Emma’s Point of View “Let’s go Emma, before they find us,” tawag sa akin ni Juna. Natauhan naman ako run dahil nakatulala lamang ako sa mga ilaw na kulay pula. Masama ito dahil nasa state of emergency ang buong pasilidad. Lalo kaming mahihirapan na malampasan sila. Sobra sobra na ang mga nangyayari para sa akin hindi ko kakayanin ito. Agad naman akong tumakbo papunta kay Juna na ngayon ay sumisilip sa labas ng pintuan. Sinenyasan niya ako na tumigil nang makalapit ako sa kaniya at agad ko naman iyong sinunod. Muli niyang inihanda ang kaniyang baril sa mga kamay niya para sa engkwentro. Takot Pangamba Kaba Binabalot ng mga pakiramdam na iyan ang aking puso. Labis na akong nag-aalala para sa kapakanan namin ni Juna. Natatakot ako na baka mamaya ay mapahamak kami at may kung anong mangy

