Samantha HINDI talaga ako titigilan ni Alondra hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. Pero dahil nga sa mga nasabi niya sa akin nitong nakaraang araw, nang dumalaw siya sa unit ko, tila may kumukumbinse sa akin para pakinggan siya. Kaya nang magpadala siya ng mensahe sa akin ay hindi na ako nag-atubiling puntahan siya sa kanyang condo unit dito sa Makati. Nag-grab na lang ako para madaling makapunta dito. Wala pa kasi akong sariling sasakyan at tsaka isa pa hindi ako marunong magdrive. Si Alex lang ang nag-di-drive sa akin kapag may pupuntahan ako, pero dahil nagmamadali ako at alam kong kokontra siya sa desisyon ko mas mabuti nang ako na lang ang pumunta mag-isa kaysa magtalo pa kami. Kaagad kong tinawagan ang number niya para sabihing nasa labas na ako ng building, sinagot nam

