SPECIAL CHAPTER:
Lie To Her
(Kearl Anthony's Point of View)
THE FIRST time I saw her I can't deny the fact I'm already attracted on her. The way her lips twitch to form a sweet smile and those dark black eyes that can easily make my knees weak.
Her brother and I made a deal. Nalaman kasi nito na ang lalaking nanliligaw kay Aila ay isang pamilyadong tao. Hindi naman nito magawang sabihin agad sa kapatid ang totoo dahil ilang buwan palang naman silang magkasama.
"Hi, Miss Ramirez!" I greeted nang maabutan ko siyang pinagkakaguluhan ng dalawang lalaki.
Iyong totoo ilang lalaki ba ang nanliligaw sa babaeng 'to?
I know the other man. It was Richard, a sonofabitch bastard who's only using Aila to runaway from his responsibility. And he calls himself a man?
She rolled her eyes on me.
Why does she look so charming doing that?
Pakiramdam ko mas lalo akong nahuhumaling sa kanya kapag ganito.
"Ano'ng kailangan mo?" inis na tanong nito.
My lips twitch to form a smirked. At ginawa ko na naman ulit ang gawaing palagi kong ginagawa sa kanya.
I lied to her again. Naiinis talaga ako sa tuwing nakikita siyang may kasamang iba.
"Pinapasundo ka ng Kuya mo sa akin. May pupuntahan daw kayong party at ako ang nautusan niyang maghatid sayo doon."
Why can't she look at me the way he looks at the other guy?
Malabo ba ang mga mata niya at hindi niya ako magawang tignan manlang?
Hindi ko alam kung ano pa ang kailangan kong gawin para lang pansinin niya ako. So it left me with no choice but to make a deal with her. Dinamay ko pa ang pinsan ko sa ginawa kong plano at pinakilala ko itong ex-girlfriend ko. Alam ko na isa na naman ito sa mga kasinungalingan ko pero wala na akong maisip na ibang paraan upang mapalapit ako sa kanya ng husto.
"That's Evie, my ex-girlfriend. Siya 'yong babaeng pagseselosin natin ngayon," I said to her at itinuro ang babae sa gitna ng bulwagan.
Seriously, Aila? Ano ba kasi ang hinahanap mo sa isang lalaki? Hindi ka naman lugi sa akin kaya bakit hindi mo manlang ako magawang pansinin.
"Ano ba, Kearl!" inis na bulyaw niya nang magkita kami sa building na pinagtratrabahuhan niya. "Akala ko ba may deal tayo? Bakit ngayon hindi ka marunong tumupad sa usapan?"
Galit na galit siya sa akin ngunit kahit ganoon bakit ang ganda parin niya?
"Ano'ng deal?" painosenteng tanong ko.
"Na lulubayan mo ako kapag sinunod ko ang gusto mo! I already did! Kaya will you please leave me alone! I already helped you!"
At doon ko napagtanto kung bakit ganoon nalang ang pagkahumaling ko sa kanya kahit na ang sungit-sungit niya. Hindi lang ito tungkol sa pagsasawalang bahala niya sa akin o dahil man sa unang beses na pagkikita namin. I know it's more than that.
"Ano'ng ibig sabihin nito? Animal ka, Kearl! Saan mo ako dinala?" Nagpupuyos sa sobrang galit ang kalooban nito nang magising ito sa isang resort kung saan ko siya dinala dahil na naman sa mga kasinungalingan ko.
"First of all, nandito tayo ngayon sa Islas de Gigantes. Bakit tayo nandito? Unfortunately, birthday ng kaibigan ko at invited ako. Since pinakilala kita noon kay Evie na girlfriend ko and she mention it sa mga barkada namin. They want to meet you personally. And-------"
"Eh, ano 'yong sinabi mo sa akin kagabi?" putol niya sa sasabihin ko.
"Isn't it obvious? It was all a lie," I stated.
Dumilim ang anyo nito na para bang gustong-gusto na niya akong sakalin dahil sa mga kasinungalingang pinaggagawa ko. Ito lang kasi ang alam kong paraan upang mapalapit sa kanya. If I'll rot in hell because of being a liar I'll gladly accept that kind of fate.
"This document is authentic. It was sign by my Kuya Niro who is a lawyer," panimula ko at itinaas ang dalawang pares ng papel. "Naglalaman ito ng kasunduan nating dalawa. All we need to do is sign this at makakaasa kang gagawin ko na ang mga nakasulat dito. If I can't, you can use this to file a case against me kung guguluhin parin kita pagkatapos ng usapan natin."
I hope everything will work according to my plan. Kasi ito na 'yong huling pagkakataon ko.
"You're my girlfriend. That's enough reason why you're mine," paliwanag ko sa kanya nang makita ko siyang masayang nakikipag-usap sa kaibigan kong si Kim.
