Nagising ako na may kumakatok sa pintuan ng bahay namin, nagtataka ako kung sino ang kumakatok ng ganito kaaga. "Sino ba to, istorbo eh, hayy alas siyete pa lang ng umaga oh." wika ko. Patuloy pa ring may kumakatok. "Sandali!" sigaw ko. Nabulabog sina Asrie at Shane dahil sa lakas ng pagsigaw ko. Pagkabukas ko ng pinto, si Sebastian pala ang kumakatok. "Anong ginagawa mo rito!" natatarantang wika ko. "Why are you so flustered? I'm just here to check if you're okay. I heard you had an argument with Alison. Are you okay? What hurts you, what did she do to you?" tugon ni Sebastian. "Ang oa mo talaga Sebastian." biro ko. "I'm just concerned about you, Ally. But anyway, won't you even let me into your house?" saad ni Sebastian. "Wag na, umalis kana Sebastian." pagtataboy ko sa kanya. "Ally! Sin

