NABIGLA pa si Becca ng buhatin siya ni Hunter kahit pa hubot hubad siya. Para lang siyang sako ng bigas na isinampay sa balikat. Ang kanyang mga damit ay hawak hawak niya. Natatawa siya sa kanilang ginagawa. Akala mo ay sarili nila ang mundo. Kung may makakakita man sa kanila ay baka ang mga ito ang maiskandalo dahil sa kanilang ginagawa. Hindi nila alintana ang lakas ng ulan na tumatawa sa kanilang mga katawan. “Hey! Stop doing that. Nakikiliti ako!” hiyaw niya dahil pinipisil ni Hunter ang kanyang pang-upo. “Huwag kan malikot at baka dito ko sa daan itutuloy ang ating nasimulan,” sagot sa kanya ni Hunter kaya napangiti siya. Lihim siyang kinilig. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya mapigilan ang sarili sa tuwing na may nangyayari sa kanilang dalawa. Tila ba palag

