9 a.m—Tuesday
Nagising ako ng maaga. "Beshiee, shane! Gising naaaa!" sigaw ko. Nagising si Shane, sa lakas ng sigaw ko.
"Wow, himala ba to beshie,mas nauna kang magising sa akin. At ako pa ang ginising mo,anong nakain mo Haha!" biro ni Shane. "Gaga ka talaga!" sagot ko.
"Hoy besh, may chika ako!" dagdag ko pa
" Bago yan, bakit parang kinakausap mo ang sarili mo kagabi? Para kang tanga, dinig na dinig sa buong bahay!" pagtatakang wika ni Shane, habang tinataasan ako ng kilay. "Ha, anong kinakausap ang sarili!" pagmamaang-maangan ko.
"Baliw, makinig ka nalang sa chika ko."
"Kaya nga ito na nga ang chika!" wika ko.
"Wow, mainit init pa. Umagang kay ganda!" hirit ni Shane. "Siraulo ka Shane! Bakit mo binigay ang number ko kay Sebastian ha, kinukulit nya ako sa call kagabi. Kaya maingay ako,paano kung stalker pala sya,paano kung serial killer at patayin tayo ha!" saad ko. "Gaga! tama na oa kana, sampalin kita dyan eh! wika ni Shane, habang akmang sasampalin ako. "Mukhang good boy naman sya,and mayaman pa. Ano namang mapapala nya sayo diba!" dagdag pa nya. "Gusto lang naman bumawi ng tao sayo,napaka ano mo talaga!" wika ni shane. "Wow! eh paano kung irape nya ko! kayo nalang kaya mag sama,mukhang sya pa kinakampihan mo!" naiiritang wika ko. "Oa ka talaga gaga, ewan ko sayo. Dyan kana nga,liligo muna ako, aalis tayo, gala kahit san!" pag aya ni Shane sa akin. "Papalibre ka na nman sakin no." biro ko. "Hindi ah kapal mo naman, pero pwede ba?" biro pa ni Shane sabay hampas sakin.
"Wow, grabe ka. Ang kapal na ng face mo bawasan na natin yan, nabubutas na bulsa ko sayo eh Haha!" pabirong sagot ko."Oo na, sige na. Tutal wala namang pasok, and nakaka bored din naman sa bahay." dagdag ko pa. "Sige na, balik muna ko sa kwarto ko,at maliligo na ko!" sagot ni Shane.
Shane's phone ringing...
"Hello, sino po sila?" sagot ni Shane
"Shane, si Sebastian to."
"Oww sebastian, napatawag ka? Tarantado ka, balita ko pinagtripan mo naman sa call si Ally ha. Kaya pala kinuha mo ang number nya,akala ko pa naman makikipag-ayos ka lang." wika ni Shane. "No, di ko sya pinagtitripan. Nag sorry nga ako eh, nakikipagbati na. Pero, napaka maldita talaga ng kaibigan mo. Ang init ng dugo sakin." hirit ni Sebastian
"Anyways, I called just to find out where you guys are going. You don't have any classes, right? It's your free time, so..." dagdag pa ni Sebastian.
"Ah wala, gagala lang naman kami, boring dito sa bahay." sagot ni Shane.
"Where, may I know? I just want to apologize to Allyshia personally, so that her blood won't boil with me anymore." saad ni Sebastian. "Nako, ayoko na sabihin. Secret! magagalit sa akin si Ally, and isa pa masisira na naman ang araw nya kapag nakita ka!" pagtangging wika ni shane. "Come on, please. How about this, I'll buy everything you want. It's on me, just tell me where your place later." offer ni Sebastian. "Ah, mapag uusapan naman natin yan Sebastian. Same place, kung san mo kami nakita, sa coffee shop, then magpapahangin kami sa park." hirit ni Shane. "Wow ang bilis ha! deal?" biro ni Sebastian. "Syempre, may good offer eh. O sige deal na yan ha." biro ni Shane. "Sure!" sagot ni Sebastian.
"Pero wait,hmmm. Bakit ba gustong gusto mong naiinis ang bff ko and inaalam mo pa kung saan sya pupunta. Umamin ka nga stalker kaba, or wait wag mo sabihing gusto mo si Ally !? O..m..g!" kinikilig na wika ni shane. "No! I just want to apologize, and patch things up. That's it. You're quick to assume malice." pagtanggi ni Sebastian. "Oh bat napaka defensive mo, ikaw ha!"
"Dyan kana nga bye!" wika ni shane
"Tsk, ewan ko sayo, bye!" sagot naman ni Sebastian. */Naligo at nagbihis na kami.
"Besh, tara na!" sigaw ni Shane sa akin.
"Oo na ito na! excited ka masyado." sagot ko. "San ba tayo, ha? aga aga pa eh!" tinatamad na wika ko. "Same place beshieee ko, sa paborito nating tambayan, sa coffe shop tayo. Pag katapos nun, sa park tayo para maka langhap man lang ng sariwang hangin!" saad ni Shane. "You know, masyado na kasing polluted dito satin. Like iww, bad yon for health, and gusto mo mag unwind!" napaka arteng biro nya
"Wow conyo, ang arte ha beshiee ko, Haha! tigil mo yan, mukha kang tanga." biro ko sabay hampas sa kanya.
"Gaga!" sagot naman nya. "Tara na nga!" sagot ko. Sumakay na kami sa jeep,1:00 p.m na nang makarating kami sa coffee shop. "Hays! sa wakas. Ito ang peace na hinahanap ko, kahit papano makakapahinga rin!" saad ko.
"Tara na,pumasok na tayo. Dami mo pang sinasabi eh." biro ni Shane.
Nag order na kami ng iced coffee at pumunta sa favorite spot namin, para magchikahan. "Hays,sa wakas! nagkaroon din ako ng peace of mind!" saad ko. "Wow besh,sa lagay na yan wala ka lang peace of mind!" sagot ni Shane. "Oo wala talaga, lalo na kapag nakikita ko ang Sebastian na yon. Bwisit sya,parang impyerno ang buhay ko magmula nung dumating sya!" inis na sagot ko habang nakaduro. "Oa mo talaga, magkape ka na nga lang!"
sagot naman ni Shane. Matagal tagal din kaming nag kwentuhan ni Shane, nililibang libang namin ang aming sarili.
"Tara na, sa park naman tayo, mag papahangin lang." pag aya ni Shane.
"Sige!" sagot ko naman. 2:00 p.m— pumunta na kami sa park, at napansin kong parang may sumusunod sa amin.
"Hoy,bakit mo kami sinusundan!" sigaw ko sa lalakeng sumusunod sa amin nakasuot sya ng hoodie Jacket sa gitna ng mainit sa temperatura. "Sino ka ha!" sigaw ko. Hinubad ng lalake ang kanyang suot na hoodie. "Ha-Hi Ally!" utal utal na wika ng lalake, si Sebastian lang pala ito. "Ikaw na naman, bakit ka narito! Sinusundan mo ba ko! Stalker kaba? Manyak ka siguro no, bakit ka nandito!" inis na inis kong tanong
"Well, well, you're assuming huh. nagkataon lang, Miss. Accusing people seems to be your habit, isn't it?" pang aasar ni Sebastian. "Wag mo kong ma english english!" "Kung di mo ko sinusundan, bakit nag disguise ka pa. Akala mo, di kita mahahalata ha!
Amerikanong hilaw! sigaw ko sa kanya.
"Ayan na naman ang aso't pusa, mag-a away na naman!" pagsingit ni Shane sa usapan. "Bahala nga kayo, para kayong mga bata. Babuuu maiwan ko na kayo
bye!" "Bye beshieee" nakangiting wika ni Shane, sabay alis na para bang may kinalaman sya sa nangyayari.
"Hoy beshie, wag mo kong iwan sa gagong to! Hoy!" sigaw ko.
"Amerikanong hilaw? Ano yon ha! Are you mocking me?!" wika ni Sebastian, pagtatakang tanong nya.
"Mocking, mocking mo mukha mo gago!" sagot ko naman. "Ang sungit mo, but anyway, for your information, I'm not picking a fight with you. It just so happened that we're in the same place, besides gusto ko lang naman mag apologize." pambobola at todo pagtanggi ni Sebastian. "Apologize mo yang mukha mo!" sagot ko naman. "Why are you so furious with me,humihingi na nga ng apologize eh." saad pa ni Sebastian.
"Alam mo kung bakit huh? Simula nung nakilala kita,naging impyerno na ang buhay ko. Simula nung nakilala kita hindi na natahimik ang buhay ko. Ikaw na nga tong may kasalanan,ang ending ikaw pa galit? Gago kaba!" galit na galit na wika ko habang dinuduro ko sya. "That's why I'm asking for forgiveness, oo na mali na ako!" sagot naman nya. "Wow ano, ngayon mo lang narealize na mali ka?!" pag irap ko sa kanya. "Che! bahala ka, yabang mo!" "Tigil tigilan mo ko sa ka eenglish mo baka masampal lang kita!" naiinis na sagot ko. "Okay fine!" wika nya."Sorry na kasi!" dagdag pa nya.
"Bahala ka sa buhay mo! dyan kana nga!" saad ko. "Sige ka pag di mo ko pinatawad, you might lose you're scholarship sa University namin. Oww! finding a new one can be tough." pananakot sakin ni Sebastian. "Akala mo matatakot ako, gago kaba?! Manigas ka!" pagmamalaking sagot ko na mas kasamang kaba at takot. Napalunok laway nalang ako, dahil baka mawala nga sa akin ang scholarship ko.
"Ganito nalang, choose. Either you lose your scholarship or you forgive me." wika ni Sebastian. "And worst na magawa ko baka ibagsak pa kita sa subject ko kapag tumanggi ka!" hirit pa nya. "Akala mo matatakot ako? You rich folks, use your money just to make people obey you!" galit na sagot ko. "Wow!" sagot ni Sebastian,bigla na lang syang napatulala at napatitig sa akin. "Oh ano, do you think I can't speak English? Do you think I'm worthless and stupid, If you believe that you can make me obey your desires despite your threats, you're mistaken. I won't back down, bring it on Mr Monreal!" taas noong wika ko. "Oops, I'm not saying anything like that, ikaw nagsabi nan ha. I just want to settle things. Can we please make bati bati na? sorry na kasi Allyshia." pagpapacute na wika ni Sebastian. "You're so arrogant, akala mo kung sino ka! arrrgghh!" galit na sigaw ko
"Dyan kana nga, bahala ka gago!" sabay walkout. "Ally pls!" wika nya sabay hawak ng braso ko, sa gulat ko ay nasampal ko sya. "You called me Ally?!! Close ba tayo, para tawagin mo ako ng ganyan?! Baliw! Jerk! Dyan kana nga! Bwisit!" sigaw ko sabay walkout, nabigla sya sa pagsampal ko. May naramdaman akong guilt dahil sa nagawa ko sa kanya,pero taas noo pa rin akong umalis. Kailangan mukha akong strong independent woman!
Sebastian's POV
"That hurts! pasalamat sya that she's beautiful, and I have a crush on her. If not, she's in trouble with me. Haysst! kunwari pa syang di easy to get, I know naman that she enjoys being chased. I'll get you, Allyshia Kayne Marquez. Just wait, you'll eventually fall for me." bulong ni Sebastian sa kanyang sarili habang ninanamnam ang sarap ng pagkakasampal. "She's really feisty, but that's okay!l. That's what I like! – someone with a thrill, haha!" hirit pa nya habang nakangiti dahil may mga binabalak sya. "Pabebe ka ka pa! mapapasakin ka rin!" sigaw ni Sebastian sa kalangitan, sabay alis.