Kabanata 30 Essa’s POV Watch out Ilang irap na ba ang nagawa ko, simula nang matapos ang pinakahuling klase namin sa umaga. Kasi naman itong si Nile, inulit-ulit kanina pa ang mga pagsaway sa akin ng sumita sa aking guro kanina. Eh, kasalanan ko ba? Siya naman ang may gawa kung bakit ako napapaisip ng mga bagay-bagay na hindi ko na dapat pang isipin. “So, alam mo na ba ang sagot? Kung bakit blackboard ang tawag sa board? Kahit kulay green naman ito?” tinitigan ko siya ng masama. Pero nginisihan lang ako. Aba, mukhang may itinatagong kapilyuhan pala itong loko. Marahan kong pinadausdos ang kamay ko para hindi niya mapansin ang pagkuha ko ng notebook sa bag ko. Nang nakuha ko na ito, mabilis ko iyong inihampas sa kanya. Nakail

