Chapter Ten

3484 Words
Chapter Ten: Love _______________________________________ Love is like soul searching. Your searching for your better half. You encounter a lot of flaws and mistakes in choosing. But what's important is that in the end you catch the right one for you. NAKATUTOK lang ang atensyon ko sa dokumentong binabasa ko. Kailangan ko kasing gumawa ng article tungkol dito. I let out a heavy sigh at marahang sumandal sa upuan ko. It's been five days, five days since the last time I saw him. Kahit hindi ko man aminin alam kong namimiss ko siya pero pinipigilan ko ang sarili ko. I don't want to be fooled again... I don't want to look stupid again... And I want to take a break with my broken heart... Kaya nga mas lalo ko nalang ginugugol ang sarili ko sa trabaho just to divert my attention. Napatigil kaming lahat sa mga ginagawa namin nang makarinig kami nang katok mula sa pinto at bumukas agad 'yon. "Dito po ba nagtatrabaho si Ms. Aila Ramirez?" tanong ng isang police officer. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Carla at bakas ang pagtatanong sa mukha niya. Nagkibit balikat naman ako. "Ako po 'yon," sagot ko at itinaas ko ang aking kanang kamay. "Ba-bakit po?" Bumaling muna sa akin ang police officer bago niya itinuon ang tingin sa gilid ng pinto sa kabilang pader. "Nandito po siya, Mr. Montenegro. Huhulihin na po ba namin?" dinig kong sabi ng police officer sa kausap nito. Nanlaki naman ang mga mata ko nang dahil doon at ramdam na ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. Montenegro? Si Kearl ba ang tinutukoy nito? Ngunit nasagot nito ang tanong ko ng may isang matangkad ngunit masungit na lalaki ang pumasok sa loob kasabay ng isa pang pulis. He isn't Kearl. He looks more dangerous than Kearl. The man directly looked at me and I can feel the chill when his deep brown eyes lay on mine. It's like he's telling me that no one can messed up with him that can easily get away with it. "I am Atty. Nicholas Alvaro Montenegro at nandito kami upang dalhin ka sa presinto, Ms. Ramirez. My brother, Kearl Anthony Montenegro, file a case against you and I'm his lawyer," seryosong saad niya at binalingan ang dalawang pulis na kasama niya. "Hulihin niyo siya," mariing utos niya. Nanlaki ang mga mata ko nang dahil doon. Napapatingin naman ako sa mga kasamahan kong nagsisibulungan sa loob ng opisina. "Is this a joke?" nanggagalaiting tanong ko nang lumapit sa akin ang dalawang police officer at naglabas ng posas. "Sumama nalang po kayo sa amin nang matiwasay at sa presinto nalang po kayo magpaliwanag, Ms. Ramirez." Pakiramdam ko lumubo nang husto ang ulo ko nang dahil sa kahihiyang natatamo ko ngayon. "Teka, anong kaso ba ang kinasasangkutan ng kaibigan ko?" singit ni Carla. "Bakit niyo siya ikukulong?" "Ms. Ramirez case is perjury so if you'll excuse us, kailangan nang makulong nang sinungaling na kaibigan mo," mariing pahayag niya and gave us a death glare. Pakiramdam ko nanayo ang balahibo ko sa sobrang takot ng dahil doon. "Dalhin na 'yan sa kulungan," utos ni Niro. Agad na pinosasan naman ako ng isang pulis na siyang unang nakita kong pumasok dito sa loob kaya mas lalong umigting ang galit ko. Seriously?! Ako pa ngayon ang may kasong perjury? Eh, mas sinungaling nga ang Kearl na 'yon kaysa sa akin! Bakit hindi siya ang hulihin nila? "Aila!" tawag sa akin ni Carla habang naglalakad ako palabas ng opisina. Nilingon ko naman siya at bahagyang ngumiti lang ako sa kanya. "I'll be fine. Don't worry. Kakausapin nalang kita mamaya," nakangiting sabi ko bago tuluyang lumabas ng opisina. Habang naglalakad kami palabas ng building ay nakayuko lang ako dahil sa sobrang hiya lalo na't napapatingin sa amin ang mga taong nadadaanan namin. "Do I really need to be handcuffs? Hindi ba pwede alisin niyo nalang 'to? Bakit kailangang posasan agad ako?" naiiritang tanong ko sa mga police officer na nakabantay sa magkabilang gilid ko. "For security purposes lang, Ma'am. Baka po maisipan