Alondra HINDI ako mapakali sa kinatatayuan ko habang iniisip ang mga pinaplano ni Diane kay Samantha. Yes, Samantha is one of my mortal enemy pero hindi ko yata maaatim na makita siyang lugmok dahil lang sa kagagawan ni Diane, ako lang ang dapat makatalo sa babaeng 'yun. Panay ang lagay ko ng wine sa glass ko habang paikot-ikot sa salas ng unit ko. Gustuhin ko mang kumalma ngunit hindi ako matatahimik kung ang isang katulad ni Diane ang gagawa ng kasamaan kay Samantha. Hindi yata ako makakapayag dahil para ko na ring sinabi na mas may kapangyarihan si Diane kaysa sa akin. "I can't take this anymore..." bulong ko sa sarili at kinuha ang phone ko, I dialed the number of Samantha and tried to call her. I called her twice... thrice... But no one is answering... I need to message her; I

