Kabanata 33 Essa’s POV Paborito Hindi ko talaga magawang lapitan kanina si Luis nang nakauwi kami galing sa paaralan, balak ko kasi siyang tanungin ng mga bagay-bagay, kaso nahihiya ako. Baka kasi anong isipin niya kung sakaling magtatanong man ako sa kanya ng mga bagay-bagay patungkol sa kanya. “Kanina ko pa napapansin ang mga tingin mo, Essa. May kailangan ka ba?” Ito talaga ang hindi ko nalamang ugali niya noon, unang araw kasi nang makilala ko siya, akala ko talaga arogante siya, at malakas ang bilib niya sa kanyang sarili. Tapos nakikipagsagutan pa siya sa kanyang daddy. Hindi ko na nga napapansin na nagbabangayan sila ng daddy niya. Baka dahil lang siguro iyon sa pinagtatrabaho si Luis sa kompanya nila nang wala pang pa

