(Kambal kabanata;Clash of the Hearts)
Pagkatapos ng klase ko, kaagad na akong umuwi para magpahinga. Wala akong kasama sa pag-uwi ko, dahil nga wala ang kaibigan ko. "Nakakapanibago naman, bakit kaya wala sya. Di man lang nagpaalam sakin!"
"Teka,matawagan nga." hindi nag-riring ang phone ni Shane. "Bakit kaya hindi nya sinasagot. Hays!" wika ko habang alalang alala na sa kanya. "Ay, baka nasa bahay na sya." dagdag ko pa. Agad na akong umuwi sa bahay, para macheck na rin kung nasa bahay na nga si Shane. At hindi nga ko nagkamali,nasa bahay na nga sya. "Besh!" sigaw ko. "San kaba nanggaling ha, alalang ala ako, hindi ka man lang nagpapaalam!" wika ko habang bakas sa mukha ko ang pag aalala.
"Oa mo naman besh!" biro ni Shane.
"Eh kasi naman!" wika ko habang maluha luhang niyakap sya. "Aww, tumawag kasi nung madaling araw si mama, emergency daw eh."
"Di na ako nagpaalam, tulog na tulog ka kasi. Lowbat pa phone ko kaya di mo talaga ako macocontact." pagpapaliwanag ni Shane sa akin.
"Alalang ala ako sayo, gaga ka!" panenermon ko sa kanya. "Ihh, miss mo lang ako eh. Haha!" biro ni Shane. "Anyway, ano kamusta ka naman. Let me guess, sira na naman ang araw mo noh, dahil nakita mo na naman si Sebastian, tapos nag away kayo. Tama ba, Haha!" wika ni Shane, nakakabinging sermon nya parang machine gun. "Kabisado na kita, Ally!" hirit pa nya. "So ito na nga Shane, pinahirapan ako ng bwiset na lalakeng yon kanina!" kunot noong pag kwento ko. "Bakit ba ano na namang ginawa ni Sebastian,ang init na naman ng dugo mo." wika ni Shane.
"Akalain mo, para makaganti lang sakin, nag pa surprise recitation pa sya!"
"Ako pa ang inuna nya, kunwari pa syang bumunot ng index card eh alam ko namang ako ang target nya. Makaganti lang!" nanggigigil na kwento ko.
"Assuming ka Ally, baka naman nagkataon lang, malapit na kasi exam natin ah!" wika ni Shane
"Oh tapos anyare?" dagdag pa nya.
"Akala nya siguro masisindak nya ko ha. Hindi nagkataon yun besh, inaasar nya talaga ako. Lumapit pa sya sakin at tinatakot pa ako!"
"Baka akala nya hahayaan ko nalang sya, sino ba sya sa inaakala nya."
"Ako ang inuna nya sa pa recitation nya, at syempre di naman ako magpapatalo diba. Shane alam mo yan, kaya ayon pinakitaan ko sya. Ayon makanganga, akala nya siguro mauutal ako at di ko saulo ang Legal Ethics, Criminal Law na tanong nya!" nanggigigil na kwento ko kay Shane. "Wow Haha! may kayabangang taglay ka rin eh no!" biro ni Shane. "Inis na inis nga sya eh, Haha! Halata sa mukha nyang napahiya ko sya!"
"Ang sarap sa pakiramdam na manalo." pagmamayabang ko pa. "Sira ka talaga! Haha." pagtawa ni Shane. "Aba di ako magpapatalo!" pagmamayabang ko.
"Hay nako, Ally! Tara na nga. Kumain na lang tayo, pagkatapos nun, magpahinga na tayo. Tara, halika may dala akong pagkain." pagyaya ni Shane para kumain. Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga na ako, bagsak na bagsak ang katawan ko. "Shane matutulog na ko goodnight!." wika ko. "O siya sige, good night!" sagot nya. Nagulat ako nang biglang nag ring ang phone ko, at mula ang tawag, sa mama ko.
"Hello ma, bakit po kayo napatawag?" pagtataka ko. "Anak, ang tatay mo...inatake, isinugod na namin sya sa ospital" saad ni mama, habang umiiyak. Kabadong kabado ako sa sinabi ni Mama. "Ma, Bakit! Anong nangyari, Ma!" pagpapanic ko, hindi ako mapakali. Wala naman akong magawa, kundi umiyak nalang sa isang tabi. "Ma, uuwi ako ha" Takot na takot ako,hindi ko na alam ang gagawin. Para akong hihimatayin sa sinabi ni mama. "Anak wag na, mag focus ka sa pag aaral mo ha. Kaya na namin ng kapatid mo to, wag kana mag alala okay. Pinaalam ko lang sayo, para panatag ang loob mo."
"Isa pa anak, malayo kung uuwi kapa. Magiging okay din ang tatay mo, manalig lang tayo sa Dyos." malamig na tinig na wika ni Mama. "Ma! paano naman ako mapapanatag kung nasa kritikal na kalagayan si papa, Ma naman!" wika ko habang humahagugol sa iyak. Biglang naputol ang telepono, at hindi ko na ulit macontact si Mama. Sumabay pa ang malakas na ulan, may nagbabadya pang bagyo. Kaya hindi rin ako,makauuwi sa probinsya, dahil cancel lahat ng flights at wala pang kasiguraduhan kung kelan ulit magbabalik. Natumba nalang ako dahil wala akong magawa. "Besh! anong nangyayari sayo, bakit ka umiiyak!" wika ni Shane, habang dali daling tumakbo papunta sa akin. "Shane, inatake ang papa ko." wika ko habang humahagolgol sa iyak. "Hala! Besh kalma ka lang okay,baka ikaw pa ang mapano n'yan."
"Shane, uuwi ako, hindi ako mapapanatag nito." wika ko sa kanya.
"Pero Ally, magiging magastos ang pag-uwi mo, besides wala rin magbabago kahit na makauwi ka. Mapapabayan mo rin ang pag aaral mo, at wala ring flights papunta sa province nyo." pag-aalala ni Shane. "Pero,shanee." wika ko, sabay buhos ng mga luha ko, dahil wala akong magawa para makatulong sa kanila. "Ally, magpahinga kana okay, ang tanging magagawa lang natin ngayon ay magdasal na maging okay na ang papa mo." pagcocomfort sakin ni Shane.
"Tawagan nalang natin sila ulit bukas ha,para makibalita. Pero sa ngayon, magpahinga ka muna okay?" Sinamahan ako ni Shane sa kwarto ko, habang pinapakalma ako. Sa kaiiyak ko hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Ginising ako ni Shane, at agad naming tinawagan sila Mama para makibalita kung ano nang lagay ni Papa.
"Ma, kamusta na si Papa. Okay naba sya, Ma?" taranta kong pagtatanong.
"Ally, kumalma ka lang." wika ni Shane
"Ally, anak. Sabi ng doctor, nasa mabuting kalagayan na ang papa mo, pero nasa coma stage sya. Bibilang ng buwan, bago makarecover ang papa mo, at baka tuluyan ng maparalisa ang kalahati ng katawan ng papa mo anak." wika ni mama, may halong saya dahil nasa maayos nang kalagayan ang papa ko, malungkot dahil sa maaaring tuluyan ng magiging baldado ang papa, isang magsasaka ang tatay ko, may malawak kaming lupain at si papa lang ang nag mamanage nito. "Paano ang mga gastusin nyo Ma, san tayo kukuha!" pag-aalala ko pa. "Ganito nalang ma ha, habang nag-aaral ako, magsa sideline po ako, para makatulong po ako, at para mabawasan na rin ang iniisip nyo." wika ko. "Anak, huwag na, baka ibenta nalang namin ang ilan sa lupa natin, basta mag focus ka nalang sa pag aaral mo okay. Malalagpasan din natin to, mag ingat ka palagi dyan, huwag mo pababayaan ang sarili mo okay? Ayos lang kami rito, wag kana mag alala at mag-abalang umuwi pa, gustuhin ko man, kaso maaabala ka pa sa pag aaral mo at gagatos pa. Okay lang kami, Bye I love you!" malambing na tugon ni Mama."I love you Ma! ingat palagi, bye po!" saad ko sabay biglang naputol ang linya ng telepono.
"Ayan na, Ally ha. Magpakatatag ka lang, nasa maayos ng kalagayan ang papa mo okay!" saad ni Shane. "Hindi pa rin ako mapapanatag hanggat di ko nakikita si papa,Shane." tugon ko. "Ah basta kumalma kana, maligo at magbihis kana. May pasok pa tayo." wika ni Shane. Naligo na ako, at nagbihis. Wala akong ganang pumasok, dahil hindi pa rin ako mapalagay sa mga nangyayari. "Tara na Ally, pumasok na tayo, baka ma late pa, tayo." wika ni Shane. "Shane, samahan mo naman ako mamaya,pagkatapos ng klase. Magbabakasakali lang ako mag sideline dun sa coffeeshop na pinagtatambayan natin. Para makatulong ako kela mama kahit papano, at para may budget ako pantustos ng gastusin ko sa pag-aaral." pag-mamakaawa kong wika, habang balisang balisa pa rin sa nangyayari.
"O sige sige, ikaw bahala." tugon ni Shane. Pumasok na kami ni Shane, bakas sa mukha ko ang lungkot at panghihina papasok ng Campus.
"Ally, una na ko, later nalang okay. Ayos ka lang ba? Wag mo na munang isipin yon." pag aalala ni Shane. "Oo bestie, ayos lang ako." Mahinang tinig na tugon ko. Habang naglalakad ako sa hallway papasok sa room, may nabangga ako. Hindi ko sya napansin sa sobrang dami ng iniisip ko, ni hindi na ako nakapag sorry at ni tumingin sa nabunggo ko ay di ko magawa.
"Hey Ms! watch your step!" sigaw ng lalake. Patuloy pa rin ako sa paglalakad at hindi pinansin ang lalake.
"Bastos." dagdag pa ng lalake. Pagpasok ko sa room ay balisang balisa ako,walang pake sa paligid. Late na pala ako, at nagsisimula ng magturo ang professor ko,si Sebastian. Kahit na alam kong late na ako, dire-diretso pa rin akong pumasok na para bang wala pang nagtuturo sa harapan ko.
"Hey, do you just enter without any regard? Weren't you taught by your parents to show respect, Ms. Allyshia?" wika ni Sebastian. Dire-diretso pa rin ako sa pag upo at parang walang pake alam sa sinabi nya. "Hey, Ms. Allyshia! I'm talking to you!" biglang nag pintig ang dalawa kong tenga, at sa sobrang galit ko nasigawan ko si Prof. Seb.
"Never, ever involve my parents, Sir!
You have no right, and you know nothing about what my family is going through."
"If you have a problem with me, address it with me directly. Don't involve my parents!" sigaw ko,kasabay ng pagtulo ng mga luha ko,habang nakaduro ang mga daliri ko kay Sebastian. Nagulat ang lahat sa ginawa ko. "Sorry sir, may pinagdadaanan lang po, nabigla lang ako. Sorry po!" paghingi ko ng tawad,sabay takbo palabas habang umiiyak. "Why is she so furious? She's not usually like that. Is she annoyed with me? Is she already cursing me?" pag aalalang bulong sa sarili ni Sebastian. "Okay, class. Let's begin. Let's give Ms. Marquez some time; she might be dealing with a personal issue. tugon ni Sebastian sa buong klase. Binigyan ng mga gawain ni Sebastian ang kanyang mga students, at sandaling iniwan ang mga ito. Para sundan at alamin kung ano ang problema ko, nakita nya akong humahagolgol ng iyak sa hallway. Inabutan nya ako ng panyo. "Here's a tissue, wipe away those tears! You look ugly when you cry." pagpapagaan ni Sebastian sa loob ko, tinanggap ko
naman ang iniabot nyang panyo.
"Hey, what's your problem? Can you share it? Maybe I can help." alok nito
"Leave me alone! Stop it, Sebastian! Whatever you're planning, please stop! I'm not amused anymore; I don't want to play with you. I have a big problem, and I don't need you right now!" wika ko habang patuloy pa rin sa pag iyak.
"But I just want to help." pangungulit nya pa. "Pwes, hindi ka nakatutulong!" sigaw ko sa kanya, sabay alis papalayo ng Hallway, patuloy pa rin ako sa pag iyak.
"I wonder what her problem is."
"Aha! I know what to do!" kinuha nya ang cellphone nya at may tinawagan.
"Ramon, I have something to investigate. Find out everything about this person. I'll send you all the details. I need this ASAP!" wika ni Sebastian sa kausap nya sa cellphone. "Got it, boss." tugon ng kanyang kausap sa cellphone.