Heroism

2170 Words
Pagkatapos ng mga pangyayari, hindi na ako ng aksaya ng oras. Naghanap ako ng mapapasukan, upang makatulong sa kanila Mama at para na rin pantustos ng pag-aaral ko. Napilitan akong mag sideline sa bar na isang beses naming tinambayan ni Shane, bilang isang Waitress. Dahil wala nang bakante sa coffee shop na pinag applayan ko. Nawalan na ako ng oras sa mga kasiyahan na dati'y nagagawa ko pa. Kaagad ay nagsimula na akong magtrabaho. Nag-aaral sa umaga, nagtatrabaho sa gabi. Dalawang buwan na akong nagtatrabaho sa bar, sa awa ng dyos,wala pa akong na e-encounter na nambastos sa akin. Matagal na rin akong hindi nakakagala tulad ng dating ginagawa namin ni Shane. "Ally, tara gala naman tayo oh. Promised hinding hindi na ako magpapalibre." pag-aaya ni Shane. Dahil matagal tagal na kaming di nakagagala dahil nga sa iba na ang sitwasyon ko, kumpara noon. "Bestiee, shane. sorry ha, gustuhin ko man, kaso marami pa kaming bayarin eh." malungkot na sagot ko sa kanya. "Ako na bahala, ililibre naman kita. Di na kasi kita nakakasama ng maayos eh, lagi ka nalang wala sa bahay. Sa campus naman madalang nalang kita makita." pagpupumilit ni Shane ."Shane, besh, sorry pero di talaga pwede eh." nalulungkot na sagot ko. "Okay, Ally sige. Samahan nalang kita mamaya sa duty mo sa Bar. Para at least parang gumala na rin tayo kahit nag wowork ka hehe!" pagcocomfort sakin ni Shane. Nitong mga nakaraang araw, napansin kong may palaging sumusunod at parang nagmamanman sakin, mula pagpasok ko sa University hanggang sa pinag tatrabahuan ko. Nangangamba na ako sa mga nangyayari, wala akong ideya sa kung sino ang may pakana nito. Sebastian's POV */Phone ringing "Ramon, what's the latest news on what I'm up to?" wika ni Sebastian sa kausap nya sa telepono. "Sir Seb, nakuha ko na ang impormasyong gusto mong malaman sa babaeng yon. Lahat lahat." sagot ni Ramon "Okay, let's meet. Come to the Monreal Mansion; we have a lot to discuss." wika ni Sebastian. "Copy Sir!" I'm on my way." Ilang oras ang nakalipas nakarating na si Ramon, sa Monreal Mansion at sinabi nya any lahat lahat ng kanyang nalaman. "Ramon, have a seat." "So, what have you found out?" pagsalubong na wika ni Sebastian kay Ramon. May iniabot na folder si Ramon. "Allyshia Kayne Marquez, 19 years old, is a 2nd-year Juris Doctor student residing at Kasili Street 1045, Brgy Aries, Carolina City, Philippines. Her family owns vast land, with her father working as a farmer and her mother as a housewife. She is the youngest among five siblings, four brothers, and one sister,only four of them remain; the eldest is already deceased. Through my investigation, I discovered that their family has been facing challenges. Allyshia's father was hospitalized after suffering a critical heart attack. Although he is now stable, he remains in a coma. To cover the significant medical expenses, they have begun selling some of their land. Due to the financial strain, Allyshia is currently employed at a bar, Shining Star Bar, working as a waitress. She manages her studies in the morning and serves as a server at night to support her education and contribute to her family. This encompasses all the information I have gathered." wika ni Ramon "Okay, thank you! Just continue monitoring her, and keep me informed if you have any new information." "I'll give you the initial payment of 10 million, and the full amount upon completion of the task." wika ni Sebastian sabay abot sa kanya ng cheke "Thank you, sir! I'll go ahead now." sagot ng Imbestigador. "That's why she's being snappy, Poor girl." bulong ni Sebastian sa kanyang sarili, sabay bukas ng document na iniwan ng Imbestigador. "Hmm, let me check which hospital her father is admitted to. Rural Medical Center?? wait, this is one of the hospitals under the Monreal Group." bulong ni Sebastian sa kanyang sarili. Dali dali syang may tinawagan. Hello,Secretary Marco, I have something for you to do." wika ni Sebastian sa kausap nya sa telepono. "Copy Sir!" sagot ng Secretary nya. Sebastian's POV ends Pagkagaling ko sa Campus, dumiretso na ako sa bar para magtrabaho. Sinamahan ako ni Shane, naiilang at hindi ako komportable sa bawat araw na nagtatrabaho ako sa bar, dahil na nga rin siguro sa naranasan kong pambabastos sa mismong bar na pinagtatrabahuan ko ngayon. Isa pa maraming manyak sa bar na akala mo'y huhubaran kana kung makatingin. "Hi sir! what's your order po?" "Hi sir here's your order, Enjoy." Palagi akong busy sa bar. May isang VIP client na dumating sa bar, at ako ang inassign na mag asikaso nito. Sexy at maiksi ang uniform namin sa bar, para raw presentable kaming tingnan. Kitang kita ang hugis at hubog ng aking katawan sa suot ko. Pakiramdam ko'y binabastos at pinagtatawanan ako ng mga nakakikita sa akin. "Ally, ikaw daw ang mag asikaso sa VIP Client natin sabi ni Manager." wika ng kasama ko. "Okay sige!" sagot ko. "Puntahan mo na, nasa Vip Section." saad ng kasama ko. "Hi sir, good evening po! I'm Ally, Welcome po sa Shining Start Bar, ano pong order nyo?" magalang na wika ko sa Vip Client ng bar. Mula ulo hanggang paa kung makatitig ang client naming lalake, para bang hinuhubaran na nya ako, bakas sa kanyang mukha ang pagnanasang maikama ako. Nagkagat labi pa sya. "Ang ganda mo naman Ms, makinis, maputi, at sexy." wika ng Vip Client. "Pwede bang ikaw nalang ang orderin ko?" wika nya habang dumidila at para bang naglalaway na sa akin. "Si-sir, waitress po ako rito, hindi po ako bayarang babae." malumanay na wika ko, habang kabado at nanginginig sa takot. May mga body guards sya at baka saktan ako kapag pumalag ako. "Miss naman, wag kanang tumanggi. Babayaran naman kita ng malaki, kapag binigay mo na sakin ang gusto ko. Bibigyan pa kita ng bonus kapag magaling ka sa kama,at nasiyahan ako." wika ng Vip Client habang nanlilisik ang kanyang mata. Nagtatawanan sila dahil sa pambabastos sakin. Namalayan ko ring may nakatitig sa'king tatlong lalake sa bawat sulok ng Vip Section sa Bar, akala ko'y pinagpaplanuhan na akong ikidnap ng Vip Client namin. "Sir hindi nga po pwede, waitress lang po ako!" pagtaas ng boses ko, nagulat ako nang biglang hawakan ako ng Vip Client namin at hinipuan ako sa pwet, hinila nya ako papunta sa kanyang kinauupuan sabay halik sa pisngi at leeg ko. "Sir ano ba, bastos ka ha!" eskandalosang wika ko. Sabay sampal sa kanya. "Bakit mo ko sinampal, nakikipaglaro lang naman ako sayo!" wika nya habang nanlilisik ang kanyang mga mata,at nakangiti pa na parang animo'y nakadroga. Sa takot ko,ay umalis na ako papalayo sa kanila nang biglang hinarang ako ng mga body guards ng Vip Client sa bar. Napansin ni Shane ang pambabastos sakin kaya't nakialam na sya. "Hoy, gago ka ha! Putangina mo, bakit mo binabastos ang kaibigan ko. Manyak na kalbong to!" "Tara na Ally! Umalis na tayo sa potanginang bar na to!" nanggigigil na sigaw ni Shane. "Pagsisisihan mong nakialam ka pa!" wika ng Vip Client sabay harang ng mga bodyguards nya saming dalawa ni Shane. Hindi na kami nakapalag,dahil patago nila kaming tinutukan ng Baril. Biglang lumapit ang tatlong lalakeng umaaligid sa akin kanina, Akala ko ay mga body guards din sila ng Vip Client namin. "Sir, ano pong problema, bakit parang binabastos nyo yata ang mga batang 'yan." wika ng isa sa mga tatlong lalake. "Wag kayong makikialam!" matapang na wika ng Vip Client. Nagulat ako ng biglang pumasok sa eksena si Sebastian. "Sir, please let them go if you don't want any bloodshed in this bar tonight." wika ni Sebastian. "Sino ka ba ha, akala mo matatakot mo ako? gusto mo yatang itumba na kita ngayon dito. Di mo pa ko kilala, bata!" matapang na wika ng Vip Client, sabay tutok ng Baril kay Sebastian. Biglang naglabas din ng matataas na kalibre ng baril ang tatlong mga lalake, body guards pala ito ni Sebastian. Hindi natinag si Sebastian, pinatawag nya sa isa sa mga tatlong body guards nya ang manager upang paalisin at isarado kaagad ang bar, para walang nang madamay sa maaaring maganap na engkwentro. "Now, we're the only ones left. I cleared the people out so no one else gets involved in the chaos. What's your problem, you beast?" pag iinit na ulo ni Sebastian. "Hoy anong ginagawa mo! bakit nakikialam ka pa!" wika ko. "Just chill there, Ally. I got this." pagmamayabang ni Sebastian. "Release them, or you won't leave here alive!" sigaw ni Sebastian, sabay labas ng kanyang Baril, at tinututok nya ito sa Vip Client na nangmanyak sa akin. Nagkainitan sila kaya't nagkatutukan sila ng baril, sabay bigla na lang kaming tinulak ng mga tauhan ng Vip Client. "Hoy, bata! Akala mo ba'y madadaan mo ako sa pa english english mo? Apat lang kayo, pito kami Haha!" pagmamayabang ng Vip Client. "Tudasin na kaya namin kayo!" sabay tawa ng mga lalake. "Who told you we were only four? Poor old guy Haha!" wika ni Sebastian habang tumatawa sya at kanyang mga body guards. "Bwiset ka!" naiinis na wika ng Vip Client habang nanggigigil nang kalabitin ang kanyang baril. Bigla namang dumating ang iba pang mga bodyguards ni Sebastian. "Go ahead! Try to touch or shoot that gun, we might all end up dead in here." sigaw ni Sebastian, habang kami ay naiiyak na sa takot sa barilang magaganap. "Matapang ka lang naman dahil mas marami ka nang tauhan!" "Suntukan nalang oh!" hirit pa nya "Okay, sure, I'm easy to talk to anyway." wika ni Sebastian sa hamon sa kanya ng Vip Client. "Walang makikialam!" wika ng Vip Client sa kanyang mga tauhan. "Boys, stay out of this; it's none of your business." saad ni Sebastian sa mga bodyguards nya. "Kaya ba nya yan eh anak mayaman sya?" pagbubulungan namin ni Shane. Nagsuntukan silang dalawa, napuruhan ni Sebastian ang Vip Client ngunit mas maraming naging tama ng suntok si Sebastian. Sa isang malakas na suntok napatumba si Sebastian. Sa pag-aalala ko hindi ko na natiis na tumingin lang. Pumasok ako sa eksena, sabay pinagsususuntok at kinarate ko ang Vip Client, at bumulagta ito sa sofa habang duguan. Napanganga na lang sa gulat si Sebastian dahil akala nya siguro ay hindi ako marunong manlaban. Dahil sa nangyari, bumunot ng Baril ang mga tauhan ng Vip Client at tinutok sa amin habang tinutulungan kong tumayo si Sebastian. "Sige! subukan nyong bumonot ng Baril, pupulbusin at pipira pirasuhin namin kayo ng mga bala namin." sigaw ng mga bodyguards ni Sebastian. "Tara na sir, umalis na tayo dito." wika ng mga bodyguards habang inaalalayan kami papalabas ng bar. Habang papalabas kami, sa sobrang inis ni Shane ay sinipa nya pa at dinuraan ang manyak at matandang Vip Client. "Sir, dadalhin na namin kayo sa Monreal Private Hospital para magpagamot, mukhang malala po ang natamo nyong sugat mula sa pagkakabugbog." saad ng head bodyguard. No, it's fine. I can manage. Just take me to the Monreal Mansion. sagot ni Sebastian. "Siraulo ka ba! malala ang tama mo, magpagamot ka!" pag aalala ko. "Hey, you're concerned about me; maybe you like me huh?" biro ni Sebastian. "No!, it's not like that! hindi porke niligtas mo ang buhay ko eh okay na tayo!" mataray na sagot ko. "Oo nga mas mabuting mag pa tingin ka pa rin sa Hospital Sebastian." wika ni Shane. "No, no need, I'm fine" pagtanggi ni Sebastian. "Boys, just take them home; make sure they get there safely." utos ni Sebastian sa mga body guards nya. Ipinahatid nya kami sa mga tauhan nya para makasiguradong safe kaming makararating at walang threat sa buhay namin dahil baka balikan pa kami ng grupong naka encounter namin sa Bar. "Bye Sebastian! Thank you!" pagpapaalam ni Shane. "Thank you for saving us. Get well soon! But remember, it doesn't mean we're okay just because you saved us and I owe you my life. We're still enemies!" saad ko bago kami umalis. Pagkahatid sa amin ng Bodyguards ni Sebastian, ibinigay nila ang kanilany contact number para matawagan namin sila sa oras na guluhin pa kami ng mga lalake sa bar. "Thanks po sa paghatid!" pasasalamat namin ni Shane. "No worries, mag iingat kayo." sagot ng head bodyguard, saka sila umalis. May takot pa rin kaming nararamdaman ni Shane, dahil sa nangyari kaya naman sinecured namin ang mga locks ng pintuan ng bahay, naninigurado lang na hindi kami basta basta malolooban ng mga lalake sa bar. "Grabe ally, hindi ko kinakaya ang mga nangyayari!" "Magpahinga na tayo, tabi tayo pls natatakot pa rin ako." wika ni Shane. "Sige magpahinga na tayo, bukas na natin pag usapan to. Grabe ang sakunang naranasan natin sa gabing to." sagot ko naman. Nahiga na kami ni Shane, ngunit hindi makatulog dahil sa takot na nararamdaman naming dalawa. Pinapakiramdaman namin ang paligid, dahil baka nasundan kami ng mga manyak na lalake,at bigla kaming pasukin sa bahay. Nalilibang nalang namin ni Shane sa ibang bagay ang aming mga sarili hanggang sa makatulog kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD