Chapter 4

1568 Words
Kaya’t kapag nakita mo na siya, hindi na siya naniniwala sa paghiling sa mga bulalakaw Hindi na siya namamangha sa mahika ng buwan at mga bituin O sa kung ano mang pwersa ng uniberso na maaring magtulak sa kanya patungo sa ‘yo Hindi na siya naniniwala sa anu mang salita na nilikha ng pag-ibig (An excerpt from a spoken poetry; Kapag nakita mo na s'ya) xxxxxxxx Napabalikwas na lang ako mula sa 'king kama. Naiinis at gusto na namang magmura ng basta-basta dahil kahit pagod na ang aking katawan. Ang utak ko ay patuloy pa ring nagtatrabaho, bukod pa roon, binabagabag din ako nito ng mga ideyang makakapugto sa natitirang pisi ng aking katinuan. Nagpatuloy ang maliliksi kong pagkilos patungo sa nakasaradong itim na pinto ng sariling walk-in closet. May pag-iingat kong hinila ang isang drawer kung saan nakatago ang iba't ibang klase ng hoodie. Nakaayos at magkakasama ang mga 'yon depende sa kanilang kulay, brand at kapal. Para sa gabing ito, kinuha ko ang kulay wine kong hoodie. Sinuot 'yon saka lumabas. Hindi ko nakalimutang isarado ang pinto nang pinaglabasang silid. Tahimik ang paligid, halatang nahihimbing na ang lahat maliban sa mga pawn na nakadestinong magbantay sa kabuan ng RMS para sa magdamag. Ang mga ilaw mula sa iba't ibang chandelier na nakabitin sa matataas na kisame ng bahay ay patay na. Tanging ang mga dimlights na lang ang magsisilbing gabay ng kung sino mang lalabas mula sa kanilang mga kwarto para pumunta sa kung saan sulok nitong malawak na bahay. Habang pababa ng hagdan. Nakapa ko ang manipis na piraso ng papel mula sa bulsa ng suot kong shorts. Nang ilabas ko 'to ay saka ko pa lang naalala kung ano 'yon at kung kanino galing. Gagong 'yon. Ano bang iniisip niya at binigyan niya ako ng band-aid? P'wede ko ba 'tong ilagay sa gilid ng labi kong nasugutan? Nagpatuloy ang wala sa sariling pag-iisip ko kay Kylué at sa kaweirduhan nito. Narating ko na lahat-lahat ang cellar para kumuha ng isang bote ng scotch. Nakaalis doon at papaakyat na 'ko ng rooftop kung saan madalas dinaraos ang mga maliit na pagdiriwang pero ang isip ko, wala pa rin sa 'kin.. As I take the last step in stairs to finally reach the rooftop's floor. My eyes hop from the floor where it was directed earlier to him. At first, I thought I was imagining things but when he stare at my direction and look back to the endless darkness of sky. I get to realize that he's here. The real him—that this is not just my imagination. Sa ibang mga araw kung saan normal ang takbo ng aking pag-iisip. Sigurado akong mas pipiliin kong h'wag nang tumuloy sa pagtambay rito sa rooftop. Dahil siya ang nauna rito, hahayaan ko na lang 'to at babalik na lang ako sa 'king kwarto. Nang humakbang ako palapit sa kaniya at naupo pa sa tabi nito, napatunayan kong wala nga talaga ako sa tamang kondisyon. "Hindi ka rin makatulog?" nauna itong magsalita. "Palagi naman," kaswal kong sinabi rito saka ko binuksan ang dalang bote ng alak. Walang pag-aalinlangan ko 'tong tinungga bago ako tumingala rin para alamin kung saan nakatuon ang mga mata niyang humahanga sa kung anong bagay. "Umiinom ka kapag hindi ka nakakatulog?" may pang-uusisa at pag-aalala ang boses nito. Bagay na bibihira ko lang marinig at mahanap sa t'wing mayroon akong nakakausap ng gan'to. "Pareho pala tayo," aniya. Hindi ko alam kung matatawa ba 'ko o maiinsulto ko na lang siya matapos kong makita ang hawak niya. Isang carton 'yon ng banana flavored na yogurt drink. Ibang klase rin talaga siya. He should often admit that Cruorem's blood runs in his vein for it will justify weird things that he does. "Gustong-gusto mo ring pinanunuod ang langit, mga bituin at buwan. Ilang beses na kitang nahuling pinagmamasdan sila nang ganiyan," muli niyang pagsasalita. Muli akong lumagok ng alkohol saka nagbaba nang tingin dito. Umiling para itanggi ang mga naging hinuha niya patungkol sa pagtingin ko sa madilim na langit kahit na hindi naman talaga kailangan. "Not that." I take in another waves of alcohol in my mouth, "hinahanap ko lang din ang gandang taglay ng mga bagay na 'yan sa taas." Pinilig ko ang aking ulo. "Sa gabi-gabi kong pagtingin, hindi ko pa 'yon nakikita miski isang beses," I said, honestly. I'm fully aware that right now, he may think that I am weird too like him. Kylué drinks the last drop of his yogurt drink and then squeeze the carton of it afterwards. "Hindi mo nakikita kasi mali ang ginagamit mong pangtingin—hindi pala mali, kulang." Nangunot ang aking noo, ang makapal kong kilay ay nagdugtong at ang mga mata ko ay napuno nang labis-labis na pagkalito. Anong kulang? Telescope? He smiles, he smiles sweetly like he never tastes the bitterness of life. If you're good at getting to know people through observation, you'll agree with my impression about him. He's such a soft boy. I wonder if he'll stay like that even if dark storms starts assailing him too? "When you wanna see the magic of sky, stars and moon. Don't just look at it with your mere eyes, find the beauty of it together with your heart and you'll see it." Napatingin na lamang ako rito dala ng gulat nang bigla niyang kinatok ang aking dibdib. Humalakhak siya saka tumayo. "Nand'yan pa 'yan sigurado ako," anito, siguradong-sigurado. Uminat-inat si Kylué sa 'king harapan bago bumalik sa parisukat na platform kung nasaan kaming dalawa kanina. "Pagbigyan mo 'ko kahit ngayon lang." All that I can do in response to his statement is a questioning look. "Mmm?" Hindi ako agad na nakapalag at nakatutol nang kinuha niya sa 'kin ang bote ng alak. Tinakpan 'yon saka hiniga sa pagitan naming dalawa. "Let's play truth or dare." He's grinning excitedly. I smirked and shook my head. I don't wanna play any games with him. Ano kami bata? "Hindi gan'tong klase ng laro ang gusto ko?" "Kung gano'n ano?" balik tanong niya. Our eyes intertwine. There's something about those subtle eyes that made my brain to shut down and my tongue to get tied. "4, 3, 2, 1 hindi ka nakasagot kaya lalaruin natin 'to." Mayroon nang pinalidad sa tono niya. Kylué instructed me about it and although I know how this 'game' works, I let him finish his quick explanation peacefully. "Game na ha?" aniya bago pinaikot ang bote. Napatingin ako roon. Ang nguso nito ay nakaturo sa 'kin at ang ilalim naman ay nasa kaniya. Ibig sabihin, siya ang magtatanong o mag-uutos at ako ang sasagot o gagawa ng kung ano man 'yong iuutos niya sa 'kin. This is not fun, but I can't picture myself walking out from him and leave him hanging. "Truth or Dare?" he ask with such excitement. And because I'm not really into this game. I didn't want to do something that he'll asks me to do if I say dare either, so I decided to pick truth instead. I choose truth and when he shoots a question for me, I'll answer it with lie. "Bakit ayaw mo sa 'kin, Ivar?" sumeryoso ang mukha nito, sa mga oras na 'to ang mata niya ay parang salamin kung saan mo malinaw na makikita ang lahat ng bagay tungkol sa kaniya. I snorts a sarcastic laugh. "Ayoko sa lahat, Kylué. Hindi lang sa 'yo. I hate people in general. I hate everything, I'm so fed up with everything," taliwas sa plano ko, totoo ang bawat salitang lumabas sa 'king labi. Ngumisi siya at inikot na uli ang bote. Ako naman ang magtatanong o mag-uutos sa kaniya ngayon. "Truth," anito bago pa ako makapagtanong. Sandali ako napaisip ng tanong na maari niyang ikainis at maging dahilan para matigil na ang larong ito. "Are you willing to date a guy?" "Yes, why not?" walang pag-aalinlangan niyang sagot bago muling pinaikot ang bote. Katulad ng unang beses, sa akin na naman nakaturo ang nguso ng bote. "Dare," I mumbled with my tired and bored voice. "Kiss me, Ivar." My eyes grew big in size because of it. Silence between us stretched before I break it with a forceful laugh. Itinayo ko na ang bote ng alak saka siya muling tiningna. "Ako 'tong umiinom ng alak pero parang ikaw ata ang nalasing. Tumigil ka nga Kylué." "You said dare so here it is. This is just for fun." He licked his lower lip insolently. "Kylué." I said it wih a warning. He smirked. "Que alma temerosa," anito, ibinabalik sa 'kin ang salitang ginamit kong pang-insulto sa kaniya. Naiiling 'tong tumayo, handa na sanang umalis. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa mga oras na hinigit ko ang braso niya at tumayo rin. Nilagay ko ang kanan kong kamay sa pagitan leeg at panga nito saka siya hinalikan sa kaniyang labi. That kiss' supposed to last for a second only but when he move his to own it. I was blown by uncertain fire of scorching passion. He freed his hand from my grasp and then place it at my nape to pull me closer to him. When he finally let go of my lips that almost felt like his already, I couldn't redeem myself fastly anymore. Hinawakan niya ang labi saka nakipagtitigan sa 'kin nang mabuti. "This is my first kiss. You're my first kiss, Ivar... I like it." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD