"Even if you know what's coming, you're never prepared for how it feels." -Natalie Standiford xxxxxx Kahit na ilang beses ko pang sinubukang alisin sa kaniya ang mga mata ko. Paulit-ulit ko pa rin 'tong natatagpuang nakakabalik pala sa kaniya nang hindi ko man lang namamalayan. Hindi lang 'yon simpleng pagpasada na kadalasan kong ginagawa. Ngayon kasi mas tutok ako rito at halos namamangha pa. Bawat pagkilos nito ay parang kinakabisado ko. Kung paano niya hinihila ang string ng bow na hawak. Kung paano lumilipad sa ere ang arrow bago 'yon tumama sa target stand at kung paano pumipinta ang masayang mga ngiti sa labi nitong nagpapaliwanag sa kaniyang maamong mukha. Tangina, Esquivar. Ano na bang nangyayari sa 'yo? "Wala na. May nanalo na," sambit ng isang beses sa 'king likuran. Pa

