka lang," he said. Hinawakan niya agad ang braso ko. Hinarap ko naman siya at tinignan nang masama. "Bitiwan mo ako, Kearl," I said in a calm voice but anger was written all over my face. Hindi parin maalis-alis sa dibdib ko ang pait at pighating nararamdaman ko. "Aila, please," he pleaded. "Just... just let me explain." Tinignan ko siya nang masama dahil hindi parin niya binibitawan ang braso ko. "Bitiwan mo ang braso ko, Kearl," I said in controlled anger. I heard him gasped. Parang napasong binitiwan naman niya agad ang braso ko. "I...I'm sorry," mahinang bulong niya. Tinalikuran ko agad siya ngunit hindi pa nga ako nakakalayo nang maramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likod. Pinulupot niya nang mahigpit ang braso niya sa bewang ko at isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko. Mariing napapikit naman ako dahil kumikirot ng husto ang dibdib ko. "I'm sorry. I'm really sorry, Aila," parang batang saad niya. I heard him sobbed. It almost tore my heart into pieces. This is so unfair! Kahit na galit ako sa kanya at kahit na nasaktan niya ako, bakit hindi ko man lang magawang hindi masaktan kapag nagkakaganito siya? "Alam kong mali ako. Alam kong nagsinungaling ako. Pero iisa lang ang katotohanan sa lahat ng mga sinabi ko sa 'yo and that's what I felt towards you. Totoo 'yon, mahal kita, mahal na mahal kita," he said almost in pain. Hindi ko na napigilan ang luhang pumatak sa aking mga mata. "Tama na, Kearl," I said in tears. "Please, tama na." Umiling naman siya at humigpit ang pagkakayapos niya sa bewang ko, pakiramdam ko mapipisa na ako. "Inaamin ko, I used Evie, my cousin, just to be with you. Oo, hindi ko siya ex-girlfriend-------" "What?!" gulat na bulalas ko at akmang mag-pupumiglas ako ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. "Kaya ko lang naman 'yon nagawa kasi mahal kita. Hindi ko na kasi alam kung papaano ako makakalapit sa 'yo ng hindi mo ako sinusungitan o binubulyawan. I was desperate that time, Aila, because it looks like you really hate me so much." "At sa tingin mo nang dahil sa ginawa mong panloloko, do you think I don't hate you?" I asked him painfully. "I know. I know you're mad, so mad on me. Hindi ko naman inaasahan na mapapatawad mo agad ako. I... I just want you to give me a chance. Give me chance to correct everything, Aila, please," he begged and I can feel his hands trembling. Mariing ipinikit ko naman ang mga mata ko. "I don't know, Kearl. I really don't know. Kasi sa totoo lang, after what happened, hindi ko alam kung paniniwalaan ko pa ba ang mga sinasabi mo ngayon. Masisisi mo ba ako kung nagkakaganito ako? It's hard to trust you. It's so hard to believe in you. When everytime I see you I can't forget how you lied to me from the very beginning." I felt him stiffened. Ramdam ko ang panghihina niya. Hinawakan ko ang kamay niya at dahan-dahan kong kinakalas ang pagkakapulupot nito, mukhang nagpaubaya naman siya. I looked at him and he really looks like a mess right now. His eyes were swollen red just like mine and he look like a lost kitten. "Masakit, Kearl. Sobra! Pakiramdam ko napa-paranoid na ako. Alam mo ba kung ano ang iniisip ko ngayon?" I asked him. He didn't answer. I can see his shoulder trembling. He's crying so hard for godsake! Katulad kung papaano ako umiiyak ngayon sa harap niya. "Na baka isa na naman ito sa plano mo. Na baka isa na naman ito sa kasinungalingan mo. Gusto kong maniwalang mahal mo ako. Gusto ko, Kearl. Kung ganoon lang sana kadali 'yon. Pero kasi hindi, eh, dahil alam mo kung anong pumapasok sa isip ko kapag iniisip 'yon? Oo nga siguro, mahal mo ako ngayon pero baka naman doon mo ako minahal sa mga araw na nagpapanggap tayo at hindi mo inaasahang mahuhulog ka sa akin noon. Paano pala kung ganoon? Paano kung sa ganoon mo ako minahal? Edi, kung hindi ka pala nahulog sa akin noong panahon na 'yon na kung saan ginagawa mo ang mga plano niyo ni Kuya baka naiwan ako sa ere, lugmok na lugmok at nasasaktan!" I wiped my tears pero parang wala paring kwenta kasi pumapatak parin ito ng walang katapusan. "Ka-kasi ganoon naman sa mga pocketbooks, 'diba? Iyong fake lang ang lahat sa una tapos laro-laro lang lahat para sa lalaki at nang masaktan na ang babae doon lang na-realize ng lalaki na minahal na pala niya ang babae dahil nagmamahalan sila magkakatuluyan nalang sila. Happy ending na ang lahat kasi minahal din naman siya ng lalaki. 'Di manlang ba nila naisip na paano kung hindi nahulog 'yong guy? Paano kung hindi natutunan ng guy na mahalin 'yong girl? Ano'ng mangyayari lalo na't nagsimula ang lahat sa pagpapanggap?" "Minahal na kita noon pa man, Aila. Mahal na kita bago ko pa tinanggap ang offer ng Kuya Kean mo sa akin," paliwanag niya. Umiling-iling naman ako sa sinabi niya. "Sana ganoon nalang kadaling paniwalaan 'yan pero ang hirap, eh. Ang hirap sobra...." "Do you feel something for me, Aila? Do--do you also love me?" he asked all of a sudden. Hope was written all over his face. Napatingin ako sa mga mata niya at puno ito ng pagsusumamo. "I don't," I lied. Pain crossed his eyes when I answered his question. Akala ko mababawasan man lang ng kaunti ang sakit na nararamdaman ko kapag nagsinungaling ako pero hindi. Hindi nawala ang sakit na nararamdaman ko. And what's worst is that it adds more pain..... Pain seeing how hurt he is right now for what I've said. Pero bago pa ako magkumahog na bawiin ang sinabi ko, tinalikuran ko na siya at naglakad patungo sa kwarto ko. I locked the door. Nanghihinang napasandal ako sa pintuan at napaupo sa sahig. Isinubsob ko ang mukha ko sa mga palad ko at umiyak ako ng umiyak. I love Kearl Anthony Montenegro... I love him even if it hurts... - ♡lhorxie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD