Matapos ang mala impyernong buhay ko sa school, sa wakas holiday break na namin sa College, makapagpapahinga na rin kami sa wakas. Makakalayo kami sa sakit ng ulo sa acads kahit papano. Dahil nga mahaba haba rin ang Holiday break nasa bucket list namin ni Shane ang pagchill, ay gumala the whole week. Pumunta sa mall, mamasyal sa park, magkape at kung ano ano pang mga gimik na malayo sa academic. "Gumala tayo ng gumala." wika ni Shane. "San tayo?" tugon ko naman. Habang nag-uusap kami, may kumakatok sa pinto. Sina Sebastian at Aries pala ito. "Hello, my dear Shane." bungad na wika ni Aries. "Ako tigil tigilan mo ko Aries ha." pagmamaldita ni Shane. "Why, ang aga aga ang init na naman ng dugo mo, pa kiss nga!" biro ni Aries. "Yuck, iww!" tugon ni Shane. "Panong di high blood yan eh di ka na

