CHAPTER 4 SAME, BUT DIFFERENT

1400 Words
ELARA’S POV: “Ladies and gentlemen… we are down to our final results for Mr. & Ms. Preston.” Halos hindi makahinga si Elara sa kinatatayuan niya. Pagkatapos ng ilang buwang paghahanda para sa gabi ng Mr. & Ms. Preston ay narito na ang pinakahihintay ng lahat. All the students are here to witness who will win the crown this year. The voting happened as the students and family of the contestants arrive with their tickets. Ang total votes plus scores ng judges ang magiging basehan kung sino ang kokoronahan sa gabing ito. Tulad ng nakasanayan ang kinita sa pagbebenta ng tickets ay mapupunta sa mga scholars at future scholars ng unibersidad. “Go Elara!” sabay-sabay na sigaw ng mga kaibigan at kaklase ko. Nangunguna na si Akane na may dala pang malaking banner. Katulong niyang maghawak ang isa pa naming kaibigan na si Isla. Napatingin ako sa gawi ng mga magulang ko. Nawawala ang kaba ko sa tuwing makikita ko silang nakangiti. Sa pakiramdam ko, manalo o matalo man ako ay ayos lang dahil kahit ano pa ang maging resulta ay alam kong proud sa’kin sina mama at papa. Nanlalamig ang mga kamay ko, kahit ang init ng stage lights. Sa gilid ng mga mata ko ay nakikita ko ang ibang candidates—confident, composed, parang sanay na sanay sa ganitong klaseng attention. Unlike her. “Relax.” Napalingon siya. Katabi niya si Stryker—calm, hands in his pockets, parang wala lang sa kanya lahat. Ni hindi niya nga alam na kasama pala sa contest ang lalaking ito dahil bukod sa pag-aasikaso sa pageant na ‘to ay busy din siya sa pag-aaral at pagsusulat ng column niya para sa school paper nila. “Easy for you to say,” bulong niya. “You look like you belong here.” Stryker gave a small smile. “Looks can be deceiving.” Hindi niya alam kung bakit… ngunit parang may ibig sabihin ito. Hindi na niya nagawa pang magtanong dahil nagsalita na muli ang emcee para iannounce ang runner-ups. “Second runner-up for Ms. Preston…” Nagpalakpakan ang crowd. Hindi niya na halos marinig ang hiwayan at palakpakan dahil sa tindi ng kaniyang kaba. “First runner-up…” Mas lalong lumakas ang t***k ng puso niya. ‘Hindi ako mananalo,’ paulit-ulit niyang sabi sa sarili. ‘Okay lang. Hindi naman ‘to ma—‘ “And your Ms. Preston is…” Pakiramdam ko ay bumabagal ang mundo. Unti-unting lumalabo ang mga mata ko habang palakas nang palakas ang t***k ng puso ko. “Elara June Ynares!” Nanlaki ang mata niya. “What?” mahina niyang bulong. Biglang nag-ingay ang buong auditorium. Palakpakan, sigawan—pero parang malayo lahat. “Go,” Stryker said softly beside her. She looked at him, still frozen. “Nanalo ka,” dagdag nito, this time with a small nod. Doon lang ako natauhan. Marahan akong lumakad hanggang sa makarating ako sa gitna ng stage. The crown felt heavier than she expected. Parang hindi lang siya basta korona. Parang responsibilidad. Parang… hindi siya sigurado kung deserve niya. “Smile,” bulong ng host. Ngumiti siya. Pero sa loob niya, parang malabo pa rin ang lahat. STRYKER’S POV: “And now… your Mr. Preston is—” Saglit na tumahimik ang buong auditorium. “Stryker Croix Alegre!” Sumabog ang malakas na sigawan at palakpakan. Halos mabingi ako sa hiyawan ng mga kapwa ko estudyante. But me? I just exhaled softly, ‘Just like how I expected it…’ Tinapik siya ng katabi niya dahil natulos lang siya sa kinatatayuan niya, “Bro, panalo ka!” He just gave a small nod, then walked toward the center of the stage—calm, steady, effortless. Habang sinusuot ang korona sa kanya, napatingin siya sa crowd— then stopped. Found her. Elara. For a second, nawala ang ingay. He gave the faintest smile. Not for the crowd. Not for the title. Just for her. ELARA’S POV: Magkatabi kaming dalawa sa gitna ng stage. Camera flashes everywhere. Cheers from the crowd and nonstop applause that is starting to overwhelm me. I’ve never joined any pageant, lest win. So this is all new to me. “Okay ka lang?” mahina kong tanong kay Stryker. “Yeah,” he replied, then glanced at her. “Ikaw?” She smiled a little and shook her head, “Hindi pa nagsi-sink in.” He huffed softly, almost amused. Then, without warning— he held my hand. Gentle. Firm. Natural. Nagulat ako at bahagyang napatingin sa magkahawak naming mga kamay. “Relax,” he murmured, just loud enough for her to hear. “Baka matumba ka pa diyan.” She let out a small breathy laugh, “Thanks.” Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang sa matapos ang picture taking namin kasama ang judges maging ang founder ng school na si Mr. Clint Archer. Nararamdaman ko rin ang pag-alalay niya sa tuwing napapaatras ako sa dami ng tao ng kailangan magpapicture sa amin. Lalo ring humihigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko sa tuwing tatangkain kong bawiin iyon. Hindi ko magawang tumingin sa kaniya dahil ayokong makita niya ang pamumula ng mukha ko. Mahirap na dahil kahit gaano pa kakapal ang make-up, lalabas at lalabas ang pamumula ko dahil maging tenga ko ay namumula rin. I looked at our joined hands again and realized something… that somehow- in the middle of flashing lights and loud applause… that quiet, simple touch meant more than the crown on my head. ——————— Pagkatapos ng coronation, ay lumakad na kami patungo sa backstage. Halos hindi pa kami nakakababa ng stage nang may humarang sa daraanan namin. “Well, that was unexpected.” Morgan. Arms crossed. Perfect smile—but her eyes? Sharp. Full of mockery and disdain. “Congrats,” she added, pero halatang pilit. Nakikita ko rin ang panginginig ng kamay niya habang hawak ang gown na suot niya. Hindi ito nakakuha ng kahit anong place man lang kaya alam kong lalo itong nanggagalaiti ngayon sa galit. “Thank you,” mahinang sagot ko. “Scholar ka, ‘di ba?” tanong ni Morgan, medyo malakas na para marinig ng iba. “Didn’t know Preston lowers standards now.” Biglang natahimik ang ilang candidates at mga glam team na kasama nila. Ramdam ko ‘yung tingin ng mga tao sa amin lalo at umaagaw na ng pansin ang paglakas ng boses ni Morgan. I swallowed, I just did my best,” sagot ko, trying to stay calm. Morgan scoffed. “Cute.” I was about to say something when a deep voice resonated from behind. “Problem?” Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Stryker. Kakatapos lang din ng coronation niya bilang Mr. Preston, pero parang mas intimidating pa siya ngayon kaysa kanina sa stage. Lumakad siya palapit sa amin at huminto sa tabi ko. I sighed inwardly and whispered him thanks in my mind. Morgan raised a brow, “Wala. Just congratulating her.” “Doesn’t sound like it,” Stryker replied casually. “Totoo naman,” sagot ni Morgan. “People like her don’t usually win.” The silence is deafening. The tension is so thick you can easily be cut it with a knife. But then, Stryker chuckled softly. “Then maybe,” he said, glancing at Elara for a second, “people like you just underestimated her.” Napanganga si Morgan sa sinabi ni Stryker. Napalingon naman ako sa lalaki habang muling kumakabog ng malakas ang dibdib ko. Nagkaroon ng mahinang bulungan mula sa mga nanonood dahil kita sa mukha ni Morgan na napahiya ito, pero pinilit pa rin nitong ngumiti at hindi nagpatalo. “Whatever,” she muttered before turning away. Tahimik pa rin ang lahat. I let out a shaky breath I didn’t realize I was holding, “Thank you,” she said, looking at Stryker. He shrugged. “You won. That’s all you.” “Still…” Sandaling nagkatinginan ang aming mga mata. Same uniform. Same title. Pero magkaibang mundo. He’s famous. I’m a nobody. Yes, we’re both scholars but he’s in a different level in the chain. “Congrats,” pagbati kong muli, this time mas sincere. “You too, Ms. Preston,” bulong nito na sinundan ng pamatay niyang pagkindat. Napangiti kaming pareho. And for a moment— I didn’t feel so different with him after all.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD