Kabanata 35 Luis POV Surprise! Kaarawan ko, and I don’t even have time to plan something. Kasi naman, for a week siguro, magkasama lang kami palagi ni Essa. Kaya nagpatulong ako sa dalawang i-prepare ang surprise ko kay Essa for her upcoming birthday. Noong nalaman ko talaga na malapit na ang kaarawan niya, nag-iisip na talaga ako ng paraan for a surprise birthday celebration. Mag-thirteen na rin kasi siya. At wala akong alam, o kaide-ideya sa gusto ni Essa. “Hijo, maraming salamat talaga sa pagtulong mo sa amin, kung hindi siguro dahil sa iyo, o kay Essa. Baka wala na ako sa mundong ito. Ayaw ko pa namang iwan ang mga anak ko, dahil ang babata pa nila.” Madamdaming usal sa akin ni Aling Tanya. May mga nagbabadya