niyong tumakas," sagot ng isang pulis na nasa gilid ko. "Hindi ako tatakas at pwede bang tawagan ko muna ang Kuya ko o 'di kaya'y ang lawyer ko tungkol sa kasong 'to!" inis na ani ko. Tumigil naman sa paglalakad ang kapatid ni Kearl na si Nicholas at humarap sa akin dahilan upang matigilan din kami. "I will let you call your lawyer when we arrive at the police station but I bet wala ka nang mahahanap na mas magaling na lawyer kaysa sa akin so better prepare yourself because I'll make sure you will be punished according to your sin. No one messes up with a Montenegro that gets away with it, Ms. Ramirez," pahayag niya dahilan upang mapairap ako. Hindi talaga mapagkakailang magkapatid silang dalawa dahil sa ugali palang ay wala na silang pinagka-iba. Jerk! NANG tuluyan kaming makarating sa presinto ay may iilang police officer doon na napapatingin sa amin. "Ikulong na 'yan," agad na utos ni Niro sa dalawang police office na kasama nito. Nanlaki naman ang mga mata ko when they directly put me inside the jail and locked me up. Inalis naman nila ang posas na nasa kamay ko. Napahawak naman ako sa rehas na bakal. "Teka, ano'ng ibig sabihin nito? Hindi pa nga ako nakakapagpaliwanag, bakit ikukulong niyo na ako? You don't even give me a chance to contact my lawyer. Wala man lang due process of the law at agad-agad na ikukulong niyo ako sa kasalanang hindi ko naman alam na ginawa ko!" nangangalaiting saad ko. "Pakawalan niyo nga ako dito!" "Hintayin nalang natin ang biktima bago tayo tuluyang magsimula sa kaso," Nicholas said while looking at me. This is unbelievable! Hindi man lang kami dumaan sa korte! Talagang dito na ako sa kulungan diniretso! Lintik naman, oh! Humanda talaga sa akin ang Kearl Anthony na 'yan pagnakita ko siya. "Nandito na pala ang kapatid ko kasama ang kanyang witness," biglang saad ni Nicholas na nakatingin sa isang particular na direksyon kaya napatingin din ako doon. Nanlaki ang mata ko nang makita si Kearl kasama ang Kuya Kean ko. What's the meaning of this? Ako ba'y pinagloloko nila dito? "Kuya, ano'ng ibig sabihin nito? Kung ito ay isa na naman sa kalokohan niyo. Itigil niyo na ito! Hindi na ako natutuwa," naiiritang saad ko. Tinignan lang ako ni Kuya at walang emosyong mababasa sa mukha nito. "Hindi ka pa maaaring magsalita hangga't hindi kita pinapahintulutan, Ms. Ramirez," saad ng kapatid ni Kearl at matalim na tinitigan ako. Napapailing nalang ako. Gusto kong mangalmot at manampal ngayon din pero wala naman akong mapagbalingan ng inis ko. "Ayon sa kasong isinampa sa iyo ng kapatid ko, Ms. Ramirez. Nagsinungaling ka raw sa kanya ng ilang beses. Mayroon kayo-" "Hindi ako nagsinungaling! Ang kapatid mo pa nga ang sinungaling!" galit na bulyaw ko sa kanya kaya naputol ang sasabihin nito. He cleared his throat and look at me with his sharp eyes. "I didn't give you some permission to speak yet. Kaya huwag kang sumagot kung ayaw mong mas lalong lumala ang kasong kinasasangkutan mo," banta nito sa akin. Itinikom ko naman ang bibig ko. "As we continue, may kasulatan kayong pinirmahan na magpapanggap ka bilang fake girlfriend nitong kapatid ko kapalit ng kalayaan mo. But still it dictates here in the contract na dapat ay magpakatotoo rin kayo sa sinasabi niyo at sa sarili niyo na siyang hindi mo ginawa, Ms. Ramirez." Nanlaki ang mga mata ko nang dahil doon. "Wala akong nilabag sa kontrata! Ginawa ko lahat ng nakasaad doon! Atsaka, bakit dito natin 'to pinag-uusapan at hindi sa korte mismo?" naiinis na ani ko. Tinignan naman niya ulit ako nang masama bago tuluyang magsalita. "You commit a crime by violating an oath in this contract and you tell a lie to the victim which you promise to tell the truth... Nothing but the truth but you failed it and your own brother is the living witness that you commited that action." "What? This is unbelievable! Wala akong ginawang ganyan!" nangangalaiting saad ko. Tinignan ko naman si Kearl at bahagyang yumuko lang ito na para bang kawawa ito. "Really?" nanunuyang tanong ng kapatid nito sa akin. "Pero ayon sa biktima ay nagsinungaling ka raw sa kanya Ms. Ramirez." "Hindi ako nagsinungaling sa kanya! I didn't lie to him. Siya pa nga itong sinungaling at hin---" "Did you said to Mr. Kearl Anthony Montenegro that you don't love him, Ms. Ramirez?" putol nito sa sasabihin ko. Nanlaki naman ang mga mata ko. "Anong kalokohan 'to? Bakit mo tinata---" "I'm asking you again Ms. Ramirez. Did you said to him that you don't love him a weeks ago?" putol ulit nito sa sasabihin ko at tinignan ako nang matalim. Napalunok naman ako. "O-oo," nauutal na sagot ko. I bit my lower lip. Mas lalong naningkit ang mga mata ni Niro Montenegro. "Sayo na mismo nanggaling ang sagot Ms. Ramirez. Kaya hindi mo na maitatanggi na hindi ka nagsinungaling sa kapatid ko! Dahil rinig na rinig naman po natin ang sagot niya ngayon." "I didn't alright!" anis na sagot ko. Halos maglabasan na ang ugat sa leeg ko. "Atsaka, hindi ako ang sinungaling dito! Kundi iyang kapatid mo! Siya dapat itong nakabulok sa kulungan ngayon at hindi ako!" I explained. "Well, based on our suspect ay isang dakilang sinungaling din pala itong kapatid ko kaya siguro mas makakabuti kung dalawa sila ang nakakulong sa loob ngayon," biglang saad ni Nicholas dito. "Ikulong ang kapatid ko ngayon din." Nanlaki ang mata ko nang dahil sa inutos niya sa mga police officer na nandito. Hindi naman nanlaban si Kearl nang ipasok din siya sa loob ng seldang kinasasadlakan ko and they locked up us both in here. "What do you think you're doing, huh?!" inis na inis na tanong ko nang lumapit siya sa akin. Pinaghahampas ko naman ang dibdib niya at hindi ko na napigilan ang luhang kumawala sa mga mata ko. "Wala ka na ba talagang ibang maidudulot sa buhay ko kundi gulo! Palagi mo nalang akong pinagtritripan! Kung isa na naman ito sa gimmick mo! Itigil mo na ito! Bakit mo ako ipapakulong, ha! Wala akong atraso sa iyo!" Ni hindi manlang ito nanlaban sa ginawa ko. At bahagyang tinanggap lang nito ang hampas at suntok ko sa kanya. "Stop that, Ms. Ramirez, kung ayaw mong kasuhan kita ng physical harrassment and unjust vexation dahil sa ginagawa mo ngayon." Tumigil naman ako sa ginagawa ko at humarap sa kapatid nito. Ngunit bago pa ako makaangal ay biglang dumating ang pamilya ni Kearl dito. Sumibol ang sobrang kahihiyan sa buo kong katawan. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil nakita ko pa si Carla na bestfriend ko at naririto. Bakas na bakas ang pag-aalala sa mukha nito. "Niro, anak, bakit nasa loob ng kulungan ang kapatid mo?" nag-aalalang tanong ni Doña Isabelle dito. "He needs to be punish also, Mommy. Dahil ayun sa suspect ay may kasalanan din ang kapatid ko. Huwag kang mag-alala at aayusin ko 'to," saad nito sa ina bago ulit kami binalingan. Naging seryoso ang mukha nito at binalingan agad ang papel na hawak-hawak nito. "So back to the topic, dahil dalawa kayo ang nagkasala. Iisa lang ang solusyon ngayon dito, kailangan niyong magsabi ng katotoohan. Just nothing but the truth in every question I'll ask to clarify this case. At kapag nalaman kong nagsisinungaling ni isa man sa inyo. Ako mismo ang maghahain ng kasong Perjury sa inyo," seryosong saad nito at bumaling sa amin. Napalunok naman ako dahil doon. "Nagkakaintindihan ba tayo dito?" tanong nito. Marahang tumango naman kaming dalawa ni Kearl bilang sagot. "Nangangako ba kayong sadyang pawang katotohanan lamang ang sasabihin ninyo sa harap ng mga witness na nandito ngayon? Sagot!" "Nangangako po kami!" Sabay na sagot naming dalawa, Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Kearl dahil doon ngunit agad din akong nag-iwas ng tingin. "Good," anito "Let's start settling this case then." Nagpakawala naman ako nang malalim na buntong hininga. Kahit na sa totoo lang kinakabahan na ako sa maaaring mangyari ngayon. "Ang unang tanong ko ay para kay Kean," wika nito. Binalingan ng tingin ang kapatid at taas noong hinarap naman ni Kearl