Sabado ngayon, wala akong naka schedule na class for this day, samantalang si Shane naman ay kailangang pumasok dahil may isang unit syang kailangang habulin sa kanyang pag me-med schooling. Habang ako naman ay may kailangang i-memorize sa mga batas para sa upcoming recitation ng aming batch. Pero ipinagpaliban ko na muna ang pag rereview at pagsasaulo ng mga law's dahil mahaba pa ang araw. May oras pa ako para gawin ang studies ko. Ang plano ko ngayong araw ay gumala sa mall at tumambay sa coffee shop. "Ally, alis na 'ko. Pucha anong oras na pala, late na ko." wika ni Shane habang nagmamadali at kumaripas ng takbo. "Sige besh, magkita nalang tayo mamaya." tugon ko. Pagka-alis ni Shane, nagising naman si Asrie. "Hala, sorry Asrie, maingay ba kami? Sorry nagising ka namin. Si Shane kasi eh.

