Special Chapter 2: Dream or Love
NAGPAKAWALA ako ng isang malalim na buntong hininga habang pinagmamasdan ang mukha ni Kearl na kasalukuyang nakadantay sa mga hita ko. Mariing nakapikit ang mga mata nito.
Pinagmasdan kong mabuti ang napakaamong mukha nito. Hindi parin talaga ako makapaniwalang mahal na mahal ako ng lalaking 'to at ganoon din ako sa kanya.
Kasalukuyan kaming nandito sa Hardin ng Mansion nila. Nakaupo ako sa isang mahabang bench habang nakahiga naman ito at ginawang unan ang mga hita ko.
Pinasadahan ko ng daliri ko ang noo nito pababa sa mga labi nito.
Kearl Anthony Montenegro.....
The man who made me fall so damn hard.....
Hindi ko talaga lubos maisip na nahulog ako nang husto sa kanya nang ganito.
I hate him to the core but then.....
I sighed heavily.
Hindi ko rin maipagkakaila na kahit na napakasinungaling niya....
Kahit na sobrang perv niya......
At kahit na minsan may pagka-isip bata siya.....
He is the only man whom will love me and respect me at the same time.
"Mahal kita," I uttered all of a sudden.
Nagmulat naman ito ng mga mata at kaagad na ngumuso.
"Mahal mo ako but you rejected my proposal two months ago," he said as a matter of fact.
Nagpakawala naman ulit ako nang malalim na buntong hininga at pinasadahan ng haplos ang maiitim nitong buhok.
Isang taon at dalawang buwan narin pala ang lumipas simula ng ikinasal sina Fallon at Reigan.
Two months ago Kearl proposed to me but then I said no to his proposal. Nakatanggap kasi ako nang offer abroad sa isang sikat na publishing company in New York. It was a dream company of every journalist na kagaya ko and I wouldn't let that chance to slip away in my hands.
"You know my reason," I reminded him.
He shrugged and let out a heavy sigh.
Alam ko namang mahirap 'to para sa kanya.
"Makakaya mo talagang iwan ako rito?" he asked and pouted like a child.
"Kearl naman," I said out of frustration. "Akala ko ba napag-usapan na natin 'to? Mamayang gabi na ang flight ko, 'diba?"
Bumalikwas naman siya mula sa pagkakahiga at umupo sa tabi ko.
"Mamamatay ako sa sobrang kalungkutan dito dahil sa sobrang pagka-miss sayo. Matitiis mo ba 'yon, Aila?" he asked instead.
Umiling naman ako.
"Tatawag naman ako palagi sayo, eh. Tsaka, magvi-video call din tayo gabi-gabi."
I bit my lower lip when sadness crept within his brown eyes.
"Pero hindi parin 'yon sapat! Akala ko ba sabi mo palilipasin lang natin ang isang taon bago tayo magpakasal?"
Nag-iwas naman agad ako ng tingin dahil sa sinabi niya.
I can't seal my emotions anymore. I can't look straight in his eyes or I would totally lose it.
"Pumayag ka na, 'diba? Sa.... Sa pag-alis ko...."
"Because you left me with no choice at all! It was your dream!" he hissed annoyingly.
Mariing ipinikit ko naman ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likod.
"Huwag ka nalang umalis, please," he said pleading.
Hold yourself, Aila, paalala ko sa sarili ko.
You must stick with your decision. You need to be strong so you can't ruined everything. Huwag kang magpapadala sa paglalambing niya.
"Hindi pwede, Kearl. Nakapirma na ako nang kontrata at mamaya na ang alis ko. Pumayag ka na, eh, noong sinabi ko 'to sayo nang tanggihan ko ang proposal mo. Please, support me. This is my dream, ang makapag-trabaho sa kompanyang 'yon."
I heard him sigh. Humigpit ang pagkakayakap nito sa akin at maingat na ipinatong nito ang ulo nito sa balikat ko.
"Kung gawin ko rin kaya 'yong ginawa ni Mavien noon. Magagalit ka ba?" he asked softly.
Nagpakawala naman ako ng isang malalim na buntong hininga.
"Ano naman 'yon?" I asked him.
"I'll breach your contact para huwag kalang tumuloy. Kayang-kaya ko 'yong gawin, Aila, even without blinking."
Napangisi naman ako nang dahil sa sinabi niya.
"I know you can," I said smiling. "But I know for sure na hindi mo gagawin 'yon, Kearl...."
I know Kearl can be impulsive and manipulative but one thing I know about him sa isang taon naming pagsasama, he knows how to respect my decision.
"Eh, 'yong ginawa nalang ni Kuya Niro kaya?"
Natawa naman ako sa sinabi niya.
"At ano naman 'yon?"
"Pipikutin kita. Bubuntisin."
Pinamulahan naman ako ng mukha dahil sa sinabi niya. Marahang kinurot ko ang balikat niya.
"Tumigil ka nga!" I said while laughing.
Ang kulit din, eh!
"Eh, ano'ng magagawa ko? Ayoko talagang umalis ka, eh!" parang batang maktol nito. Napatawa naman ako.
"Then, why don't you try to re-enact Reigan's ways instead?" I teased him. Lahat yata nang kapatid niya ay nabanggit na niya except sa Kuya Reigan niya.
He pouted like a child. Umiling naman agad siya sa sinabi ko.
"Ayoko..." he said gently. "Ang desperado na nun ni Kuya Reigan, eh. He kidn*pped my bestfriend! What he did is more than worst!"
Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Hindi ka pa desperado kung ganoon?"
"Hindi!" he answered defensively. "Mabait ako!"
"Weeeee? Sino'ng nagsabi?"
"Mommy ko! Bakit? 'Di ka naniniwala? Ako kaya ang pinakamabait sa aming lahat. Masunurin pa! Kita mo hanggang ngayon virgin ka parin."
I laughed. "Ano'ng connect nun?"
"'Di mo ba alam na sa aming magkakapatid ako lang 'yong nakatupad sa usapan namin kay Mommy. Ikakasal ka sakin na wala pang may nangyayari sa 'tin. Kaya dapat maging proud ka sa akin."
Napapailing naman ako sa sinabi niya. "Ay! Si Kuya Reigan din pala!" segunda niya.
"Ewan ko sayo, Kearl!" I said in disbelief. "Huwag ka ngang magmalaki riyan kasi kilalang-kilala kita. Dahil kung nagpadala lang ako sa mga paglalandi mo, siguradong matagal ka nang hindi tumupad sa usapan niyo nang Mommy mo! Ang landi-landi mo kaya!"
He groaned because of my accusation. Napatili ako nang bigla niyang dinampian ng halik ang leeg ko.
"Kearl, ano ba!" I protested.
Humigpit naman ang pagkakayakap nito sa akin.
"Kaya nga nagpapasalamat ako, eh. Kasi sobrang laki ng paninindigan mo. You prove to me na hindi 'yon ang sukatan ng pagmamahal."
"Ewan ko sayo, Kearl!" kunyaring iritadong sabi ko pero sa loob-loob ko ay parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang saya dahil sa mga sinasabi niya.
"Oo nga! Atsaka, may sasabihin ako sa 'yong sekreto."
Kinalas ko naman ang pagkakayakap niya sa akin at tuluyan siyang hinarap.
"Ano 'yon?"
He laughed from what I did.
"Ayiiiieeee! Interesado siya...." he said teasingly.
Pinandilatan ko naman siya ng mga mata.
"Dali na!" naiinip na sabi ko.
Humalakhak naman siya.
"Tungkol 'to sa magiging honeymoon natin--------aray, Aila!"
Hindi naman nito nagawang ituloy ang sasabihin nito dahil sinapok ko agad siya sa ulo.
"Kamanyakan kasi, eh!" ingos ko sa kanya.
Akala ko talaga kung ano nang sasabihin niya, eh.
"Kita mo 'to! Hindi man lang ako pinatapos. Makinig ka kasi muna," saad nito.
I rolled my eyes on him.
"Ano na?! Siguraduhin mo lang talaga na hindi kamanyakan 'yang sasabihin mo," banta ko sa kanya.
Ngumuso naman siya na parang bata.
"Hindi nga kasi, eh! Sekreto ko nga 'to!" ungot niya.
"Oo na! Oo na! Ano 'yon?" I asked impatiently.
"Kapag nag-honeymoon na tayo, 'yong mangyayari sa ating dalawa ay first time ko rin!" he confessed.
Nalaglag naman ang panga ko dahil sa sinabi niya.
"Ano'ng sinabi mo?"
"Eh, Aila, naman! Malinaw naman 'yong sinabi ko, eh. Ayoko nang ulitin," pahayag nito habang namumula ang magkabilang pisngi.
"Eh, kasi Kearl....Hindi nga? Totoo?" I asked still bewildered from his confession.
Hindi parin kasi ako makapaniwala sa sinabi niya.
Si Kearl? Na ubod nang kalandian?
"Kita mo 'to, ayaw pang maniwala. Ganito kasi kaming magkakapatid pinalaki ng Mommy namin."
"What?!" I screamed. "You mean even your brothers, ganoon din? I.... I mean, lalaki kayo!"
"Aila, naman! Oo. Lalaki kami. Pero bulok na 'yang rason na 'yan para lang gawin ang bagay na 'yon. Porke't lalaki ka, natural nalang 'yon kasi 'yon na 'yong nature namin na alam nang lahat. Hindi 'yon ganoon sa amin kasi pinalaki kami ni Mommy na taliwas sa ganoong paniniwala," paliwanag niya. "Si Mavien, walang kang magiging problema pagdating sa ganoong bagay kasi isip bata 'yon, eh. Si Kuya Reigan, kahit suplado 'yon, mabait 'yon. Si Kuya Niro naman, kahit mukhang makasalanan ang pagmumukha nun, hindi 'yon gagawa nang ganoon. Nakalabag lang naman sila no'ng natagpuan na nila 'yong 'the one' nila. Atsaka, ako, kahit ganito ako, hindi ko rin magagawa 'yon, ano!"
"Weee? 'Di nga? Sa kalandian mong 'yan?" I teased him.
I know for sure that he isn't lying.
Napanguso naman ito.
"Oo nga kasi, eh! Maniwala ka nalang!" pikon na sabi nito. "Talikod ka na. Yakap kita...."
Napangiti naman ako sa sinabi niya at agad na sinunod ang gusto niya. Niyakap naman niya agad ako mula sa likod at isinubsob ang mukha sa leeg ko.
"Aalis ka ba pa?" biglang tanong niya.
Tumango naman ako bilang sagot.
"Kahit sinabi ko na sayo 'yong secret ko?" he asked like a child.
Napatawa naman ako.
"Hindi naman mababago nun ang desisyon ko," I said to him.
"Ma-mi-miss kita," he uttered lovingly.
"Ma-mi-miss din kita," I answered back.
Humigpit naman ang pagkakayakap nito sa akin.
"Kiss mo ko nang marami mamaya kapag aalis ka na, uh?" parang batang sabi nito.
Mariing ipinikit ko naman ang mga mata ko at marahang tumango sa sinabi niya.
I won't regret this for sure.
NAGPAKAWALA ako ng isang malalim na buntong hininga bago tuluyang hinarap si Kearl. I bit my lower lip to restrain any emotions inside my being.
Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa loob ng sasakyan niya kung saan ihahatid na niya ako sa airport ngunit tumigil siya sa tapat ng simbahan dito sa Montenegro Island Estate.
"Kearl, bakit ka huminto? Baka hindi na ako makaabot sa flight ko kapag ganito," I said.
Bumuntong hininga naman ito at humarap sa akin.
"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mong 'to, Aila?" tanong niya.
Pinigilan ko ang sarili kong ngumiti habang nakatingin sa mukha niya na parang maiiyak na.
"Napag-usapan na natin 'to, 'diba?"
"Pero mami-miss mo 'ko, Aila! At ayaw kong ganoon!" he exclaimed.
Hindi ko na napigilan ang tawa ko nang dahil doon..
Halata namang sarili niya ang pinapatukuyan niya at sa akin pa niya ito ibinibintang.
"Aila, naman, eh!" ungot nito.
Tumigil naman ako sa kakatawa.
"Oo, Kearl. Sigurado na ako. Aalis talaga ako," sagot ko na ikinasimangot niya.
"Totoo na talaga 'yan? Hindi ka nagbibiro?" tanong ulit nito. Tumango naman ako.
"Kahit na umiyak ako?" dugtong niya.
"Oo nga!" giit ko.
Sumimangot naman ito.
"Hindi, eh! Alam ko hindi 'yan ang sagot mo!" giit parin niya.
Lumabas siya ng kotse at nagtungo sa kinaroroonan ko. Binuksan niya ang pinto at hinila ako patungo sa loob ng simbahan.
"Dito, Aila. Dito mo sabihin ang sagot mo. Tignan natin kong makakapagsinungaling ka pa!" pahayag niya.
"Ano'ng kalokohan 'to?" tanong ko kahit na alam ko naman ang sagot doon.
"Hindi 'to kalokohan, Aila. Sagutin mo na ako ngayon kasi alam kong hindi rin 'to ang gusto mo, diba? Ayaw mo kayang nalalayo ako sa 'yo," giit niya.
"Kapal," natatawang sabi ko. "Pero 'yong totoo, Kearl, bakit mo naisipan 'to? Magsabi ka nang totoo dahil nasa loob tayo ng simbahan ngayon."
Bumusagot naman ang mukha nito.
"Eh..." Nagkamot naman ito ng ulo. "Si Kuya Niro kasi ang nagsabi na dalhin daw kita rito para malaman ko ang totoong saloobin mo. Para raw hindi mo magawang magsinungaling sa akin.
"Sinunod mo naman?"
"Eh, sa anong magagawa ko dahil ayoko talagang umalis ka, Aila. Huwag ka nalang umalis, please?" pakiusap niya at niyakap ako.
"Kearl...." Kinalas ko naman ang pagkakayakap niya sa akin at hinarap siya.
"Aila, naman, eh! Ilang taon kang mawawalan nun. Mahal naman kita, eh. Kaya dito ka nalang. Kahit ilang publishing company pa ang gusto mo ay ibibigay ko."
Napangiti naman ako nang dahil sa sinabi niya.
"Gusto mo talagang malaman ang totoong sagot ko?" tanong ko sa kanya. Tumango-tango naman ito. "Pumikit ka muna."
"Eh, bakit kailangan pang pumikit?" tanong niya. Napangiti nalang ako.
"Ayaw mo? Sige, huwag na---------"
"Hindi! Hindi! Sige na. Pipikit na ako," putol nito sa anumang sasabihin ko at agad na pumikit.
"Huwag kang sisilip, uh," utos ko sa kanya. Tumango naman siya.
"Matagal pa ba 'yan? Hahalikan mo ba ako kaya ganito?" tanong niya.
Napangiti naman ako nang dahil sa sinabi niya.
"Oo. Kaya huwag kang didilat," sagot ko.
Sumilay ang ngiti sa labi nito at mas lalong ipinikit ang mga mata nito. And when the lights turned off, that's my cue. Iniwanan ko siya doon at agad na nagtungo ako sa gilid ng simbahan.
"Aila! Aila, nasaan ka?" Kearl asked nang makalayo na ako sa kanya.
Kearl can't see anything in the dark. Kaya alam ko na magiging successful 'tong plano namin.
Oo, we planned this. Hindi naman talaga totoo na aalis ako. Yes, they offered me a job pero hindi ko tinanggap 'yon dahil alam kong ngayong taon na 'to ay pinangakuan ko si Kearl na papayag na akong magpakasal sa kanya. At hindi ko rin naman kayang mawalay kay Kearl ng ganoon katagal.
Nagmag-proprose si Kearl noon sa akin ay Yes naman talaga dapat ang isasagot ko ngunit bago nun ay kinausap ako ni Tita Belle na huwag pumayag dahil na rin dito. Tita Belle wants to give Kearl a little surprise dahil na rin sa kanilang magkakapatid si Kearl lang ang hindi nakapagbigay sa kanya ng problema.
Napapangiti nalang ako ng bigla akong hinila ni Scarlet papasok sa loob ng banyo.
"Suotin mo na 'to at nagsisimula nang magwala ang prinsipe mo doon," Scarlet said smiling habang pinapasuot sa akin ang wedding gown.
I just want a simple wedding. Kaya nang inihain sa akin ni Tita Belle ang mga plano niya ay agad na pumayag ako.
I also want to see Kearl's reaction about this.
"Anong ibig sabihin nito?" I heard Kearl's asked.
"Surprise!" That was Mavien's voice.
Napapailing nalang ako at hinayaan ang pagkakagulo nila doon sa labas.
Ilang minuto rin ang lumipas bago ako tuluyang lumabas ng banyo dahil tapos na akong ayusan ni Scarlet. Pagkalabas ko ay marami nang taong nakaupo sa mga upuan nila. Dumako ang tingin ko sa harap ng altar at nakita ko ang mukha ni Kearl na nakabusangot. Nakaayos na rin ito.
"Kanina pa 'yan nagre-reklamo dahil gustong-gusto ka na niyang makita," Kuya Kean said nang dumating ito sa kinaroroonan ko.
Natawa naman ako nang dahil sa sinabi niya.
"Sige, Aila. Punta lang ako sa puwesto ko," Scarlet said.
"Thank you," pagpapasalamat ko sa kanya. Ngumiti naman ito bago tuluyang umalis. Binalingan ko naman agad si Kuya Kean.
"Shall we?" tanong nito.
Tumango naman ako at agad na humawak sa braso ni Kuya Kean.
Naglakad kami patungo sa pinakadulo ng simbahan. And when the song started, nagsimula nang maglakad ang mga kasama sa entourage. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga nang ako na 'yong maglalakad patungo sa harap ng altar.
Ramdam na ramdam ko 'yong bilis ng t***k ng puso ko habang papalapit kami sa kinaroroonan ni Kearl. Hindi ko na napigilan ang luha sa mga mata ko. I am going to marry the man I love right now. At hindi ko maipaliwanag ang kasiyahang nararamdaman ko.
"You are so unfair, Aila!" Kearl exclaimed nang makarating kami sa kinaroroonan niya. Ngumuso ito na parang bata. "Dapat ako 'yong gumagawa nito, eh."
Napatawa naman ako sa sinabi niya.
"So, gusto mong itigil nalang natin 'to ngayon?" natatawang tanong ko sa kanya.
Umiling naman ito.
"Ayoko!" agarang sagot nito. "Baka magbago pa ang isip mo, eh."
Napangiti naman ako nang dahil doon.
"I love you, Kearl," I said softly.
Sumilay ang ngiti sa mga labi nito at agad na lumambot ang feature ng mukha nito.
"I love you too, Aila," sagot niya.
Ibinigay naman ni Kuya Kean ang kamay ko kay Kearl. He tapped Kearl's shoulder.
"Alagaan mo ng husto 'yang kapatid ko Kearl kundi malilintikan ka talaga sa akin," babala nito na ikinatawa naming lahat.
"Kapatid mo nga dapat sinasabihan mo niyan. Alam mo ba na battered na battered ako niyan," Kearl joked out.
Hinampas ko naman ang balikat niya.
Natawa naman ito. Hindi ko na napigilan ang luhang bumuhos galing sa mga mata ko. Kaagad na pinalis naman nito ang luha sa pisngi ko.
"Oh, huwag kang umiyak. Papangit ka na niyan, eh. Kasal pa naman natin ngayon," he teased.
"Ewan ko sayo, Kearl!" singhal ko na mas lalo niyang ikinatawa.
"So, yes naman talaga ang isasagot mo sa proposal ko kung ganoon?" tanong niya.
Tumango naman ako sa kanya bilang sagot.
"At nakaya mong magpanggap hanggang sa puntong 'to, ha?" Napapailing naman it. "Such a conniving liar... And you told me not to lie anymore..."
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Hinampas ko ulit ang balikat niya.
"Anong akala mo? Mahirap rin kaya para sa 'kin 'yon!" depensa ko.
Hinalikan naman nito ang noo ko.
"Even so, I still love you even more, Aila," bulong nito na dahilan upang lumambot ang puso ko ng husto. Ginawaran niya ako ng isang matamis na ngiti. "Shall we, soon to be Mrs. Montenegro?"
Ngumiti ako sa kanya biglang ganti at marahang tumango.
I am so damn inlove with you, Kearl Anthony Montenegro.
-
♡lhorxie