ito. "Totoo bang nagsinungaling ka kay Ms. Ramirez sa totoong intensyon mo sa kanya?" Humarap naman si Kearl sa akin at direktang tumingin sa mga mata ko. I can feel my heart started to clenched in pain right now. "Hindi po!" sagot niya. Liar! You're really such a liar, Kearl. "Paano mo maipapaliwanag ang bagay na 'yan? Kung ganoon, bakit ka niya pinaparatangang nagsinungaling ka daw sa kanya at hindi nagsasabi nang totoo?" "Inaamin ko po na ang paraang ginamit ko sa kanya ay isang kasinungalingan pero ang intensyon ko po sa kanya ay hindi po isang kasinungalingan 'yon. Nagkamali man ako sa ginamit na paraan pero hindi po ako nagsisinungaling sa intensyon ko sa kanya." "And that is?" "To have her only for me because I love her, I really do." "Liar!" naiiyak na sigaw ko sa kanya. Hindi naman ito nagpatinag at hinarap nang buong tapang ang akusasyon ko sa kanya. "You are not allowed to speak Ms. Ramirez until it's your turn to do so." Naramdaman ko ang panghihina ng binti ko nang dahil sa mga nangyayari. Lalo na't nagsimula nang pumatak ang luha sa mga mata ko. "Mr. Montenegro, ayon sa source namin ay kaya mo lang daw pinaniwalang mahal mo si Ms. Ramirez ay dahil daw sa pabor na inihingi ng Kuya nito sa iyo para lang maprotektahan ang kapatid sa manliligaw nito, may katotoohanan ba 'yon?" Bawat sagot na ginagawa ni Kearl, sa akin lang talaga ito tumitingin ng diretso at seryoso. Kahit na nakikita ko ang sincerity sa mga mata nito tuwing sumasagot ito, hindi ko parin mapigilang matakot... Matakot na baka masaktan na naman ako at magpapaniwala sa kasinungalingang sinasabi niya ngayon. "Inaamin ko po nang malaman ng Kuya niya kung ano ang tunay na pagkatao ng lalaking manliligaw nito ay agad na humingi ng tulong sa akin si Kean. He asked me to try diverting his sister's attention towards me para makalimutan niya 'yong lalaking 'yon. Tinanggap ko po 'yong offer ng Kuya niya. But I told his brother na gagawin ko ang lahat just to make her fall for me as well. Hindi lang dahil sa iyon ang gusto niyang mangyari but also because I want his sister all by myself...." Hindi naman ako nakaimik dahil doon. "It maybe odd pero unang kita ko po talaga sa kanya noon, I felt my heart begun to beat so fast kaya po nagawa kong magsinungaling sa una naming pagkikita. It maybe love at first sight pero kasi siya lang talaga ang babaeng nagparamdam sa akin noon nang ganoon...She really look so beautiful and innocent at that time na feeling ko po hindi nababagay ang tulad kong gago sa kanya. Akala ko noong una fascination lang itong nararamdaman ko but who am I kidding?" dugtong pa niya. "Hindi ko namamalayan lumagpas na pala doon. Kaya lang sa tuwing magkikita kami ay palagi nalang umiinit ang dugo niya sa akin. So I tried another way just for her to be with me. At wala na akong ibang maisip na paraan but to lie. I lied to her again making her think that Evie, my cousin, is my ex-girlfriend just so she could pretend to be my girlfriend because I really want to be with her. Kaya ko po nagawa 'yon. I lied to her again and make a lot of excuses so she could never be with any other guy except me because I'm jealous everytime I see her with them. I love her that I tend to be selfish just to have her. I love you, Aila. I really do, " direktang saad niya na hindi manlang pumipiyok o nauutal nang kahit konti. Nanghihinang napaupo naman ako sa sahig at bumuhos ng husto ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba ang mga naririnig ko. Bumaling naman ang tingin ni Niro sa akin. "Sa ngayon, Si Ms. Ramirez naman ang tatanungin natin." Napalunok ako at bahagyang natuyo ang lalamunan ko habang nakatingin sa kapatid nito. How can this guy be so cold and heartless at the same time? "Okay, Ms. Ramirez. Ang tanong ko sa 'yo ay iisa lamang and I want you to answer me thruthfully," mariing saad nito at tinitigan ako nang matalim. Pakiramdam ko nanginig ang tuhod ko dahil sa kaba sa maaari niya itanong sa akin. Kasi pakiramdam ko the way he looked at me ay pinapakita nito na hinding-hindi talaga ako makakapagsinungaling ngayon. He let out a deep breathe before he run his question on me. "Do you love my brother?" he asked in calm yet deadly voice. Sa tanong palang niya pakiramdam ko nanghihina na ang tuhod ko. Pakiramdam ko namimilipit na sa kirot ang dibdib ko. Tinignan ko ang mga taong nasa palagid namin at lahat sila naghihintay sa isasagot ko. Hanggang sa dumako ang tingin ko kay Kearl at mariing nakatingin lang ito sa akin. Hope, love, sadness, guilt, and fear, iyon lahat ang nakikita ko sa kanyang mukha. Do I really love this man? Do I? Siguro kahit na hindi pa ako pumikit habang dinadama ang damdamin ko, alam ko na ang magiging sagot. Alam na alam ko sa sarili ko ang sagot..... "I'll ask you again, Ms. Ramirez. Do you love Kearl Anthony Montenegro?" Mariing ipinikit ko ang mga mata ko. What's the point of answering that question? Kapag sumagot ba ako ano'ng mapapala nila? Pagtatawanan ba nila ako kasi nahulog ako sa kanya? Ganoon ba 'yon? Iminulat ko ang mga mata ko at nagtagpo ang mga mata namin ni Kearl. Lubos na lubos na pag-unawa ang nakikita ko sa kanyang mga mata. "Aila, do you love me?" Kean asked, hope all over his face. Ito na mismo ang nagtanong sa akin. Everytime I see his face while asking me this question, I remember his pain when I lied to him about this. I remember his agony while we're both crying. "Oo. Mahal kita..." nanghihinang sagot ko. Bumigay ang mga binti ko at napasadlak ako sa sahig. Naisubsob ko ang mukha ko sa aking palad at humagulhol ako ng iyak. I never taught that loving a person is this hard. You want to hurt him also for him to feel the same pain inside your chest but when he does, mas doble or triple pa ang sakit na mararanasan mo. "Case settled," dinig kong saad ng kapatid nito. Hindi ako nag-angat ng tingin at nanatili lang ako sa kung ano'ng ginagawa ko. Umiyak ako nang umiyak, pouring all the pain through my tears. "Zheena, sweetheart, uwi na tayo sa bahay. Masyado akong napagod sa kakasalita dito. I need to energize now. Iwan na natin sila dito. We've already done our part," dugtong pa nito. Hindi ko na alam kung ano'ng nangyayari sa paligid ko hanggang sa may mga paang nakatayo sa harapan ko. And I know who own those feet. "I love you too, Aila. Walang halong biro. Walang halong kasinungalingan, 'yon ang totoo," he said sincerely and the next thing I knew he wrapped me against his arms. Umiyak lang ako ng husto. Kumikirot ang dibdib ko na pakiramdam ko punong-puno ang loob nito. He lifted my chin and he made me face him. He wiped my tears and looked at me lovingly. Bahagyang kumirot ang dibdib ko. How can this man be so painfully handsome whenever I looked at him? "I know I don't deserved to have a second chance. But here I am still hoping to have one. Alam kong hindi ka pa maniniwala nang ganoon kadali sa mga sinabi ko. But let me help you ease the pain I've cause in you. Let me prove myself that I'm worthy enough to your love and let me---" "Kearl," I cut him out. I already heard enough. Napatingin ako nang tuluyan sa mga mata niya "Just kiss me." "Ha?" he asked confused. "Just kiss me and say you love me. Baka maniwala na ako ngayon din," I smiled to him genuinely. Nanlaki ang mata nito but before I could react he cupped both of my cheeks and kiss me with all his heart. Mariing ipinikit ko naman ang mga mata ko. I guess hindi ko man siya ngayon lubos na mapatawad dahil sa ginawa niya. I want to take it slowly, hindi ko man magawang maiwala nang ganoon ang sakit sa dibdib ko still I want to take a chance on him. A risk to be painfully happy with him kasi iisa lang naman ang alam ko. At kahit na pagbaliktarin man natin ang mundo. Wala na akong magagawa dahil mahal na mahal ko ang lalaking sinungaling na 'to. I love him not by choice but I love him because I just love him. "I love you, Aila." - lhorxie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD