Itinago ko muna kina Shane at Asrie ang tungkol sa pagpapatawad at pagbabalikan namin ni Sebastian. Ayokong mapahiya dahil sa mga nasabi at pagmamatigas ko na hinding hindi ko na mapapatawad si Sebastian, pero mali pala ako, marupok at hindi ko rin pala sya matitiis. "Ally, bakit nga pala ginabi ka na ng uwi, hindi ko na namalayan ang pag-uwi mo." tanong ni Asrie. "Oo nga pala ally, mas naunang natapos ang class mo, pero ako pa ang mas naunang nakauwi?" dagdag pa ni Shane. "Ah-eh wala, naggala gala lang ako, gusto ko lang magpahangin at makapag-isip isip." tugon ko. "Talaga lang ha." Saad ni Shane. "Ally, hindi pa safe para sayo ang gabihin. Hanggang ngayon wala pa rin kaming update, matinik sila mukhang hindi isang ordinaryong sindikato lang." pag-aalala ni Asrie. "Alam ko naman yon, si

