Epilogue

2644 Words
Epilogue ISINALIN ko ang phone na hawak-hawak ko sa kabilang tenga habang diretso lang ang lakad ko patungo sa main door ng malaking Mansion. Kausap ko ngayon si Kuya Kean sa kabilang linya. "Siguro bukas na ako makakauwi, Kuya. Malala raw ang sakit ni Kearl, eh, sabi niya sa akin at gustong magpa-alaga. Hindi ko naman mahindian. Ang kulit, eh!" I heard him laugh on the other side. Nandito na kasi ako sa Montenegro Island Estate. Dito mismo sa malaking mansyon nila. Kearl called me yesterday evening at may sakit daw ito. Dapat mamayang hapon pa ako dadating pero inagahan ko nalang din. "I know! I know! I'm just checking," natatawang wika nito. I rolled my eyes kahit hindi niya nakikita. "Oo na, Kuya. Ikaw talaga! Sige, bye! Tatawag nalang ulit ako mamaya." I ended the call and put my phone inside my pocket bago ko binalingan ang maid na uma-assist sa akin papasok sa loob ng Mansion. Binuksan naman agad nito ang pintuan ng malaking Mansion. "Pasok na po tayo, Maam," nakangiting saad nito. Gumanti narin ako ng ngiti. "Hinihintay na po kayo ni Doña Isabelle sa loob ng sala." "Maraming salamat," I said politely bago tuluyang pumasok sa loob. Hindi na ako sinamahan ng katulong nila patungong living room since this isn't my first time coming over here. Ilang ulit na rin naman akong nakapunta dito simula no'ng naging kami ni Kearl. "Aila, I'm glad you're already here," nakangiting bati sa akin ni Tita Belle at sinalubong agad ako ng yakap. Before I went here I called Tita Belle na pupunta ako dito at bibisita. I told her na huwag sabihin kay Kearl ito dahil gusto kung sorpresahin ang binata dahil akala nito ay mamayang hapon pa ako darating. "Good morning po, Tita," nakangiting bati ko at humalik sa pisngi niya. Kumalas naman kami sa pagkakayakap namin sa isa't-isa. "Nagulat talaga ako nang tumawag ka. Mabuti nalang at dumalaw ka ulit dito sa bahay," nakangiting saad nito. Marahang tumango naman ako. "Tumawag po kasi kahapon si Kearl sa akin. May sakit daw po siya, Tita, bibisitahin ko sana." Biglang nangunot naman ang noo ni Tita dahil sa sinabi ko. "Ang anak ko may sakit?" she asked so confused. Ako naman ngayon ang nangunot ang noo. Hindi ba alam ni Tita na may sakit si Kearl ngayon? Tinatago ba nito sa magulang ang sakit nito? "Uh, opo, Tita, malala daw, eh, sabi niya. Hindi raw siya makalakad dahil nanghihina si---" "Mommy, nasaan na 'yong pancake na niluto ko kanina?" putol ni Kearl sa sasabihin ko na mukhang kalalabas lang galing kusina. "Doon ko lang ini---Aila?" gulat na bulalas nito. Nanlaki ang mga mata nito pagkakita sa akin. He looked surprised to see me and I am surprised to see him also. Ganito ba ang kondisyon nang halos hindi na makalakad dahil mayroong sakit?! "Ba-bakit ang aga mo? A-akala ko ba mamayang hapon ka pa darating?" he asked nervously at parang ibinabad na sa suka ang mukha nito. Narinig naman naming tumikhim si Tita Belle kaya natuon ang atensyon namin sa kanya. "I guess, I need to go now. Mukhang kinakailangan talaga nang matinding pag-aalaga 'yang anak ko, Aila, lalo na't sobrang malala ang sakit niya," Tita Belle said in a teasing tone before she leaves us here all alone. "Mama naman!" parang batang apila nito sa Ina na papalayo na. Naniningkit naman ang mga matang binalingan ko si Kearl na namumutla na ngayon. "Totoo bang may sakit ka ngayon, Kearl?" naninigkit ang matang tanong ko. Napalunok naman ito sabay kamot sa ulo nito. "Uh... Ha? Oo naman... Ano--ano masama talaga ang pakiramdam ko..." nauutal na sagot niya. Nagpakawala naman ako nang malalim na buntong hininga. "Kearl, lapit ka nga rito," utos ko sa kanya. Namutla naman ito at dahan-dahang lumapit sa akin ngunit ilang metro naman ang layo. "Lapit pa," utos ko ulit. Napapalunok naman ito at wala na ngang nagawa kundi sundin ang inuutos ko. And when he was close enough to me, I held his ear at marahang piningot iyon. "Ikaw! Napakasinungaling mo talaga! Kung hindi ko inagahan ang pagpunta rito. Hindi pa kita mabibisto!" nangangalaiting saad ko. Pakiramdam ko umaabot na naman hanggang bunbunan ang pagkainis ko sa kanya. "A-aray ko, Aila! A-aray!" reklamo nito. Binitiwan ko na ang namumulang tenga niya at kaagad na hinampas ang braso niya. "Ano na namang pinaplano mo, ha?" inis na tanong ko. Hinamas-himas naman nito ang tengang piningot ko kanina. "Umamin ka!" Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Ahmmm, ano... ano... maglalagay sana ako ng bawang sa kili-kili para kunyari may lagnat ako. Effective daw 'yon, eh, sabi sakin ni Mavien." Anak ka nang! Baliw na talaga ang lalaking 'to! "Ikaw, kung ano-ano na namang kabulastugan 'yang nasa isip mo, ha! Hindi ka na talaga nadadala," inis na wika ko. Lumapit naman ito sa akin nang husto at niyakap ako. Hinampas ko naman ang balikat niya dahilan upang mapanguso siya. "Kasi naman ikaw, eh! Matapos ang kasal nina Kuya Reigan at bestfriend, niyaya kitang pumunta rito ayaw mo. Kung hindi ko sinabing may sakit ako 'di ka pa pupunta dito. Gusto lang naman kitang makasama, eh....." nagtatampong saad nito at isinubsob ang mukha sa leeg ko. "Alam mong may trabaho pa ako, Kearl. Hindi naman ganoon kadali humingi nang leave sa Boss ko." "Wala ka namang trabaho ngayon, eh," malambing na saad nito. Marahang napasinghap ako when he planted a kiss on my neck. "Sorry na, ha? Sorry na." Nagpakawala naman ako nang malalim na buntong hininga. See, how childish could he be? "May magagawa pa ba ako?" kunyaring naiiritang saad ko. Kaagad na kumalas naman siya sa pagkakayakap niya sa akin at ang ngiti niya ngayon ay hanggang tenga na. "Talaga?" excited na tanong nito at marahang tumango naman ako. "Oo. Pero uuwi rin ako mamayang hapon." Ngumuso naman siya sa sinabi ko. "Aila, naman, eh! Usapan natin bukas ka pa uuwi," reklamo nito. Natawa nalang ako. "Dahil akala ko may sakit ka talaga! Since wala ka namang sakit, uuwi nalang ako mamayang hapon." "May sakit ako!" ungot nito. "Sobrang lala ng sakit ko!" Pinitik ko naman ang noo niya nang dahil sa sinabi niya. Naman! "Huwag mo nga akong pinagloloko. Wala kang sakit, Kearl!" Niyakap naman niya ulit ako. "Meron! Ang sakit ko ay 'yong sobrang pagka-miss ko sayo, malalang-malala na kaya," sagot niya na ikinapula ng pisngi ko. Hinampas ko naman ang braso niya. "Tumigil ka nga!" namumulang saad ko. I heard him chuckled. Napasinghap ako nang bigla niya akong kiniliti. Napatili ako nang husto at pilit siyang sinusuway na tigilan na niya ang pagkakakiliti sa akin pero hindi parin siya nakikinig. Pinaghahampas ko na nga siya sa braso niya. Napatigil lang kami sa pagkukulitan nang makarinig kami nang tikhim mula sa kung saan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang bagong dating. It was Reigan together with his wife, Fallon. Dalawang araw palang ang lumipas mula ng ikasal ang dalawa. "I miss you, bestfriend!" bulalas ni Kearl at agad na lumapit kay Fallon upang yakapin ito. Napapailing nalang ako dahil sa ginawa niya. Paano ba naman parang bata! "Ano ba! Huwag mo ngang mayakap-yakap ang asawa ko!" inis na saad ni Reigan sa kapatid nito at agad na kinalas ang pagkakayakap ni Kearl sa asawa nito. And then, he held Fallon's waist possessively. "Damot!" parang batang saad ni Kearl dito. "Nauna ko namang naging bestfriend si Fallon kaysa sa naging asawa mo siya, uh," dugtong pa ng isa na halatang iniinis lang ang Kuya nito. "Wala akong pakialam! Umalis ka na nga dito!" inis na taboy nito sa kapatid. Sumimangot naman si Kearl sa kapatid nito. "Seloso!" kutya nito sa kapatid. "Sabagay, mas gwapo naman talaga ako keysa sa 'yo," dugtong nito at agad na tinalikuran ang mag-asawa upang lumapit sa akin. Nasabi ko na bang biglang lumakas ang hangin ngayon? "Aila, tara na! Doon tayo sa kwarto ko," saad nito at agad na inakbayan ako. Napapailing nalang ako at nagpahila sa kanya paakyat sa taas. Nakasalubong naman namin sina Mavien at Scarlet habang hawak-hawak ng dalawa ang isang taong gulang na anak nilang babae. "Scarlet, ang ganda natin ngayon, uh! Payakap nga," puri ni Kearl dito at akmang yayakapin nito si Scarlet ngunit ang nayakap nito ay ang kapatid nitong lalaki. "Ako lang ang yumayakap sa asawa ko, Kuya Kean," saad nito sa kapatid nito habang nakaharang ang katawan nito kay Scarlet. "Parang bata!" tukso ni Kearl sa kapatid nito. Masamang tingin naman ang ipinukol ni Mavien sa Kuya nito ngunit hindi naman ito pinansin ng isa. "Halika na nga, Aila," saad nito sabay hila sa akin paakyat. Napapailing nalang ako, Ano kaya ang nakain ng lalaking 'to at parang ang hyper niya ngayon? Lumiko kami sa kanan kung saan patungo ang kwarto niya. At doon namin mismo nakasalubong sina Niro at ang asawa nitong si Zheena na kalong-kalong ang siyam na buwang anak nito. "Ate Zheena!" masiglang puna ni Kearl at akmang yayakapin ang babae ngunit agad na natigilan ito ng magsalita ang Kuya Niro nito. "Lay a finger on her and you're dead!" banta ni Niro. Parang nabitin naman sa ere ang kamay ni Kearl at imbis na si Zheena ang pagtuunan nito ay ang anak na hawak-hawak ni Zheena ang kinurot nito sa pisngi. "Ang cute-cute mo talaga, Baby Zander. Manang-mana sa tatay mong masungit!" natatawang saad nito sa bata. Napapailing nalang ako at hindi ko na napigilang matawa. Ganoon din ang ginawa ni Zheena. "May sinasabi ka?" nakakunot noong tanong ni Niro sa kapatid nito. Parang namutla naman si Kearl dahil doon. "Ha? Ano... ang sabi ko, manang-mana sa tatay niyang gwapo at matalino!" bawi nito sa sinabi. "Good!" saad ni Niro dito at inakbayan ang asawa. "Halika na, Zheena. Ayaw kong ma-pollute ang anak ko sa mga isip bata at baka mahawa," seryosong saad nito at iginiya palayo ang asawa. Zheena smiled to me before they left. Napatingin naman ako kay Kearl at nakanguso lang ang isang 'to. "Halika na nga!" natatawang saad ko at ako na mismo ang humila sa kanya patungo sa kwarto nito. Nang makapasok kami sa loob ay agad niyang isinara ang pinto. Napapailing nalang ako nang makitang nakasimangot parin ito. Kaya pasalampak na inihiga ko nalang ang sarili ko sa kama. "Aila," tawag nito sa akin. Mariing ipinikit ko naman ang mga mata ko. "Hmmmm?" "Hindi ka ba galit sa akin?" biglang tanong nito. Naramdaman ko ang paglundo ng kama ngunit pinanatili ko lang na nakapikit ang mga mata ko. "Bakit naman ako magagalit sayo?" tanong ko. I heared him groaned in frustration. "Naman eh! 'Diba dapat magalit ka kasi nakita mong may niyayakap akong iba? 'Diba dapat ayaw mong ganoon?! 'Diba dapat nagseselos ka?!" tanong nito. Iminulat ko naman ang mga mata ko at tinignan ko siya. "Ano bang pinagsasasabi mo?" naguguluhang tanong ko. Mariin ang pagkakatitig nito sa akin. Napangiti nalang ako nang ngumuso siya at para siyang batang nagtatampo na pinagkaitan ng laruan. "Mahal mo ba talaga ako?" tanong nito na ikinagulat ko. "Ano bang klaseng tanong 'yan? Syempre naman, oo!" "Eh, bakit hindi ka man lang nagseselos? Hindi katulad ng sa akin. Kasi ako kapag nakita kong may niyayakap kang iba o may kayakap kang iba, nagagalit ako. Nagseselos ako! Pero ikaw, bakit parang wala lang sa 'yo? Naman, eh! Nakakainis!" padabog na saad nito at inirapan ako sabay iwas ng tingin. Nanlaki naman ang mga mata ko nang dahil doon at napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. And then I realized something, kaya siguro ganoon nalang ang inaasta ng isang 'to kanina. He wants to see my reaction! Kaya pala kahit sino'ng makita niya ay niyayakap niya. Gusto lang pala niyang makitang magselos ako! Kaya pala. Hindi ko na napigilang tumawa. "Ano'ng nakakatawa, ha?!" inis na tanong niya nang marinig ang pagtawa ko. Nakasimangot na ang mukha niya. "Ikaw," sagot ko. Mas lalong sumama ang hilata ng mukha nito "Para ka kasing bata." "Tss!" inis na ani nito at nag-iwas ng tingin. Hindi ko na napigilang ngumiti. "Kearl, harap ka nga sakin," utos ko sa kanya. Umiling naman siya. "Harap na kasi. Dali na!" saad ko. "May sasabihin ako sa 'yo." Umiling ulit siya sa sinabi ko. Kaya ako na mismo ang gumawa ng paraan upang humarap siya sa akin. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinaharap siya sa akin. "Mahal kita, okay?" seryosong saad ko and I kissed him on his nose. "At isa pa walang dahilan upang pagselosan ko sila kasi alam kong wala naman akong dapat ipagselos. At hindi totoong hindi ako nagseselos. Nagseselos lang ako depende sa babaeng pag-uukulan mo nang atensyon." "Talaga?" parang batang tanong nito. Tumango ako. "Pero sana huwag mo nalang akong pagselosin kasi masama akong magselos. Kaya itigil mo na 'yang plano mong pagpapa-selos sa akin." "Bakit? Ano bang gagawin mo sa akin kapag nagseselos ka? Kasi ako, kapag nagselos, hinahalikan kita para makita nilang akin ka." "Basta! Huwag mo nalang akong pagselosin! Masama nga akong magselos!" inis na wika ko. Ngumuso naman ito. "Bakit? Ano'ng gagawin mo? Gagawin mo akong submissive katulad ni Anastasia Steel kasi galit na galit ka sa sobrang pagseselos mo?" Pinitik ko naman ang noo niya nang dahil doon. Kung ano-ano talaga ang pumapasok sa isip nito. "Hindi!" "Eh, ano nga?" makulit na tanong niya. Napahilot naman ako sa sentido ko. Jusko naman! Is this the perks of having a childish boyfriend? "Papaluin ko 'yang puwet mo hanggang sa mamula!" iritadong sagot ko. Napatingin ako sa mukha niya at gusto kong matawa ngunit pinigilan ko lang dahil bigla siyang namutla. "Pa-papaluin mo ako sa puwet?" parang hindik na hindik na tanong nito. Napangisi nalang ako. It was supposed to be a joke. "Oo! Kaya ano? Papaselosin mo pa ba ako?" nakangising tanong ko. Kaagad na umiling naman ito. "Ayoko!" sagot niya at niyapos ang bewang ko sabay yakap sa akin. "Pakasalan mo na kasi ako para hindi ako napaparanoid ng ganito," malambing na saad nito. Pinalo ko naman ang braso niya. "Magpapakasal naman talaga ako sayo, Kearl. Next year nga lang, 'diba? Atsaka, napag-usapan na natin 'to." "Bakit kailangang next year pa? Pwede namang sa susunod na buwan o sa ikalawang buwan. Gusto ko nang magpakasal!" ungot niya. Pinitik ko naman ang tungki ng ilong niya. "Kakakasal lang ng Kuya Reigan mo. Magkapatid kayo at pangit kung ngayong taon din tayo ikakasal. Gusto mo bang sukob ang kasal natin dahil parehong taon kayong dalawa?" Naramdaman ko ang pag-ling niya. Napangiti nalang ako nang dahil doon. "Nakakainis naman, eh! Kung hindi tayo pwedeng ikasal ngayong taon. Bakit 'di nalang muna natin unahin 'yong paggawa ng baby? Gusto ko naring magka-baby!" Pinitik ko naman ulit ang tungki ng ilong niya. "Nope! Kasal muna bago baby!" saad ko sa kanya. Napatili ako nang bigla nalang niya akong hinila pahiga at sabay kaming natumba sa kama. Isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko. "I love you," mariing bulong niya sa tenga ko. Hindi ko na napigilang ngumiti. Minsan talaga, iba-ibang mood ang pinapakita niya sa akin. "I love you too, Kearl," malambing na sagot ko sa kanya. Naramdaman kong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "Mahal mo ako! Mahal kita! Edi, gawa na tayo ng baby boy!" natatawang saad nito. Pinitik ko naman ang noo niya nang dahil doon. At napapailing na natatawa nalang ako. Siraulo talaga! I know kahit anong pilit niya ako pa din naman ang masusunod sa huli. And I'm glad that his the man whom I love. Kasi kahit na sinungaling siya.. Kahit na sobrang perv niya. At kahit na minsang sobrang isip bata niya... Kearl is the only man whom will love me and respect me at the same time. Kaya nga panatag ang loob ko kapag kasama ko siya. And I guess..... All we need to do now is too wait until our time would come.... To have our own real ending.... - ♡lhorxie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD