Kabanata 31 Essa’s POV Huwag na Bumalik na nga ang sigla ni Aling Tanya, sa ilang buwang lumipas, naging successful naman ang kanyang operasyon. Wala pa ring kaalam-alam si Mr. Esguerra sa naging usapan namin ni Luis. Saka sabi niya naman sa akin na hinding-hindi malalaman ng daddy niya ang nangyari. Kasi may sarili naman siyang pera. “Maraming salamat talaga, Hijo. Sobra-sobra na ang ibinigay mo sa amin, hindi namin mababayaran ang lahat ng ito.” “Aling Tanya, hindi po ako nanghihingi ng kapalit. Ang gusto ko lang ay ang mapabuti ang lagay ninyo, lalo na at mahahalaga kayo sa buhay ni Essa.” “Ang swerte talaga ni Essa sa iyo, Hijo. Kasi ang bait-bait mo, at handa kang tumulong sa mga taong kagaya nam

