Halos dalawang linggo rin kaming nanatili ni Sebastian bago nya nakuha ang boto ni Mama. Maaga kaming gumising ni Sebastian para maghanda na sa pagbalik sa siyudad. Habang kami ay naliligo, naghahanda naman si Mama ng makakain namin bago umalis at bumalik sa City. "Kumain muna kayo bago umalis." saad ni Mama. "Sige ma, mag-aayos lang muna kami." tugon ko. "Sige po, Mama." wika naman ni Sebastian. Pagkatapos naming maligo at ayusin ang mga gamit namin, kaagad na kaming kumain, kasabay namin sa pag-aalmusal si Mama. Tulog pa kasi at mga bandang patanghali na gumising ang mga kapatid ko. Dali daling kumain si Mama at pagkatapos nyang kumain kaagad nya na ring pinakain si Papa. Naawa ako sa kalagayan ni papa at syempre sa hirap at sakripisyong ginagawa ni Mama. Bigla bigla na lamang tumulo ang

