Nagising ako ng maaga dahil sa ingay na nanggagaling sa labas ng aking kwarto. Sa aking pagsilip, nakita ko si Shane at mukhang sinasadya nyang mag-ingay para magising at asarin lang ako. "Ano ba yan Shane, ang ingay mo." wika ko. "Para naman magising ka, tanghali na aba!" tugon ni Shane. Sa gitna nang aming pag-uusap ni Shane, kasunod namang nagising si Asrie. "Ano ba yan, ang aga aga nag-aaway na naman kayo." inaantok na wika ni Asrie. "Eh kasi itong si Shane nakakabwisit!" tugon ko. "Oh sya, sya, tama na yan, maghanda na tayo ng almusal. Wala ba kayong mga pasok ha?" saad ni Asrie. "Wala." sagot ni Shane. Nakarecover at magaling na si Asrie. Halos ilang buwan din syang hindi okay, buti na lang nasa maayos na syang kalagayan. Pagkatapos naming kumain, dali daling pumunta nang banyo si As