Hindi ko rin naman ipagkakailang nagseselos ako. Nagseselos akong nakikita siyang masaya sa piling nang iba pero kapag ako ang kasama niya ay parang binagsakan siya ng langit at lupa.
"Only for contract...At alam mo ang rason kung bakit natin ginagawa ito, Kearl," paalala niya sa akin.
"Still, base on our contract, you will act as my gilfriend kaya ganoon din 'yon." I cupped both of her cheeks at pinugpog ko nang halik ang mukha niya hanggang sa dumabo ang halik ko sa labi niya.
"See? You're my girlfriend. I can kiss, hug and marked you anytime I want," nakangiting sabi ko.
Lumabas ako ng banyo na nakatapi lang ng tuwalya ang bandang bewang ko. Nagbabakasakaling mahuhulog manlang ito sa patibong ko.
"Bakit ka lumabas nang nakaganyan lang? 'Di ka man lang nag-effort na magbihis sa loob? Alam mong may babae kang kasama dito!" bulyaw nito sa akin
"Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?" tukso ko sa kanya.
Tinignan lang niya ako nang masama.
"Hindi! Nasusuka ako! Baliw!" bulyaw niya.
Damn this girl! Hindi ba niya alam na napakaraming babaeng nagkukumahog na mapansin ko at nagagawa niya lang akong balewalain. Ako na nga 'tong lumalapit sa kanya, ayaw pa niya. Pambihira!
Ngunit kahit na ginawa ko na ang lahat ay wala paring nangyari. Our deal ended na hindi manlang nagtagumpay ang mga plano ko. Kahit na gustong-gusto ko siyang pansinin nang magkita kaming dalawa sa kompanyang pinagtratrabahuhan niya ay hindi ko ginawa dahil kailangan kong tumupad sa usapan namin.
Aila, wala parin ba?
But hope rose inside my system nang makita ko ang sakit na bumalatay sa mga mata niya nang makita niya kaming magkasama ni Evie sa party. Tumakbo ito palayo sa amin. Hinabol ko naman agad siya ngunit bago ko pa siya maabutan ay pinigilan na ako ng Kuya niya.
"Let her be, Kearl. Hayaan mo muna siya," sabi ni Kean sa akin.
Umiling-iling naman ako.
"Hindi, Kean. This is my chance. Alam kong ito na 'yong pagkakataon ko. Pumayag ako sa kasunduan natin noon na kunin ang atensyon ni Aila upang mapalayo ang loob niya kay Richard kapalit nito kaya hayaan mo ako ngayon."
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago binitawan ang braso ko. Aalis na sana ako palayo sa kanya ngunit natigilan ako nang makita ang lalaking pilit na kinukuha ang atensyon ni Aila noon. Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa aming dalawa ni Kean at alam kong narinig niya ang usapan naming dalawa ngunit wala na akong pakialam sa kanya.
"Let's end that contract," I said nang maabutan ko siyang basang-basa ng ulan. Napakaraming emosyong bumabalot sa magaganda nitong mga mata.
Kung kinakailangan kong umamin sa ngayon ay gagawin ko kapalit na magiging akin kalang.
"I love you," I confessed dearly. "I love you, Aila! I really do!"
Pakiramdam ko ako na ang pinakamasayang tao nang pinayagan niya akong manligaw sa kanya. Ito na 'yong pagkakataong hinihintay ko at hindi ko sasayangin 'to.
Ngunit mapaglaro talaga ang tadhana dahil hindi pa nga ako nagsisimula ay may paggulo na agad sa mga plano ko.
"Aila, huwag kang magpapaniwala sa lalaking 'yan dahil niloloko ka lang niya. Hindi totoong mahal ka niya. I heard them! Narinig ko silang nag-uusap ng Kuya Kean mo. Nilalapitan ka lang niya dahil sa pakiusap ng Kuya mo sa kanya na ilayo ka kay Richard!" giit ng lalaking nakarinig sa usapan namin ng Kuya ni Aila.
Gustong-gusto ko siyang suntukin ngunit agad na hinila ako ni Aila palayo sa kanya. And everything got crumbled when I saw pain on her eyes. Nanghina ako.
"To-totoo ba?" tanong niya. Hindi naman ako makasagot. "Totoo ba ang sinasabi niya?!"
I looked away. Guilt is eating my system.
"I'm... I'm sorry." 'Yon lang ang tanging nasabi ko.'
And when she started to walk away from me, gumuho ang mundo ko. Nasayang ko 'yong pagkakataon na ibinigay niya sa akin dahil nasaktan ko siya nang husto. Ngunit wala akong dapat na sisihing iba kundi ang sarili ko kung hindi na niya ako magawang paniwalaan.
I hurted her....
I was hurt.....
And it's all because I lied to her...
-
♡lhorxie