Kabanata 34 Essa’s POV Sweet Dalawang araw na lang bago ang kaarawan ni Luis. Habang papalapit naman ang kanyang kaarawan, mukhang nahihirapan na rin akong gawin ang plano kong hindi siya pansinin sa araw mismo ng kanyang kaarawan. Kasi naman, ilang araw na rin niya akong nilalapit-lapitan, na para bang ayaw niyang mawaglit man lang ako sa kanyang paningin. Hindi ko tuloy maiwasang maisip noong nakaraang araw. Paano ba naman kasi, kasalanan din ito ni Marella. Buhusan ba naman ako ng tubig sa kalagitnaan ng pagpila ko sa canteen. Mabuti na lang talaga at kasama ko si Nile. Dahil kung hindi baka walang tgutulong sa akin na samahan akong magpalit ng damit. May locker kasi sa loob ng Calisto Academy, iyon nga lang, mga PE unif

