(Kambal kabanata; Melting Gaze)
8:30 p.m—Monday. Gabi na kaming nakarating sa bahay, dahil sa sobrang traffic, halos depress na ang mga mukha namin sa pagod. "Hayst, beshiee kapagod. Nakarating na rin tayo sa wakas,traffic grabe." stress na wika ni Shane. "Oh ano, di na ba kumukulo yang dugo mo." dagdag pa nya. "Paano huhupa tong galit ko sa lalakeng yon ha, kung pinapaalala mo pa sya sakin!" gigil na gigil kong wika. "Sige na beshiee, tama kana matulog kana nga. Nakaiinis ka!" dagdag ko pa. "Wala namang pasok bukas, ang oa mo!" sagot ni Shane.
"Oo nga wala, pero pagod na ko okay. Awat na sirang sira na ang buong mag hapon ko!" kunot noo kong wika.
"Bye, beshiee matutulog na ko. Dyan kana, kausapin mo sarili mo mag-isa mo!" wika ko sabay bagsak ng pinto.
"Maldita!" sigaw ni Shane "Ally ngayon alam ko na kung bakit wala ka pang boyfriend!" hirit pa ni Shane.
Sa sobrang pagod ko, napahiga nalang ako sa kama. Bagsak na bagsak ang katawan ko, habang ako'y nakahiga na para magpahinga, bigla nalang pumasok sa isip ko ang mga sinabi ni Shane kanina.
"Bakit nga ba wala akong boyfriend?" tanong ko sa'king sarili.
"Masungit ba ko? pangit ba ko?"
"Ay hindi hindi, bakit ko ba iniisip to!"
Bigla nalang akong napayo at napaharap sa salamin. "Pero, bakit kaya wala. Mataas ba standards ko? di naman ah. Ang gusto ko lang naman pogi, hot, matalino, sexy, chinito, matangos, matangkad, boyfriend material, loyal,at bonus na lang kung mayaman pa sya." wika ko. Habang kinakausap ko ang sarili sa salamin,bigla nalang pumasok sa isip ko si Sebastian.
"Pogi, mayaman, matangkad, Chinito? Parang na kay Sebastian na ang lahat ng ganitong qualities ah. May point si Shane ha, pero wait punyeta hindi. Hindi pwede, magkaaway kami tyaka imposible namang gusto nya ko eh kinaiinisan nya nga ako!" Todo deny na bulong ko sa sarili ko. "Napapangiti nalang ako bigla grabe na to hindi to pwede, Allyshia Kayne Marquez hindi to pwede!" "Alalahanin mo, kaaway mo sya. Mayabang sya, di ka pwedeng mainlove sa lalakeng yon." pang gagaslight ko sa sarili ko. "Hayyyyyy ano baa! nababaliw na ba ko;Sebastian Monreal umalis kana sa isip ko!" nababaliw na wika ko
"Sebastian Monreal, isa kang mayabang, presko at walang kwentang tao. Wait bakit ko ba sya prinoproblema. Teka, teka mali na to;nababaliw na yata ako." "Allyshia Tama na!" hindi ko na namamalayan na nag iingay na pala ako at rinig sa buong bahay..
"Hoy! Ally akala ko ba pagod ka,matulog kana. Para kang tanga!" sigaw ni Shane sabay bagsak ng pinto sa sobrang inis
"Sorry." mahinang boses na wika ko sa sobrang hiya. "Kaaway ko si Sebastian Monreal, kaaway ko sya, kaaway ko sya!" mahinang bulong ko sa sarili.
"Hayy gusto ko lang naman ng peace ano baaaa!" dagdag ko pa.
Sebastian's POV
"She's so adorable, I guess I'm in love now... her eyes, lips, argh, so cute. I don't know what to do. Even though we're enemies, I won't stop pursuing her." wika ni Sebastian sa kanyang sarili.
"Wait for it Haha! Kukulitin kita Allyshia Kayne Marquez, buti nalang talaga binigay ng friend mo ang number mo sakin!" saad pa nya. "Matawagan nga sya Haha!"
Sebastian's POV ends......
*/Phone ringing
"Wait sino ba 'to! gabing gabi na nang iistorbo pa!" wika ko sa aking sarili.
"Hello? sino po sila??" wika ko sa telepono. "Hi, Miss Allyshia." isang maganda at malalim na tinig mula sa telepono. "Who are you? Do I know you, and bakit alam mo ang pangalan at number ko?" nagtatakang tanong ko.
"Oh dear, oh dear, oh dear, did you forget about me so quickly? I'm your handsome enemy" may kayabangang sagot nya.
"Ikaw na naman, pwede ba Sebastian tigilan mo nga ko. Sisirain mo na naman ang gabi ko!" inis na wika ko.
"At bakit nasayo ang number ko ha, kanino mo naman nalaman Aber!" dagdag ko pa. "Kanino pa ba, edi sa mabait mong friend." pang aasar ni Sebastian. "Shanee!" panggigigil na wika ko. "Huy! Sebastian Monreal tigil tigilan mo ko sa trip mo ha, hindi ako yung tipo ng babae na pwede mong paglaruan tandaan mo yan!" nanginginig sa galit na wika ko. "And who told you that I'm playing around with you? I called just to say sorry about what happened earlier and in the past few days, so please." sagot ni Sebastian. "Tsk! dyan kana nga!" wika ko sabay bagsak ng phone ko.
Phone ringing again
"Hey, ano bang problema mo. Wag mo na nga akong guluhin,matutulog na ako, okay!" wika ko. "Gusto ko lang namn humingi ng sorry eh,sinusungitan mo pa ko!" pagpapabebeng sagot ni Sebastian.
"Wow, bait baitan portion. Akala mo madadaan mo ko sa mga ganyan! Aarrgg tumigil kanaa!" naiinis na pagpapanggap ko na may kaunting kilig, dahil sa pangungulit ni Sebastian.
"I won't stop until you forgive me. I'll keep bothering you until we're okay." saad ni Sebastian. "Pwede ba sebastian, patulugin mo na ko. Nakakabwiset ka,ibablock ko na tong number mo che!" wika ko. Blinock ko na ang number nya, ngunit bigla na namang nag ring. Gumamit pa talaga sya ng panibagong number.
*/Phone ringing again
"Sebastiannnnnnn, ano baa. Ang kulit mo talaga eh no! Patahimikin mo na ang buhay koooo." pagpapabebeng wika ko
"I told you, didn't I? I won't stop until you stop being grumpy. So it means, your phone won't stop ringing either. Haha!" biro pa ni Sebastian.."Ah ganun ha!" binaba ko na ang tawag at inoff ang phone ko. "Makulit ka ha, o ayan tingnan natin kung makatawag ka pa ngayon!" wika ko sa'king sarili. "Ang kulit, pinagtitripan na naman ako; akala nya siguro mabilis akong makuha sa pa sorry sorry, pwes sorry nalang sya. Habang buhay nang kukulo ang dugo ko sa kanya!" saad ko sa sarili ko, habang may kunting nararamdaman kilig.
"Arrrggg! makatulog na nga lang, gabi na;mapupuyat na namn ako!" bulong ko sa aking sarili.
Sebastian's POV
"Ay bastos! sya na nga tong sinusuyo, sya pa galit hmmp!" wika ni Seb sa sarili.
"I wonder why women, when being pursued, become even more playful... they say they're not easy to get ha! Brace yourself Allyshia, here I come." dagdag pa ni Seb. "Allyshia Kayne Marquez, ikaw na talaga. Ikaw ang mga tipo ko eh, a feisty and beautiful one. Haha, wait for it, Allyshia, you'll fall for me too!" pagmamayabang nya pa.
Sebastian's POV ends..........