Tulala, at namamaga ang mga mata ko noong ako'y magising. "Besh, kain kana." wika ni Shane. "Wala akong gana." tugon ko. "Tumawag sa akin si Sebastian, hindi ka raw sumasagot sa mga tawag nya." saad ni Shane. Hindi na ako umimik pa, poot at galit lang ang nararamdaman ko dahil sa panlolokong ginawa nya sa akin na sa iba ko pa nalaman. Bigla na lamang akong lumuha at napayakap kay Shane. May biglang kumatok sa pinto. Binuksan ni Shane ang pinto, si Sebastian pala ang kumakatok. Bigla syang pumasok at lumapit sa akin. Inaalam kung ayos lang ako. Nasabi na ni Aries sa kanyang ang nangyari sa akin. "Are you okay, Ali? What else did they do to you, huh?" pag-aalala ni Sebastian. Wala akong kibo, at para bang iniiwasan sya. Piniligilan kong sumabog sa inis at galit na nararamdaman ko. "What di

